Saturday Sep, 19 2020 01:59:53 AM

NDBC BIDA BALITA (Dec. . 6, 2019)

NDBC BALITA • 08:45 AM Fri Dec 6, 2019
458
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

NOVEMBER 06, 2019 (FRI)
7:00 AM

HEADLINES:

1. BANGKAY ng umano ay miembro ng BIFF at ilang IED, natagpuan ng mga sundalo sa Shariff Aguak, Maguindanao.

2. SUSPEK sa pagpatay sa isang Grade 10 student sa Banga, South Cotabato, patay sa operasyon ng mga pulis sa Isulan, Sultan Kudarat

3. Halos kalahating libong mga barangay sa North Cotabato, drug-cleared na, ayon sa PDEA

4. 13th month ng SSS pensioners, matatanggap na ngayong araw.

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA

 

-0-

 

Suspek sa pagpatay sa Grade 10 student sa Banga, South Cotabato patay sa operasyon ng mga pulis sa Isulan, Sultan Kudarat

Nabaril umano ng mga otoridad si Richard Nomo Gumilid, 31 years old nang tangkang hagisan ng Granada ang mga pulis na nagimbita sa kanya para maimbestigahan madaling araw kahapon sa Isulan, Sultan Kudarat. Ito ay ayon kay PNP 12 Regional Director Brigadier General Alfred Corpuz.

Si Gumilid ang suspek sa pagpatay sa 16 years old na si Barbie Inocencio sa Banga, South Cotabato. Sinabi ni Corpuz na si Gumilid ay nabaril ng mga pulis sa tapat mismo ng kanilang bahay sa Barangay Kalawag 1 sa nasabing bayan.

Ayon kay Corpuz, ang suspek na noon ay may dalang granada ay tumanggi umanong sumama sa mga pulis. Sa kanyang facebook post, pinabulaanan naman ng kapatid ni Gumilid ang tangkang paghahagis nito ng granada sa mga pulis. Ipinahayag din nito na magkasintahan lamang ang kanyang kuya at hindi ka live-in ng ina ng menor de edad na biktima.

Pero ayon sa tagapagsalita ng PRO 12 na si Police Lieutenant Colonel Lino Capellan, tinutumbok ng imbestigasyon ng mga pulis si Gumilid na pangunahing suspek sa krimen kaya siya pinuntahan sa bahay nito. Ang biktimang Grade 10 student ay huling nakitang buhay noong December 2.

Unang nakakita sa sinakong bangkay nito sa tulay ng main irrigation canal ang isang concerned citizen sa Purok Bagong, Silang Barangay Punong Grande , Banga noong December 4 ng hapon.

Matatandaan na may naghihintay na 600 thousand pesos na pabuya sa makapagtuturo sa susek sa krimen. Tig dalawang daang piso sa nasabing halaga ay mula kina Banga Mayor Albert Palencia, South Cotabato Second District Representative Ferdinand Hernandez at isang negosyante mula sa Koronadal City.

 

-0-

 

NATAGPUAN ng mga sundalo ang isang bangkay ng pinaniniwalaang myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.

Pasado alas otso ng umaga kamakalawa nang matagpuan ng mga elemento ng Army’s 1st Mechanized Infantry Battalion ang nasabing bangkay sa Sitio Maybunga, Barangay Bagong Upam, Shariff Aguak, Maguindanao.

Una na ring nakatagpo ng tatlong mga bangkay ng BIFF members ang mga sundalo sa iba’t ibang mga lugar sa Maguindanao kasabay ng nagpapatuloy na surgical operation ng military sa lalawigan.

Samantala, habang nagsasagawa naman ng clearing operation ang mga sundalo pasado alas dos ng hapon kamakalawa ay natagpuan din ng mga ito isang 81mm mortar unexploded ordnance at tatlong improvised explosive devices o IEDs sa Barangay Meta, Datu Unsay kaya agad nilang kinordon ang lugar.

Tinatayang nasa mahigit 50 mga malalakas na IED na ang narekober ng mga sundalo simula Enero hanggang ngayong Disyembre.

Ang mga IEDs umano ang nagiging pinakapangunahing sandata ng mga rebeldeng grupo laban sa tropa ng pamahalaan na dahilan ng pagkakaroon ng maraming casualties sa panig ng gobyerno.

