Friday Dec, 13 2019 03:44:45 PM

NDBC BIDA BALITA (Nov. 15, 2019)

NDBC BALITA • 06:30 AM Sat Nov 16, 2019
256
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. DAILY MINIMUM WAGE sa Bangsamoro Autonomous Region, tinaasan.

2. SAMPUNG EKTARYANG lupain na donasyon ng isang punong barangay sa Kidapawan City, ayaw tanggapin ng mga quake victims.

3. BILANG NG mga aso na nabigyan ng anti-rabies vaccine sa South Cotabato, tumaas ayon sa Provincial Veterinary Office.

4. MALACAÑANG, BUKAS sa posibilidad na ipatupad ang 4-day work week sa bansa.

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA

 

-0-

 

Local………………..

MAGIGING 300 pesos na ang daily minimum wage sa non-agriculture sector mula sa dating 280 pesos habang magiging 290 pesos na mula sa dating 270 pesos ang daily minimum wage sa agriculture sector sa mga lalawigan ng Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, maging sa mga lungsod ng Marawi at Lamitan. 

Maliban dito, magiging 325 pesos na ang daily minimum wage para sa non-agriculture sector mula sa dating 311 pesos at magiging 300 pesos na mula sa dating 290 pesos ang daily minimum wage sa Cotabato City at sa 63 na mga barangay ng North Cotabato.

Ito ay matapos magsagawa ang Bangsamoro Wage Board ng mga konsultasyon sa iba't ibang panig ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa sektor ng mga namamahala at manggagawa sa rehiyon.

Ang BARMM Wage Order No. 01 ay magkakabisa 15 araw matapos itong mailathala sa alin mang pahayagan na may pangkalahatang sirkulasyon sa BARMM.

 

-0-

 

Arestado ang apat na suspek matapos mahulihan ng isang hand grenade dakong alas 2:00 ng madaling araw kahapon sa President Quirino, Sultan Kudarat Province.

Kinilala ni Police Regional Office o PRO-12 Regional Director Brig. Gen. Alfred Corpuz ang mga suspek na sina Omar Hadji Ali Anduyogen, 24 anyos; Daniel Salipada Dalatin, 27 anyos; Alamid Dalatin Salipada, 24 anyos; at Esmael Ali Mentok Baser, 27 anyos, pawang mga residente ng Buluan, maguindanao.

Nahuli ang apat na suspek matapos magbenta ng pinaniniwalaang shabu sa isang asset ng pulisya sa national highway, na harapan lamang ng isang public school.

Isinagawa ang operasyon na may koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Nabatid na matagal nang isinailalim sa surveillance ang mga suspek.

Nakumpiska din sa mga ito ang limang sachet ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalagha ng 5,000 pesos, tatlong pakete ng pinaniniwalaang dried marijuana, 500 pesos na marked money, isang hand grenade, mga cellphone na pinaniniwalaang ginagamit nila sa kanilang ilegal na transaksyon at iba pang drug paraphernalia.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 9516 o Illegal Possession of Firearms and Explosives ang mga suspek.

 

-0-

 

PATULOY NA nagpapagaling sa isang pagamutan sa Cotabato City ang isang lalaki matapos pagtulungang bugbugin ng dalawang suspek at pukpukin pa ng martilyo sa ulo pasado alas 5:00 ng hapon kahapon sa Yap Sy street.

Kinilala ang biktima na si MARK FRANCIS BANNES GUIAMEL, 22 anyos, residente ng Barangay South Manuangan, Pigcawayan North Cotabato.

Ayon sa pahayag ng mga nakasaksi, binisita ni GUIAMEL, ang kanyang kaibigan sa nabanggit na lugar nang nilapitan ng dalawang hindi pa nakilalang lalaki habang naglalakad at bigla na lamang pinagsusuntok at pinagtatadyakan.

Maliban dito, pinukpok pa ng martilyo ng apat na beses sa kanyang ulo ang biktima bago tuluyang tumakas ang mga suspek.

