Saturday Sep, 19 2020 12:30:24 AM

NDBC BIDA BALITA (Dec. 11, 2019)

NDBC BALITA • 22:15 PM Wed Dec 11, 2019
473
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

DECEMBER 11, 2019 (WED)
7:00 AM

HEADLINES:

1. Martial law sa Mindanao, hindi na palalawigin pa pero mahigpit na seguridad at curfew hours, patuloy na ipatutupad sa Cotabato city.

2. Founder ng investment scheme, natagpuang patay sa Koronadal City

3. Dalawang mga miyembro ng BIFF Karialan Faction, sumuko sa militar sa Pikit, North Cotabato

4. Pagpapalawig ng validity ng firearms documents lusot na sa Senado

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA…

INANUNSYO NA ng Malakanyang na hindi na palalawigin pa ni P. Duterte ang umiiral na martial law sa Mindanao at hanggang December 31 na lamang ito.

Sinabi ni Presidendial Spokesperson Salvador Panelo na unanimous ang naging pasya ng AFP, PNP at National Security Officers hinggil sa naturang usapin.

Paliwanag ni Panelo, na batay sa assessment ng mga otoridad, humina na ang terorismo at rebelyon sa Mindanao dahil sa pagkakaaresto o pagkasawi ng maraming mga miebro at mga lider ng mga teroristang grupo.

Bumaba na rin aniya ang crime index sa Mindanao Region.

Ayon pa kay Panelo, anumang banta sa Mindanao ay natutugunan naman ng pamahalaan.

Samantala, patuloy pa ring maghihigpit ng seguridad ang mga sundalo at pulis sa Central Mindanao kahit wala ng Batas Militar.

Sinabi ni Army’s 6th Infantry Division chief Maj. Gen. Diosdado Carreon na walang magbabago sa kanilang ipinatutupad na seguridad sa Cotabato City at mga karatig na lugar sa Maguindaao, North Cotabato at Sultan Kudarat provinces.

Nilinaw din ni Carreon na magpapatuloy din ang kanilang kampanya laban sa loose firearms, terorismo at maging ang pagtugis sa mga grupong sangkot sa iba’t ibang mga krimen.

Sa panig naman ng Cotabato city LGU, tuloy pa rin ang pag-iral ng curfew o discipline hour sa lungsod at gabi-gabi pa ring maglilibot ang LGU-PNP Ronda kahit wala ng martial law.

Sinabi ni city mayor Cynthia Guiani na isa ng ordinansa o lokal na batas ng lungsod ang LGU-PNP Ronda at ang pagpapatupad ng discipline hours laya magpapatuloy ito kahit hindi na iiral ang martial law.

Giit ng alkalde, maganda ang naidulot ng ronda at curfew hours sa lungsod dahil naging disiplinado ang mga mamamayan, bumaba rin ang bilang ng mga krimen at napipigilan din ang anumang mga banta sa seguridad.

 

-0-

 

PATAY ang isang ginang na umano ay founder ng isang investment scheme matapos itong magpatiwakal sa Koronadal city.

Tinitingnan naman ng City PNP ang isyu ng pumalyang investment bilang isa sa mga dahilan ng pagpapakamatay ng ginang kahapon.

Kinilala ang naturang ginang na si Aileen Manahan, founder ng Akma community solutions incorporated, isang investment scheme.

Sinabi ni Siason na lumalabas sa initial investigation na kahapon ng umaga dapat ay magkakaroon ng pay out sa investors kaya pumunta sila sa bahay ni Manahan sa Camella Homes subdivision, Barrio 6, Koronadal City.

Ayon kay Siason, si Manahan ay natagpuang nakahiga sa kanyang sofa at walang nang buhay alas tres ng hapon.

Dagdag pa ni Siason, si Manahan ay nadakip na rin noon sa Gen. Santos City dahil sa reklamo hinggil sa investments pero pansamantalang nakalaya.

