Friday Sep, 18 2020 11:57:13 PM

NDBC BIDA BALITA (Dec. 7, 2019)

NDBC BALITA • 16:15 PM Sat Dec 7, 2019
541
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

DECEMBER 07, 2019 (SAT)
7:00 AM

HEADLINES:

 

1. DALAWANG drivers, arestado sa nagpapatuloy anti-illegal drugs operation ng PNP at PDEA BARMM sa Cotabato city.

2. Dalawa katao, kabilang ang kawani ng Department of Education, patay matapos na masangkot sa magkahiwalay na vehicular crashes sa Kidapawan City at Kabacan, North Cotabato

3. Pagtaas ng monthly contribution ng kanilang mga miembro, ipinaliwanag ng Phil Health 12

4. MGA BARANGAY OFFICIAL, tatanggap ng cash incentives ngayong pasko.

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA

 

-0-

 

ARESTADO ang isang payong-payong driver sa inilunsad na buybust operation ng mga otoridad pasado alas dos ng hapon kahapon sa Purok Lumayon 4, Mother Barangay Poblacion, Cotabato City.

Sa report ng Police Station 1, kinilala ang naarestong suspek na si Mohaliden Sindian Pendo, 32 anyos, may asawa, payong payong driver na residente rin ng nabanggit na lugar.

Nadakip ang suspek ng pinagsanib pwersa ng Police Station 1 sa pangunguna ni Police Major Glenn Mar Avisa, PDEA BARMM at ng mga opisyal ng naturang barangay.

Nakuha mula kay Pendo ang dalawang sachets ng hinihinalaang shabu at nabawi rin sa kanya ang 200 pesos na marked money.

Nabatid na nagtangka pa umanong manlaban ang suspek at akmang sasaksakin ang pulis na nagkunwaring buyer pero napigilan ito iba pang mga pulis na kasama sa operasyon.

Una rito, huli rin ang isang pedicab driver sa buy bust operation pasado alas dose ng tanghali sa SK Pendatun Avenue, Barangay Poblacion 6 ng lungsod.

Kinilala naman ang naarestong suspek na si Vicente Sinto, 29 anyos, walang asawa, at taga Mabini Street, Barangay Bagua 3.

Nakuha mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalaang shabu at nabawi mula sa kanya ang 500 pesos na marked money.

Naaresto ang suspek ng pinagsanib pwersa ng Police Station 3 sa pangunguna ni Police Lt. Canda Camsa, 1404th, RMFB 14-BARMM sa pangunguna ni Police Major Arturo Rivera Jr, PDEA BARMM at ng mga opisyal ng barangay.

Nabatid na halos dalawang linggo ring isinailalim sa surveillance ang mga nadakip na suspek bago naglunsad ng operasyon ang mga otoridad laban sa kanila.

Nakakulong na ngayon ang dalawa at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

-0-

 

AGAD na binawian ng buhay ang isang miembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF matapos pagbabarilin sa Brgy. Panadtaban, Radjah Buayan, Maguindanao.

Kinilala ang biktima na si Sandatu alyas Raymart Akil, 47 anyos, may asawa at miembro ng MILF-BIAF 106th Base Command.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Rajah Buayan PNP, habang minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo patungo sa Sitio Dansalan, Brgy. Panadtaban upang pumasok sa trabaho ay bigla siyang pinaulanan ng bala na naging dahilan ng agad niyang pagkamatay.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng mula sa M-16 Rifle.

Inaalam pa ngayon ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo sa naturang pamamaril.

 

-0-

 

SUGATAN at walang malay nang isugod sa pagamutan ang isang batang lalaki matapos na makuryente habang nangunguha ng isda sa kanilang fishpond sa Malagapas, Barangay Rosary Heights 10, Cotabato City.

Nakilala ang batang biktima na si ABDULRASHID SANCUA, siyam na taong gulang, Grade 4 pupil.

Base sa kwento ng kaanak ng biktima, bandang alas tres ng hapon kahapon nang magkayayaan ang biktima at kapatid nito kasama ng iba pang mga bata para manghuli ng isda sa kanilang Fishpond na malapit lang sa kanilang tirahan.

Ngunit aksidenteng makuryente ang biktima ng gamit nilang livewire sa pangunguryente ng isda.