 

-0-

 

NAABO ang isang bahay na nasa loob ng Cotabato Chinese Cemetery, na nasa Barangay Rosary Heights 4, Cotabato city kagabi.

Kwento pa ng may-ari ng bahay na si NENITA VILLANUEVA, 60 anyos, katatapos lamang nilang maghapunan pasado alas otso kagabi nang makita nilang nagliliyab na ang bahagi ng kanilang sala at mabilis na kumakalat ang apoy sa buong bahay.

Nakaligtaan kasi umano nilang patayin ang nakasinding kandila na naging na dahilan ng sunog.

Mabilis namang nagresponde ang mga bomber at naapula ang apoy sa loob ng 30 minuto.

Gayunman, walang naisalbang mga gamit ang pamilya ni Nenita dahil sa bilis ng pangyayari.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

 

-0-

 

BUBUKSAN NA ngayong araw, December 6, ang isa pang Malasakit Center sa Datu Hoffer, Maguindanao – pangatlo na ito sa lalawigan.

Mismong si Senator Bong Go ang mangunguna sa naturang inagurasyon.

Si Sen. Go ang pangunahing may akda ng Malasakit Center Bill na pirmado na ni Pangulong Duterte na naglalayong magtayo ng mga Malasakit Center sa iba’t ibang mga lugar sa bansa.

Inaasahang dadalo rin sa naturang okasyon si Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.

Libo-libong mga mahihirap na mga mamamayan ng Maguindanao ang makakabenepisyo sa panibagong Malasakit Center sa Maguindanao dahil halos wala nang babayaran ang mga ito sa kanilang hospital bills.

 

-0-

 

PLANO ng Cotabato City LGU na tuluyang bakbakin ang nasunog na main building ng Mega market para gawin itong isang commercial building.

Ang demolisyon ng naturang gusali ay isa sa mga priority project ng City LGU sa susunod na taon.

Nasa 38 million pesos ang ilalaang pondo ng City LGU para gawing modern commercial building ang dating main building ng Mega Market.

Ang halagang ito ay mula sa insurance claim ng nasunog na gusali noong nakaraang taon.

Samantala, magtatayo naman ang city government ng bagong palengke at gagawing Halal economic zone.

Ito ay planong itayo sa Bubong Area, sa Barangay Kalanganan Dos.

 

-0-

 

NAGHAHANDA NA ngayon ang Cotabato City Election Office para sa continuing registration sa Junuary 2020 matapos na inurong ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa December 2022.

Sinabi ni city election officer, Atty. Norpaisa Paglala na dalawang halalan ang kanilang pinaghahandaan sa 2022.

Una ay ang May 2022 national elections at susundan ng Barangay at SK elections sa Disyembre.

Ayon kay Paglala, malaking hamon sa Comelec ang paghahanda lalo na sa mga lugar na kinokonsiderang election hot spots.

Samantala, nanawagan naman si Paglala sa lahat ng mga mamamayan ng lungsod na hindi pa rin nakapagpa-rehistro na samantalahin ang panibagong pagkakataong ibinigay ng COMELEC para magamit ang karapatan ng mga itong bomoto sa mga lokal at pambansang halalan.

 

-0-

 

Mga negosyante na magpapataas ng presyo lalo na sa mga Noche Buena products sa North Cotabato, sasampahan ng karampatang kaso ng DTI

Patuloy na isinagawa ng Department of Trade and Industry o DTI ang price monitoring lalo na sa mga Noche Buena products sa lahat ng mga tindahan sa North Cotabato. Base sa monitoring ng DTI, may pagtaas ng presyo ang ilang mga Noche Buena products base sa kanilang ipinalabas na bagong Suggested Retail Price o SRP.

Kabilang din sa may nakitang pagtaas ng presyo ang mga Christmas decorations ng mula dalawa hanggang sa labintatlong porsyento kumpara noong nakaraang taon. Sinabi ni DTI Consumer and Protection Division Chief, Ken Wong, lahat ng mga Christmas decoration products sa mga malalaking tindahan ay dumaan at nakapasa sa product standard procedure na ibig sabihin ligtas itong gamitin.

Patunay dito kung may nakalagay na Import Commodity Clearance o ICC mark na tanging ang taga DTI lamang ang nakaka-alam at paglilinaw din niya na kada taon nila sinusuri at pinapalitan. VC- KEN WONG Si Sinabi ni DTI Consumer and Protection Division Chief Ken Wong.