 

-0-

 

Dalawang mga miyembro ng BIFF Karialan Factions, sumuko sa militar sa Pikit, North Cotabato

Dalawang mga nagpakilalang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF Karialan Factions ang sumuko sa 7th Infantry Battalion ng Philippine Army sa bayan ng Pikit, North Cotabato kamakalawa.

Sina alyas Nash at Alyas Mods na nag-ooperate sa ilang bahagi ng Central Mindanao ay sumuko dahil pagod na sa pakikipaglaban kaya’t personal na lumapit sa gobyerno.

Ayon kay 602nd Brigade Commander Col Donald Gumiran sinabi nitong dala sa kanilang pagsuko ang matataas na kalibre ng armas tulad ng isang (1) Noveske N4 carbine; isang (1) homemade M79 Grenade Launcher; isang (1) short M16 magazines na may kasamang labing limang (15) 5.56mm na bala at dalawang bala na high explosive 40mm grenade launcher.

Nagpasyang sumuko ang dalawa matapos malaman na nagsurender na rin ang kanilang Kumander na si Kumander Nao sa tulong ni Barangay Buliok Chairman Luth Salik at dahil na rin aktibong suporta ng Local Government Unit ng Pikit laban sa terorismo at violent extremism.

Ang pagsuko din ng dalawa ay nagpapatunay lamang ng epektibong programa ng gobyerno ang “Whole-Nation approach” sa paglutas ng mga usaping pangkapayapaan sa bansa.

nila, walang patutunguhan ang pinaglalaban ng kanilang grupo at hindi sila sumasang-ayon sa mga ginagawa ng mga dating kasamahan, katulad ng pananakot at pagpatay. NDBC BIDA BALITA

 

 

-0-

DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang lalaki habang kritikal naman ang isa pa matapos umano silang tambangan ng hindi pa nakikilalang mga armadong lalaki sa national highway na sakop ng Barangay Balut, Sultan Mastura, Maguindanao.

Nakilala ang nasawi na si ANWAR SAGUIRA habang ang sugatan naman ay kinilalang si ESMAEL MARIGA, mga nasa hustong gulang, pawang mga magsasaka at kapwa mga taga-Barangay Bungabong ng nasabing bayan.

Ayon sa kwento ng isa sa mga kaanak ng biktima, alas tres ng hapon kahapon habang magka-angkas sa motorsiklo ang dalawa at pauwi na sana nang paulanan sila ng bala ng mga hindi pa nakikilalang salarin.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan si SAGUIRA na naging sanhi ng kanyang pagkasawi habang mabilis namang naisugod sa pagamutan ng mga nagrespondeng mga otoridad si MARIGA na ngayong ay nasa kritikal na kondisyon dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo.

 

0-0-

 

PATAY ang pang-anim sa most wanted list ng Datu Odin Sinsuat PNP matapos na manlaban sa mga otoridad na magsisilbi sana ng warrant of arrest.

Sa report ng DOS PNP, isisilbi sana ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-BARMM ang Warrant of Arrest na inilabas ni Judge Kasan Abdulrakman para sa suspek na si Ebrahim Mudzol kaugnay ng kasong paglabag sa Anti Carnapping Act with Homicide at isa pang Warrant of Arrest na inilabas naman ni Judge Israhayda Sinsuat para sa kasong Acts of Lasciviousness.

Gayunman, nang makarating ang mga otoridad sa lugar ng suspek sa Sitio Kiniputan, Barangay Poblacion, DOS pasado alas singko ng hapon kamakalawa ay bigla umano silang pinaputukan ng suspek sanhi para gumanti ang mga pulis at napuruhan si Mudzol.

Nakuha mula sa nasawing suspek ang cal. 45 pistol na ginamit nito para barilin ang operating team.

 

-0-

 

NAGSIMULA NA kahapon ang tatlong araw na kauna-unahang Food Security Summit sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Ito ay pinangunahan ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform kung saan tampok ang iba’t ibang mga aktibidad na inihanda ng ahensiya kasama ang iba pang line agencies.