Nakita ng isang payong payong Driver na duguan at nakahandusay sa gilid ng kalsada ang biktima kaya mabilis niya itong isinakay at isinugod sa pagamutan kung saan ay kritikal pa rin ang kalagayan nito hanggang sa ngayon.

 

-0-

 

SUGATAN NA NANG dalhin sa ospital ang mag-inang aksidente ng mabangga ng motorsiklo sa National Highway na sakop ng Barangay Baguer, Libungan North, Cotabato.

Kinilala ang biktima na si JAHARA CARARAN kasama ang walong buwan nitong sanggol, pawang mga residente ng nabanggit na bayan.

Base sa kwento ng kaanak ng mga biktima, bandang alas 2:00 ng hapon kahapon habang nag-aabang sila ng masasakyan nang bigla na lamang mag-overtake ang isang lalaking naka-motorsiklo sa pinara nilang van dahilan upang mahagip ang Mag ina habang nakatayo sa gilid ng kalsada.Nabalian sa kanyang kaliwang binti si CARARAN habang nagtamo naman ng sugat sa kanang binti ang kanyang sanggol.

Tinangka pa sanang tumakas ng lalaking naka bangga sa mag-ina pero hinarang ito ng mga tao dahilan para maisuko ang driver sa Libungan PNP.

 

-0-

 

Naging matagumpay ang isinagawang earthquake drill ng mga lokal na pamahalaan kahapon.

Sa Cotabato City ay nilahukan ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ang nasabing drill na may layuning malaman ang kahandaan at masubukan ang response at recovery plans sakaling tumama ang isang malakas na lindol.

Gayundin ang mga empleyado ng bayan ng Sultan Kudarat sa pangunguna ng kanilang alkalde na si Mayor Shameem Mastura, Talitay sa pangunguna ni Mayor Abdulwahab Sabal at sa bayan din ng Ampatuan sa pangunguna ni Mayor Baileah G. Sangki.

Isinagawa ang aktibidad kahapon sa Kauran Elementary School kung saan dumalo ang ibat-ibang mga line agencies kabilang ang MDRRMO ng bayan, BFP, PNP at Militar.

 

-0-

 

Inilunsad kamakailan ang Iron Fortified rice for Feeding  Program sa Mao Elementary School sa Bayan ng Datu Abdullah Sangki, Maguindanao na pinangunahan ng Ministry Of Basic, Higher and Technical education sa pakikipagtulungan ng United Nations World Food Program (UN WFP).

Ang Iron Fortified Rice For Feeding Program ay isinusulong ang Iron Fortified Rice sa mga pampublikong paaralan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao  na kung saan ay naglalayong maghatid ng masustansya at malusog na pagkain sa mga mag-aaral.

Sa mensahe naman na ipinarating ni minister Mohagher Iqbal na inihatid naman ni Atty. Haron Meling, layunin nito na makapagbigay ng kalidad, holistic at may katuturang edukasyon sa bawat mag aaral upang matiyak ang kalidad na itinuturo sa mga mag aaral.

Samantala, ayon naman kay Dr. Michael Argonza , head ng WFP Cotabato office, layunin din nito na mabawasan ang bilang ng mga kabataan sa bangsamoro na mayroong Iron Deficiency.  Ipinaliwanag din nito ang kahalagahan ng iron fortified rice sa bawat guro at kabataan.

Dagdag pa dito na ang Iron Fortified Rice Program ay hindi lamang naglalayon nang pagbawas ng anemia ngunit nakakatulong rin ito sa mga lokal na magsasaka sa Maguindanao na direktang pangtustos ng bigas sa bawat paaralan.

 

-0-

 

Patay sa papamaril ang Barangay Kagawad ng Poblacion Polomolok, South Cotabato dakong ala una kahapon ng hapon.

Kinilala ni Polomolok Chief of Police Lt.Col Marvin Duadua ang biktima na si Vicente Yungco Jr.