Sa lakas ng boltahe ng kuryenteng tumama sa bata, nangisay ito at nawalan ng malay, nagtamo din ito ng mga paso sa katawan.

 

-0-

 

TATANGGAP ng tig-tatlong libong pisong cash incentives ngayong pasko ang lahat ng elected barangay officials sa bansa mula sa Office of the President.

Sinabi ni Sen. Bong Go na kasama ring makatatanggap ng cash incentives ang Sangguniang Kabataan chairpersons at Indigenous People’s Mandatory Representatives.

Ayon sa senador, ang insentibo ngayong Kapaskuhan para sa mga opisyal ng barangay ay inihirit niya kay Pangulong Duterte.

Aniya patunay lang ito na pinahahalagahan ng administrasyong-Duterte ang mga opisyal ng barangay kahit sa munting paraan.

Samantala, sinabi pa ni Go na ang barangay officials ang unang nagbibigay serbisyo sa mamamayan kaya isinusulong niya ang pagpasa ng Senate Bill No. 391 o ang Barangay Services Compensation Act.

Ang panukala na naunang inihain bilang Magna Carta for Barangays Act of 2019 ay hawak na ng Committee on Local Government.

 

-0-

 

Dalawa ka tao kabilang ang kawani ng Department of Education patay matapos na masangkot sa magkahiwalay na vehicular crash sa Kidapawan City at Kabacan, North Cotabato

Patay ang dalawa ka tao sa magkahiwalay na insidente ng vehicular crash sa Kidapawan City at Kabacan, North Cotabato. Sa bayan ng Kabacan, patay ang isang 51 anyos na lalaki matapos na mabundol ng isang sasakyan sa National Highway Barangay Osias, alas 4:14 ng madaling araw kahapon.

Kinilala ang nasawi Dante Ponteres Espilita, kawani ng Department of Education at nakatira sa bayan President, Roxas. Sa ulat ng PNP Traffic section, binabaybay ng biktima ang daan na lulan ng motorsiklo patungong Davao ang direksyon at nang pagsapit sa lugar ay binangga ito ng isa pang sasakyan na nakarehistro sa pangalan ng isang Mitchell Honor Ruiz.

Dahil sa lakas ng impact nagtamo ng ibat-ibang sugat sa katawan ang kawani ng DEPED na agad isinugod sa pagamutan pero ideneklarang patay ng mga doktor.

Habang iniwan na lamang ng suspek ang kanyang sasakyan at mabilis na tumakas sa di pa malamang direksyon.

Sa Barangay Sibawan Kidapawan City, dead on arrival din sa pagamutan ang motorista habang sugatan naman ang dalawang angkas nito matapos ding magsalpukan ang dalawang motorsiklo mag-aalas 10 kagabi.

Kinilala ang nasawi na si Jonnie Bolud, 22 anyos, isang rubber tapper at residente ng Magpet habang sugatan naman ang dalawang angkas nito na pawang mga menor de edad.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, binabaybay ng dalawang motorsiklo ang magkabilang lane ng Highway nang biglang napatungo ang Rusi motorcycle na minamaenho ni Bolud sa kabilang lane dahilan ng pagkabangga sa kasalubong nitong motorsiklo na minamah ni Roel Dangin, 40 anyos, magsasaka na residente ng Barangay Imamaling, Magpet.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang mga sugatang biktima pero kalaunay ideneklarang patay ng attending physician si Bolud. NDBC BIDA BALITA

 

 

-0-

 

 

Pamilya ng nasawing motorista na biktima ng hit and run, nanawagan sa kung sino ang nakakakilala sa drayber ng nakabundol na van na makipag-ugnayan sa kanila

Umapela ngayon sa publiko ang pamilya ng 29 anyos na lalaki na biktima ng hit and run sa National Highway Barangay Amas, Kidapawan City alas 9:00 gabi nitong huwebes.

Kinilala ang nasawi na si Rolly Bilog, may asawa at nakatira sa Barangay Poblacion, Matalam North Cotabato. Nagtamo ng ibat-ibang sugat sa katawan at ulo ang biktima at nabali rin ang kanyang isang kamay dahil sa aksidente.