Mismong si MAFAR-BARMM Minister Mohammad Yacob ang nanguna sa programa na dinaluhan din ng mga matataas na opisyal mula sa Department of Agriculture, mga Municipal Administrator at ni BARMM Assistant Executive Sec. Abdullah Cusain.

Samantala, pinarangalan naman kahapon ang 2019 Regional Organic Agriculture Achiever na tumanggap ng Plaque at cash prize.

Ngayong araw ay gagawin naman ang Covenant signing of partnership para sa ikalawang araw ng summit sa pagitan ng Provincial Governors, LMP Presidents at nina BARMM interim Chief Minister Ahod Ebrahim, MAFAR Minister Dr. Yacob, MILG Minister Atty. Naguib Sinarimbo at ng mga private stakeholder.

Kasama din sa itinampok kahapon ang signing ng MOA ukol sa "Gulayan sa Paaralan" sa pagitan ng Ministry of Basic Higher and Technical Education at ng MAFAR.

Tema ng naturang aktibidad ay “Bangsamoro ay Paunlarin: Masaganang Ani, Mataas na Kita, Halal at Organikong Pagkain ay Siguruhin”

 

-0-

 

Pinayagan ng Korte Suprema ang hirit na live media coverage sa promulgation ng kontrobersiyal na kaso ng Maguindanao Massacre.

Makalipas ang ilang taon ay ilalabas na ng Quezon City Regional Trial Court ang desisyon sa kaso sa December 19 sa Camp Bagong Diwa, sa Taguig City.

Inaprubahan ng Supreme Court en banc ang hirit ng iba’t ibang media organizations na gawing bukas sa media ang promulgation.

Gayunman, ayon kay Supreme Court Justice Diosdado Peralta, pag-uusapan pa ang implementasyon nito kabilang na ang rekomendasyon ng Office of the Court Administrator at Public Information Office.

Aalamin din ang bilang ng mga reporter na papayagang pumasok o tumambay sa labas ng courtroom sa Camp Bagong Diwa.

 

Samantala, iniutos naman ng PNP ang paghihigpit ng seguridad sa Quezon City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa.

 

 

-0-

 

Tatlong mga suspek sa pamamaril sa isang magsasaka sa Carmen, North Cotabato, naaresto na ng mga pulis

Nadakip na ng mga otoridad ang tatlong mga lalaki na suspek sa pamamaril ng isang magsasaka sa Barangay Poblacion Mega Market Carmen pasado alas 8:00 ng gabi nitong linggo. Nabatid na pinagbabaril ng mga suspek ang biktima na si Joel Cerbeto, 63 anyos, isang magsasaka at nakatira sa Barangay Tonganon, Carmen, North Cotabato.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Hyder Dagadas 25 years old, Mojahid Mamangcog 18 at Rahim Mamangcog 19 na taong gulang na pawang nakatira din sa nasabing bayan. Sinasabing pinagbabaril ng suspek ang biktima na si Cerbeto habang naglalakad lamang sa Mega Market. Nabawi naman sa tatlong suspek ang Caliber 45 pistol, tatlong magazines, isang homemade fortylight at bala ng caliber 5. 56 improvised air gun at Bajaj motorcycle na ginamit bilang getaway vehicle.

Nahuli ang mga suspek dahil na rin sa patuloy na hot operation ng PNP at militar. Pansamantalang nakakulong na ang mga suspek sa custodial facility ng Carmen Police station at nakatakdang sasampahan ng karampatang kaso sa korte. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

 

Bayan ng Kabacan, nangunguna pa rin sa may pinakaraming kaso ng nakaw-motorsiklo nitong nakalipas na tatlong buwan

Nakapagtala ng sampung kaso ng motorcycle theft ang bayan ng Kabacan, North Cotabato nitong nakalipas na tatlong buwan. Ito ay batay sa datus ng Statistics on Crime Incidents ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO mula buwan ng Setyembre hanggang Nobyembre ngayong taon.