Dagdag pa niya na kung may mamonitor silang mga negosyante sa lalawigan na nagpapataas ng presyo o lagpas sa itinakdang Suggested Retail Price ay kanilang ipapatawag at maari ring sasampahan ng kaukulang kaso. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Kidapawan City LGU, magbibigay tax relief sa publiko simula sa susunod na taon

Abot hanggang 20% na bawas sa real property taxes o buwis sa lupa, gusali at makinarya ang nais ibigay ng City Government sa publiko simula sa unang araw ng taong 2020.

Ito ang inihayag ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista, dahil na rin sa mga tinamong kasiraang dulot ng kalamidad na tumama sa lungsod.

Ito ay kanyang pagmamalasakit upang mapagaan ang bayarin ng mamamayan sa buwis lalo pa at biktima ang lahat ng kalamidad.

Bagamat inaasahang mababawasan ang koleksyon ng buwis sa susunod na taon na posibleng makaka-apekto sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto, mas mahalaga pa rin na maging magaan para sa lahat ng biktima ng lindol ang pagbabayad ng mga bayarin sa gobyerno.

Mula January 1 hanggang December 31, 2020 ang saklaw ng nasabing tax relief. Kung saan sakop nito ang lahat ng lupain sa Kidapawan City. Ipinasa na ni Mayor Evangelista sa Sangguniang Panlungsod ang tax relief para sa pagpapatupad nito. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Halos kalahating libong mga barangay sa North Cotabato, drug-cleared na ayon sa PDEA

Abot na sa 411 mga barangay sa probinsya ng North Cotabato ang ideneklarang drug-cleared ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 matapos ang patuloy nilang pagsasagawa ng Barangay Drug Clearing Operation batay na rin sa pinakahuling datus ng ahensiya.

Nabatid na ang North Cotabato ay may kabuuang bilang ng 543 mga barangay kung saan mayroon pang natitirang 132 ang hindi pa rin ligtas sa iligal na droga.

Ayon kay PDEA 12 Public Information Officer Kath Abad, sa nasabing bilang 26 dito ay moderately affected habang 106 namang mga barangay ang slightly affected.

Nakasaad sa Dangerous Drugs Board Regulation No.2 Series of 2016 na ang moderately affected barangays, ay mayroong dalawang porsyentong bilang ng mga user, pusher o financier mula sa 20% ng kabuuang populasyon nito.

Habang ang mga slightly affected barangay naman ay may 2 percent mula sa kabuuang populasyon ang naiulat na mayroong user, pusher o financier. Samantala dagdag pa ni Abad, sa 17 mga bayan at isang lungsod sa North Cotabato, ang Kidapawan City at Magpet lamang ang ideneklarang drug-free. Habang sa buong Region 12, abot na sa 895 mga barangay ang deklaradong drug-cleared. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

National Housing Authority o NHA, nilinaw na tanging mga biktima ng lindol lamang na nasiraan ng bahay ang makakabenipisyo ng pabahay program

Binigyang paglilinaw ngayon ng National Housing Authority o NHA na makakabenepisyo ang lahat ng mga nawalan ng bahay matapos na masira dahil sa lindol sa mga bayan ng North Cotabato.

Ayon kay NHA Regional Manager Engineer Zenaida Cabiles, ang pamamahagi ng tulong ay nakabase lamang sa ibinibigay na datus ng bawat Local Government Unit o ng mga Barangay Elected officials.

Ginawa ng opsiyal ang pahayag matapos na makatanggap ng ulat ang Radyo BIDA mula sa isang concern citizen na umano’y sobra- sobra ang ibinigay na listahan ng kapitan ng isang Barangay sa Makilala at isinali ang mga pamilya na hindi naman nangangailangan.

Anya, ang mga Barangay Chairman ang kukuha ng datus at magsusumite ng rekomendasyon sa kanilang bawat local Government Unit particular sa Municipal Social Welfare Office saka bibigyan ng green card ang mga napiling pamilyang na mabibigyan ng tulong pagkatapos ay magsasawa din validation sa mga lugar ang taga NHA. VC- CABILES Si NHA Regional Manager Engineer Zenaida Cabiles

 

-0-

 

Suspected case ng meningococcemia naitala ng city health office ng General Santos City

Minomonitor ngayon ng City health office ang mga personalidad na nagkaroon ng kontak sa isang apat na tong gulang na batang lalaki na pinagdududahang nasawi sanhi umano ng meningococcemia sa General Santos City.