Base sa salaysay ng mismong ama ng biktima na si Seberino Bilog, pauwi na sana ng kanilang bahay ang kanyang anak galing sa kanyang tinatrabahuang lending company. Nang pagsapit sa lugar ay binangga ito di pa kilalang drayber ng 10 wheeler wing van kulay puti at mabilis tumakas patungong Barangay Poblacion Kidapawan ang direskyon.

Hanggang sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng City PNP traffic section sa insidente. Samantala, nanawagan naman ngayo ang ang pamilya at otoridad na kung sino man ang nakakakilala sa drayber o operator ng nasabing wing van na responsable sa aksidente na makipag-ugnayan sa kanila upang masampahan ng kaukulang reklamo. NDBC BIDA BALITA

 

-0-0

 

Bilang ng mga nahuli dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga sa probinsya ng North Cotabato, abot sa halos 300 ayon sa Cotabato Police Provincial Office

Abot sa 292 mga indibidwal na sangkot sa iligal na droga ang naaresto sa North Cotabato mula sa 287 mga police operations na isinagawa ng PNP sa iba’t-ibat mga bayan at lungsod sa probinsya.

Ito ang ibinahagi ni Cotabato Police Provincial Office o CPPO Provincial Director Col. Maximo Layugan sa isinagawang Joint Provincial Peace and Order Council Meeting sa Amas, Kidapawan City kahapon.

Ang nasabing bilang ay pasok mula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon, mula sa isinagawang anti-illegal drugs operation kung saan karamihan dito ay mula sa mga na-operate ng mga local police stations sa lalawigan.

Habang abot naman sa 287 din ang nasampahan ng kaso ng pulisya. Dagdag pa sa ulat na sa nasabing operasyon, may kabuuang humigit dalawang daang gramo ng shabu ang kanilang nakumpiska o may katumbas na halaga na Pph 1, 825, 500 habang mahigit dalawang libong gramo naman ng marijuana ang kanilang nakuha o may katumbas na halaga na Php 256, 560.

Ang nasabing street value ay nakabatay sa taya ng Dangerous Drugs Board o DDB. Samantala, magpapatuloy naman ang isasawang monitoring ng PNP upang tuluyan nang matuldukan ang problema sa iligal na droga. Matatandaang sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency of PDEA 12, abot na sa mahigit 400 mga barangay sa buong probinsya ang ideneklarang ligtas na sa droga. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Sikat na football player ng Team Azkals may mensahe sa mga kabataang nais maging soccer player kasabay ng pagbisita nito sa bayan ng Mlang, North Cotabato

May potensyal at maabilidad- ito ang sinabi ng sikat na football player at Midfielder ng Team Azkals na si James Younghusband matapos itong makipaglaro sa kabataang soccer player sa bayan ng Mlang, North Cotabato.

Ibinahagi ni Younghusband ang ilang tips kung paano maging magaling sa nasabing laro tulad ng sumusunod: magpraktis ng maiigi, panoorin ang tamang paraan ng paglalaro, huwag basta-bastang sumuko at higit sa lahat, i-enjoy lamang ang paglalaro. Ayon pa sa sikat na football player, madali aniyang natuto ang mga batang nakipaglaro sa kanya.

Katunayan ay namangha pa ito sa kanilang galing dahil madali nilang nakuha ang itinuro nito sa kanila. Samantala, kasabay sa isinagawang press conference kahapon ay ibinagi naman ni Younghusband, na isa sa pinakamahirap na parte sa pagiging football player ay ang matalo sa laro.

Pero sinabi nito na marami namang pagkakataon na maaari pa ring makabawi basta’t maniwala lamang sa sariling kakayahan.

Maliban kay Younghusband, kasabay rin nito kanyang iba pang teammates at coach. Samantala, sinabi naman ni Mlang Vice-Mayor Joselito Piñol, siya ring vice-president Philippine Football Federation of the Philippines na ang pagdadala nito ng mga sikat na football players sa kanyang bayan ay bahagi lamang ng stress debriefing para sa mga kabataang natrauma sa lindol.