Habang limang mga bayan din sa probinsya ang nakapagtala rin ng kaso ng nakaw-motorsiklo pero sa mababang bilang lamang ito gaya ng Aleosan, Midsayap, Carmen, Pikit at Kidapawan City. Nabatid na noong unang quarter ng taon, ang nabanggit na bayan din na may naiulat na may mataas na kaso ng motorcycle theft sa buong lalawigan.

Samantala, sa kaso ng robbery, ang bayan ng Kabacan pa rin ang nakapagtala ng mataas na kaso na abot sa pito nito pa ring nakalipas na tatlong buwan. Sinundan naman ito ng Antipas na may tatlong kaso at bayan ng Matalam na may dalawang kaso.

Kung susuriin walang pinagkaiba ang crime volume sa index crime nitong mga nagdaang buwan kung saan hindi ito bumababa sa mahigit 60 mga iba’t-ibang kaso ng 8 focus crime ang naitala. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Ilang mga lugar sa dalawang put pitong mga Barangay sa bayan ng Makilala, North Cotabato, ideneklarang high risk area ng MGB

Posibleng ngayong araw na pagpapalabas ng penal na desisyon ang lokal na pamahalaan sa bayan ng Makilala kung maari ng makabalik sa kani-kanilang tahanan ang mga residente mula sa ilang lugar sa dalawamput pitong mga barangay sa bayan na una ng ideneklarang high risk area ng Mines and Geosciences Bureau at ng Philvocs.

Sinabi ni Municipal Planning and Development Head Leonard Legarda ito ay depende sa magiging desisyon ng Sangguniang Bayan members kasabay ng inaasahang special session ngayong araw.

Nabatid din na humihina na ang mga naitatalang aftershocks matapos ang tatlong magkakasunod na lindol kung saan isa ang bayan ng Makilala ang lubhang naapektuhan at halos lahat ng residente sa lugar ang apektado.

Ang mga Barangay na ideneklarang high risk area ay dahil na rin sa banta ng pagguho ng lupa o landslide kung saan marami ang missing at hanggang sa ngayon ay hindi na natatagpuan. Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang re-assesment sa mga high risk areas ng MGB, Philvocs at maging si North Cotabato Governor Nancy Catamco upang personal na makita ang sitwasyon sa mga lugar. 

 

-0-

 

Lalaki patay matapos na tambangan ng di pa kilalang suspek sa Pikit, North Cotabato

Patay ang isang 44 anyos na drayber matapos na pagbabarilin habang sakay ng sasakyan sa Barangay Ginatilan, Pikit North Cotabato alas 5:45 ng hapon kahapon.

Kinilala ng Pikit PNP sa pangunguna ni Pikit PNP chief Police Captain Mautin Pangandigan ang biktima na si Fernado Caragos Cordova at nakatira sa Barangay Kolambog, Pikit.

Ayon sa inisyal na ulat ng mga pulis, lulan ng toyota town ace ang biktima na pauwi na sana ng kanilang bahay nang pagsapit sa lugar ay dito na siya pinagbabaril ng di pa kilalang suspek.

Nagtamo ng sugat sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan at ulo mula sa tama ng bala si Cordova dahilan para agad siyang isugod sa pagamutan pero kalauna'y ideneklarang patay ng mga doktor.

Narekober sa crime scene ang apat na mga basyo ng caliber 45 pistol na siyang ginamit sa pamamaril. Patuloy pa ang ginawang imbestigasyon ng PNP hinggil sa pinakabagong kaso ng pamamaril sa bayan.

 

-0-

 

Pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan pinamamadali ng South Cotabato Governor sa mga opisyal at kawani ng lalawigan.

Madaliin ang pagbibigay ng pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan lalong lalo na ang mga nasa liblib na barangay ng lalawigan. Ito ang hilinng ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. sa mga empleyado at mga opisyal ng lalawigan.