Ayon kay Gensan City Health Officer Dr. Rochelle Oco, ang nasawing bata mula sa Barangay Labangal ay nakitaan umano ng mga sintomas ng meningococcemia nang dalhin sa isang pribadong ospital . Gayunpaman ayon kay Oco, nabigo silang makuhanan ng blood samples ang bata dahil agad din itong binawian ng buhay .

Aminado si Oco na dahil sa kawalan ng confirmatory test hindi rin nila matiyak kung meningococcemia ang ikinasawi ng biktima. Pero maliban sa rashes sa buong katawan nagkaroon din ito ng pagdurogo na sintomas ng meningcococcemia.

Para mapigilan ang posibleng pagkalat ng nasabing karamdaman, nagbigay ng antibiotics ang city healh office sa mga kaanak at iba pang personalidad na nagkaroon ng direct contact sa nasawing bata. Nilinaw din ni Oco na walang kinalaman ang ginagawa ngayong Sabayang patak kontra polio sa pagkasawi ng biktima.

Ayon kay Oco ang meningococcemia ay sanhi ng bacteria habang ang polio naman ay viral, ang mga ito ay magkakaibang organism.

 

-0-

 

DSWD naglaan ng mahigit 700 million pesos para sa mga mahihirap na senior citizens sa region 12.

Nakapag-release na ng mahigit 700 million pesos para sa mga indigent na senior citizens sa Central Mindanao ang Department of Social Welfare and Development o DSWD 12.

Mahigit 150 thousand o 78 percent sa may 200 thousand na mga senior citizens sa rehiyon na benepisyaryo ng kanilang social pension program ang nabigyan na ng subsidy para sa second semester ng 2019. It ay ayon kay DSWD 12 Regional Director Cezario Joel Espejo.

Sa ngayon ayon kay Espejo, ay pinahahanda na nila ang pagbibigay ng social pension sa 22 percent na mga nalalabing benepisyaryo sa rehiyon. Paliwanag naman ni DSWD 12 Social Pension Focal Person Labinia Banes na naantala ang pamimigay nila ng nasabing benepisyo. Ito ay sanhi ng cleansing sa listahan ng DSWD sa buong bansa.

Panawagan naman ni Banes sa mga senior citizens na hindi nakatanggap ng pension sa unang semester ng taon, alamin ang schedule sa pinakamalapit na Senior Citizens Affairs Office. Bawat senior citizen na benepisyaryo ng social pension program ng pamahalaan ay makatatanggap ng 500 pesos kada buwan. Ito ay bilang pagpapatupad sa Expanded Senior Citizens Act of 2010.

 

-0-

 

Skills training ng TESDA mapapakinabangan na ng mga IP sa liblib na barangay ng Ned sa South Cotabato

Hindi naging hadlang sa mga indigenous people sa barangay Ned Lake, Lake Sebu, South Cotabato ang layo ng kanilang lugar para makapagaral ng technical course sa Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.

Sa loob ng dalawang lingo ang dalawamput isang IP sa Sitio Proper, Ned ay magaaral ng Electrical Installation sa nasabing ahensya. Ayon kay TESDA South Cotabato Provincial Director Richard Amparo, iba sa mga ito ay pawang mga sumukong myembro ng New Peoples’ Army. Ipinahayag ni Amparo na para maabot ng kanilang mga prorama umakyat mismo sa Ned ang mga trainer ng TESDA.

Sinabi ni Amparo na ito ay panimula pa lamang ng pagpapatupad ng mga programa ng TESDA sa liblib na barangay ng Ned. Ayon kay Amparo, ito ay kanilang ipagpapatuloy sa susunod na taon. Samantala, tuloy na rin ang pagtatayo ng provincial training center ng TESDA sa Lambayong, Sultan Kudarat. Ito ay matapos ang pagpasa ng resolution ang konseho na pumapayag na pagtayuan ang kanilang lugar ng nasabing pasilidad.

Ayon kay TESDA 12 Regional Director Rafael Abrogar II,makikinabang sa provincial training center ang mga mamamayan ng Lambayong at karatig lugar. Maliban sa provincial training center na binuksan na sa Sarangani, magpapatayo din nito ang TESDA sa Surallah, South Cotabato at Amas sa Kidapawan City.