Nabatid na tanyag ang bayan ng Mlang bilang breeding ground ng mga manlalaro pagdating sa football. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

Apat na mga business establishments kabilang ang isang boarding house, tinupok ng apoy kaninang madaling araw sa Kabacan, North Cotabato

Tinupok ng apoy ang apat na mga establisiemento kabilang ang isang boarding housing sa magkahiwalay na insidente ng sunog sa bayan ng Kabacan, North Cotabato.

Ayon kay MDRRM head David Don Saure, nagsimula ang apoy alas 3:00 ng madaling araw kanina at ideneklarang fire out alas 5:00 ngayong umaga. Kabilang sa mga nasunog ang Franzlara stablishment na partially damage, isang Optical clinic at isang boarding house.

Batay din sa ulat, may nakita umano ang mga residente na dalawang mga menor de edad bago sumiklab ang malaking sunog. Agad namang nagsagawa ng manhunt operation ang mga otoridad sa posibleng pagkakadakip ng mga menor de edad na umanoy sangkot sa insidente. Kinumpirma rin ng opsiyal na isang Franz Raniago ang sugatan at nagpapagaling na ngayon sa ospital matapos magtamo ng third degree burn.

Sa ngayon ay inaalam pa kung magkano ang iniwang danyos sa nasabing sunog.

 

-0-

 

Pagtaas sa kanilang contribution ipinaliwanag ng information officer ng Philhealth 12 Epekto ng pagpapatupad sa Universal Health Care o UHC Law ng pamahalaan ang pagtaas sa Philhealth contribution.

Ipinaliwanag ito ni Philhealth 12 Information Officer Hannap Naanep. Ayon kay Naanep ipatutupad na ang three percent based montly income na Philhealth contribution simula ngayong araw December 7.

Ibig sabihin nito ayon kay Naanep kung ang isang myembro ay may ten thousand pesos na buwanang income, magiging three hundred na ang kanyang monthly contribution sa Philhealth mula sa two hundred pesos.

Sinabi ni Naanep na base sa implementing rules and regulations ng UHC law lahat ng mga na-admit na pasyente, may Philhealth man o wala ay covered na ng national insurance program simula November 22, 2019. 

Matatandaan na sa region 12 napili na pilot areas o mga lugar kung saan unang ipatutupad ang UHC law ang mga lalawigan ng South Cotabato at Sarangani.

 

-0-

 

DOST 12 Regional Director may hiling sa mga inventor ng rehiyon Mas bigyan pansin ang mabuting naidudulot ng Agham at teknolohiya. Ito ang panawagan sa mga inventor ni Department of Science and Technology 12 Regional Director Mamud Kingking.

Ayon kay Kingking may mga pagaaral kasi na nagsasabi na ang inactivity at depression ng mga kabataan ay may kaugnayan sa pagunlad ng teknolohiya.

Aminado si Kingking na may masama ring epekto sa mga kabataan ang syensya . Kaya ayon sa nasabing DOST official mas nararapat na tutukan ng mga inventor at mga scientist ang mabuting maidudulot ng kanilang imbensyon sa lumulubong populasyon at mga likas yaman.

Ayon kay Kingking may mga imbensyon kasing kahit na makasasama sa sosyodad ay isinusulong pa rin ng mga tao para pagkaperahan

Ito ang ipinahayag ni Kingking kaugnay sa katatapos lang na regional National Science and Technology Week celebration na pinangungunahan ng DOST 12 sa General Santos City.

Bumida sa nasabing aktibidad ang mga obra ng mga investors sa Soccksargen at karatig lugar. Tema ng selebrasyon ngayong taon ang “Enabling Technologies for Sustainable Development.”

 

 

-0-

 

Angkas ng motorsiklo patay sa vehicular crash sa Tampakan, South Cotabato

Kinilala ng Tampakan PNP na pinamumunuan ni Police Captain Joseph Villanueva ang biktima na si Benjie Mesaya nasa hustong gulang na nasawi sa vehicular crash sa Tampakan, South Cotabato. Ito ay matapos makasalpukan ng sinakyang motorsiklo ang kasalubong na motorsiklo pagsapit sa palikong bahagi ng daan sa Barangay Poblacion, Tampakan.

Dahil sa lakas ng salpukan ng dalawang motorsiklo, ang angkas na si Mesaya at driver na si Ronelo Piabol, 35 years old ,ay tumilapon may pitong metro mula sa sinakyang motorsiklo.