Pakiusap ni Tamayo sa mga myembro ng Sangguniang Panlalawigan, Department Heads at mga kawani ng kapitolyo suriin ang mga transaction at proseso para makagawa ng mas maraming accomplishment. Sa unang anim na buwan sa pwesto ni Tamayo, nahirapan ang provincial government na ipatupad ang ilang mga programa nito.

Kabilang sa mga ito ang libreng hospitalization sa lahat na government hospital sa lalawigan at free education. Kaugnay nito, tiniyak naman ng mga kasapi ng konseho na suportado ng mga ito ang mga programa na lalo pang makatutulong sa mga mamamayan at makapagpapaunlad sa lalawigan ng South Cotabato.

 

-0-

 

Most Innovative DOLE Regional Office Award iginawad ng nasabing ahensya sa DOLE Region 12

Pinatunayan ng Department of Labor and Employment o DOLE 12 ang pangunguna nito sa good governance at serbisyo sa mga mamamayan ng rehiyon. Ito ay matapos parangalan bilang Most Innovative DOLE Regional Office sa 86th DOLE Anniversary Celebration sa Sta. Rosa Laguna.

Naging batayan naman sa pagbibigay ng parangal ang epekto sa mga benepisyaryo ng programa ng ahensya, sistema sa pagpapatupad ng mga ito na pwede ring gayahin ng ibang mga tanggapan at sustainability. Ayon kay DOLE 12 Regional Director Sisinio Cano para mapaigting ang kanilang serbisyo patuloy na nagpapatupad ng mga inobasyon ang kanilang tanggapan.

Kalakip sa mga matagumpay na naipatupad ng DOLE 12 ay ang Online Registration of Workers Association o RWA,Construction Safety at Health Programs o CSHP, PRC Accreditation ng DOLE 12 bilang tagapagpatupad ng professional development.

Iginawad ng DOLE ang Most Innovative Award sa kanilang mga tanggapan na may mga inobasyon, programa at solosyon na nakatulong sa kanilang mga kliyente at naging dahilan din sa matagumpay na pagpapatupad ng mga programa ng ahensya.

 

-0-

 

13 pang mga NPA member sumuko sa mga otoridad sa Malapatan, Sarangani Province

Sumuko ang labintatlo pang mga NPA member kasunod ng operasyon laban sa kanila ng mga pulis at militar sa Barangay Sapu Masla, Malapatan, Sarangani Province.

Ang mga ito ay mga kasapi ng Communist Party of the Philippines-New Peoples’ Army Terrorist o CNT nag nagkukuta sa bulubuduking bahagi ng nasabing barangay. Dala ng mga ito sa kanilang pagsuko ang M16 rifle,Springfield gun, at M79 Grenade launcher na may tatlong mga bala.

Ayon kay PNP 12 Regional Director Brigadier General Alfred Corpuz, ang sunod sunod na pagsuko ng mga rebelde sa rehiyon ay resulta ng pinaigting na opensiba ng PNP at Armed Forces of the Philippines. Matatandaan na naharang sa checkpoint ng mga otoridad sa Maitum,ang top-ranking officer ng Guerilla Front 73 ng NPA na si Nicano Claro Plason noong Oktobre.

Ngayong 2019, ang region 12 ay mayroon nang mahigit isang daang mga rebel returnee. Dalawamput apat sa mga ito ang arestado, at dalawa ang nasawi sa joint operation ng militar at PNP. Narekober naman ng mga otoridad mula sa mga ito ang 67 mga armas,walong granada, apat na landmines, at tatlong improvised explosive devices o IED.

Ayon kay Corpuz, ito ay patunay lamang na seryoso sa kanilang kampanya kontra terorismo ang PNP at militar. Sinabi ni Corpuz na mapapakinabangan ng mga sumukong NPA member ang Enhance Comprehensive Local Integration Program o E-Clip ng pamahalaan. Ito ay magbibigay sa kanila ng tulong kabuhayan at skills training para sa tuloy tuloy na pagbabagong buhay. .