 

-0-

 

National Dairy Authority mamimigay ng mga baka sa mga farmer cooperatives para mapalago ang dairy industry sa region 12

Magbibigay ng mahigit 300 mga baka sa SOCCKSARGEN ang National Dairy Authority o NDA sa susunod na taon. Ito ang ipinahayag ni NDA Administrator Marylin Mabale.

Ayon kay Mabale mahigit isang daan sa nasabing mga baka ay para sa South Cotabato at ang iba naman ay ibibigay sa mga kooperatiba ng magsasaka sa Sarangani at General Santos City.

Layon nito ayon kay Mabale na mabigyan ng dagdag na kabuhayan ang mga magsasaka at lalo pang maisulong ang pagunlad ng Dairy industry sa region 12.

Ayon kay Mabale kailangan ito para matugunan ang inaasahang pagtaas sa demand ng fresh milk sa Soccksargen Sinabi ni Mabale na maliban kasi sa Deped mangangailangan na rin ng gatas sa kanilang feeding program sa susunod na taon ang DSWD.

Si Mabale ang naging panauhing pandangal sa pagsisimula kahapon ng dalawang araw na Soccsksargen Dairy Fair 2019 sa Koronadal City. Ito ayon kay Mabale ay una sa Mindanao. Tema ng nasabing aktibidad na dinaluhan ng iba pang concerned agency ng DA, farmer cooperative at mga stakeholder ang “Milk each day for every family.”

 

-0-

 

 

Good news para sa mga Social Security System o SSS pensioner!

Matatanggap na ninyo ngayong araw, December 6, ang inyong 13th month pay.

Ang 13th month pay ay katumbas ng buwanang pension ng SSS pensioners na nasa P2,200 hanggang P18,000.

Ayon sa SSS, diretso na sa bank accounts ng pensioners ang 13th month pension hanggang ngayong araw para naman magamit ang pera sa Christmas Season.

 

-0-

 

Sa iba pang balita, mayorya ng mga Pinoy ang nababahala sa lumulobong bilang ng Chinese workers sa bansa, batay sa resulta ng September 2019 Social Weather Stations o SWS Survey.

31 percent ng mga respondent ang nagsabing sila ay talagang nababahala sa pagdami ng Chinese workers sa bansa at 39 percent ang medyo nababahala.

Nineteen percent naman ng mga Pinoy ang medyo hindi nababahala at 11 percent ang talagang hindi nababahala.

Sa kabilang dako pa, nakatakdang maglabas ng kautusan ang Department of Environment and Natural Resources o DENR para tuluyang ipagbawal sa buong bansa ang single-use plastics.

Sinabi ni DENR Sec. Roy Cimatu na magpapalabas siya ng department order sa loob ng dalawang linggo.

Sa ibinabalangkas na kautusan tinatalakay din anya ang pag-recycle sa plastic.

Binanggit ng kalihim ang pagiging pangatlo ng Pilipinas sa mga bansang source ng plastic pollution sa karagatan.

Nasa 2.7 milyong metriko tonelada ng plastic waste kada taon umano ang naitatapon ng Pilipinas sa karagatan.

Dahil dito, sinabi ni Cimatu na kailangan nang ayusin ang mga polisiya ng Pilipinas ukol sa solid waste management.

 

Fire hits printing office near Koronadal Cathedral

Printing Press malapit sa Christ The King Cathedral sa Koronadal City, nasunog. Ayon sa pahayag ng ilang nakasaksi, alas 5:45 ng hapon nagsimula...

Cotabato Light's accredited payment center remains open until 1 p.m. on Saturday Sept. 19

Please be informed that our Accredited Service Center at Alnor Commercial Complex is OPEN every Saturday from 7:30 AM to 1:00 PM while No Movement is...

Maguindanao farmers lose millions of agri-crops to floods

COTABATO CITY – As the proverb saying goes “Don't count your chickens until they are hatched.” This is how a farmer described his fate while...

NDBC COVID WATCH: 9 recover, 20 new cases in Region 12

COTABATO CITY - The Department of Health in the Soccsksargen region today reported that nine patients have recovered from the coronavirus disease...

READI reaches out to flood-stricken communities

COTABATO CITY --- The Bangsamoro government is now reaching out to villagers hit by floods that swept through several towns in Maguindanao and...