Sinabi ng mga saksi sa mga pulis mabilis umano ang takbo ng motorsiklong walang headlight na sinakyan ng biktima. Ang biktimang si Mesaya ay dead on arrival sa ospital sanhi ng malubhang mga sugat.

Sugatan naman sa insidente ang driver ng motorsiklong sinakyan nito na si Piabol at pati na rin ang driver ng nakasalpukan nilang motorsiklo na si Ronil Alsado, 27 years old. Ang dalawang motorsiklo ng mga biktima ay ikinustodya ng Tampakan PNP, ito ay habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbestgasyon sa nasabing vehicular crash.

 

-0-

 

Drug suspek na nakinabang sa plea bargaining agreement ng Korte, kulong muli matapos maaresto sa anti-illegal drug operation ng mga kasapi ng PDEA 12 sa Koronadal City

Balik kulungan ang isang drug personality matapos maaresto sa operasyon laban sa iligal na droga ng mga kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 sa Koronadal City.

Kinilala ni PDEA 12 Regional Director Naravy Duquiatan ang inaresto na si Felix Berto Perbillo alias “Moi Moi”, 23 years old, binata at walang trabaho. Si Perbillo ay inaresto matapos umanong magbenta ng isang pakete ng pinaghihinalaang shabu sa nagbalatkayong PDEA agent. Isinagawa ng mga kasapi ng PDEAmember ang drug-bust operation kay Perbillo sa kanila mismong lugar sa Datu Piang Street Barangay Zone I, KOronadal.

Nakuha sa kanya ng mga ito ang may dalawang gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng mahigit 13 thousand pesos. Ayon kay Duquiatan si Perbillo ay naaresto na ng mga ng PDEA noong December 11, 2017. Siya ay napalaya matapos mag-plead na guilty at natapos ang rehabilitation at treatment sa Cagayan de Oro City noong Hulyo.

Pero ayon kay Duquiatan, namonitor ng mga otoridad ang umanoy pagbebenta muli nito ng illegal drugs noong Nobyembre. Si Perbillo ay kakasuhan ng PDEA 12 ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

 

-0-

 

Suporta sa Dairy Industry na isinusulong ng DA tiniyak ng Chairman ng Regional Development Council 12.

Supurtado ng Regional Development Council ang isinusulong ng Department of Agriculture na pagpapaunlad sa Dairy Industry sa region 12 Tiniyak ito ni RDC 12 Chairperson Teresita Ramos. Ito ang ipinahayag ni Ramos kaugnay sa dalawang araw na SOCCKSSARGEN Dairy Fair 2019 ng DA 12. Ito ay una sa Mindanao at maituturing na milestone sa region 12.

Sinabi ni Ramos na mahalaga ang nasabing aktibidad . Layon kasi nito ayon kay Ramos na maresolba ang malnutrisyon sa mga kabataan lalong lalo na sa mga mahihirap na komunidad.

Sinabi ni Ramos na kaakibat din ng pagunlad ng Dairy industry na isinusulong ng nasabing aktibidad ang pagkakaroon ng dagdag na kita ng mga dairy farmers sa soccsksargen.

 

 

Fire hits printing office near Koronadal Cathedral

Printing Press malapit sa Christ The King Cathedral sa Koronadal City, nasunog. Ayon sa pahayag ng ilang nakasaksi, alas 5:45 ng hapon nagsimula...

Cotabato Light's accredited payment center remains open until 1 p.m. on Saturday Sept. 19

Please be informed that our Accredited Service Center at Alnor Commercial Complex is OPEN every Saturday from 7:30 AM to 1:00 PM while No Movement is...

Maguindanao farmers lose millions of agri-crops to floods

COTABATO CITY – As the proverb saying goes “Don't count your chickens until they are hatched.” This is how a farmer described his fate while...

NDBC COVID WATCH: 9 recover, 20 new cases in Region 12

COTABATO CITY - The Department of Health in the Soccsksargen region today reported that nine patients have recovered from the coronavirus disease...

READI reaches out to flood-stricken communities

COTABATO CITY --- The Bangsamoro government is now reaching out to villagers hit by floods that swept through several towns in Maguindanao and...