 

-0-

 

Mahigit 50 million pesos na Cash for Work Program ng DSWD napakinabangan ng mga mamamayan sa Region 12

Umabot na sa mahigit limampung milyong piso ang halaga ng tulong ang pay out ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa mga benepisyaryo ng kanilang sampung araw na community work program sa Central Mindanao.

Ayon kay DSWD 12 Regional Director Cezario Joel Espejo pinakahuling nakinabang sa 8.7 million pesos na cash-for-work o CSF payout ang mahigit tatlong libong mga mamamayan sa North Cotabato.

Ang mga ito ay pawang mga benepisyaryo ng Climate Change Adoptation and Mitigation o CCAM program ng nasabing ahensya. Ang mga CCAM ay humihikayat sa mga pinakamahihirap na mamamayan na magpatupad ng gardening, magkumpuni sa mga daan, day care centers, tree planting, reforestation, at maraming iba pa. Layon nito na maibsan ang masamang epekto ng climate change.

Ayon kay Espejo natitiyak ng CCAM na mapupunta sa tamang mga tao ang tax ng mga mamamayan. Ipinahayag ni Espejo na malaking tulong din ang programa para sa mga nahihirap na mamamayan ngayong Holiday Season.

Matatandaan na ang DSWD ay nakapag-release na rin ng mahigit 40 million pesos para mga benepisyaryo ng CCAM sa iba pang bahagi ng region 12 noong Oktobre.

Bawat benepisyaryo ng nasabing programa ay magtatrabaho sa loob ng sampung araw sa mga lugar na mas nanganganib sa climate change. Ang mga ito ay tinukoy mismo ng mga lokal na pamahalaan sa rehiyon.

 

-0-

 

Yellow Corn production isinulong ng DA 12 sa pamamagitan ng Corn Derby Festival sa Koronadal City

Para matulungan ang mga magsasaka na mapataas ang kanilang ani at kita sa pamamagitan ng pagtatanim ng Yellow Corn, pinangunahan ng Department of Agriculture 12 ang dalawang araw na Corn Derby Festival sa Barangay Concepcion, Koronadal City.

Layon ng nasabing aktibidad na maituro sa mga magsasaka ang pagpili ng itatanim na variety ng mais at lalo pang maisulong ang produksyon ng yello corn. Ito ay ayon kay Jocelyn Torres na kumatawan kay DA 12 Regional Executive Director Milagros Casis sa nasabing aktibidad.

Sinabi ni Torres na dahil sa mataas na demand nito, umaangkat pa rin ng yello corn mula sa ibang bansa ang Pilipinas. Ang Yellow Corn ay pangunahing ingredient sa paggawa ng livestock feeds. Ang Region 12 ay mayroong mahigit isang milyong metrikong toneladang produksyon ng hybrid yellow Corn na pangalawa sa pinakamataas sa buong bansa, kasunod ng Cagayan Valley o Region 2.

Naging daan din ang aktibidad para maipakita ng mga pribadong seed companies sa mga magsasaka ang makabagong mga teknolihiya at dekalidad na mga hybrid corn seeds.

 

Fire hits printing office near Koronadal Cathedral

Printing Press malapit sa Christ The King Cathedral sa Koronadal City, nasunog. Ayon sa pahayag ng ilang nakasaksi, alas 5:45 ng hapon nagsimula...

Cotabato Light's accredited payment center remains open until 1 p.m. on Saturday Sept. 19

Please be informed that our Accredited Service Center at Alnor Commercial Complex is OPEN every Saturday from 7:30 AM to 1:00 PM while No Movement is...

Maguindanao farmers lose millions of agri-crops to floods

COTABATO CITY – As the proverb saying goes “Don't count your chickens until they are hatched.” This is how a farmer described his fate while...

NDBC COVID WATCH: 9 recover, 20 new cases in Region 12

COTABATO CITY - The Department of Health in the Soccsksargen region today reported that nine patients have recovered from the coronavirus disease...

READI reaches out to flood-stricken communities

COTABATO CITY --- The Bangsamoro government is now reaching out to villagers hit by floods that swept through several towns in Maguindanao and...