Binaril ang biktimang si Yungco habang nagmamaneho ng kanyang crosswind vehicle sa Purok Dahlia, Poblacion, sa nasabing bayan.

Ang biktimang si Yungco na nagtamo ng malubhang tama ng bala ng baril sa ulo ay dead on arrival sa Howard Hubbard Hospital sa Polomolok.

Maswerte namang hindi tinamaan ng bala ang nisis at bunsong anak ni Yungco na kasama nito sa sasakyan nang maganap ang krimen.

Ayon kay Duadua hindi pa batid ng mga pulis kung sino ang riding tandem suspects at ano ang motibo ng mga ito sa krimen.

Ipinahayag ng nasabing police official na isa sa mga anggulo na tinitingnan nila sa krimen ang kasong kinasangkutan noon ni Yungco.

 

Matatandaan na nakuha ng Regional Special Investigation and Detection  Team o RSIDT ng PNP 12 ang isang shotgun at mga bala nito na pagmamay ari ng provincial government ng South Cotabato sa bahay ni Yungco noong October 10, 2016

Si Yungco   bilang Association of Barangay Chairman President sa South Cotabato ay naging ex-officio member din doon ng Sangguniang Panlalawigan.

Ni-raid noon ng mga pulis ang bahay ni Yungco dahil umano sa pagkakasangkot nito sa iligal na droga.

Ngunit ito ay  mariin namang pinabulaanan  ni Yungco sa kanyang privilege  speech sa Sangguniang Panlalawigan ilang araw matapos ang  magsagawa ng raid sa kanyang bahay ang mga pulis.

 

-0-

Christmas Party ng mga empleyado ng Kidapawan City Government, ipinakakansela ng alkalde ng lungsod

Ipinakakansela ni City Mayor Joseph Evangelista ang Christmas parties at Staff Development Activities ng mga opisyal at kawani ng City Government.

November 8, 2019 ng pirmahan at ipalabas ni Mayor Evangelista ang Memorandum number 3717 series of 2019 na nag-uutos sa lahat ng department heads na kanselahin ang mga pagtitipon at mga aktibidad ng kanilang mga empleyado na naka schedule sa buwan ng disyembre.

Ayaw ng alkalde na isakripisyo ang kaligtasan ng kanyang mga empleyado gayung inaasahan pa ang mga aftershocks na dala ng tatlong malalakas na lindol kamakailan lang.

May kasiraan din na tinamo ang mismong City Hall kung kaya at nadisplaced ang ilang tanggapan at temporaryong nag-oopisina sa ibang pasilidad ng City Government.

Mas mainam na ipagdiwang na lamang ng simple at makabuluhan ang kapaskuhan sa piling ng mga mahal sa buhay at iba pang nangngailangan ng tulong na mga nasalanta ng lindol. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

 

 

10-hektaryang lupain sa Barangay Kidapawa na donasyon ng isang punong barangay para sa mga nasalanta ng lindol, ayaw tirhan ng mga bakwit

Ayaw umanong tirhan ng mga bakwit na residente ng Brgy Balabag, Kidapawan City ang sampung hektaryang lupain na donasyon ni Brgy Chairman Eduardo Umpan para sa mga bakwit na matinding tinamaan ng lindol.

Nabatid na una na itong ibinigay ni Umpan sa pamamagitan ng City LGU na siya sanang magsisilbing relocation site ng mga bakwit kung saan ang nasabing lupain ay matatagpuan sa Sitio Passung, Brgy Balabag ng lungsod, na malapit pa rin sa paanan ng Mt. Apo.

Ayon sa mga residente, ang nasabing lugar ay wala umanong pinagkaiba sa lugar na kanilang nilisan na posibleng matamaan ng landslide at pagguho ng mga malalaking bato mula sa bundok.

Katunayan, may iilang mga residente rin ang nagmula sa nasabing sitio na lumikas kasasagan ng lindol dahil sa pangamba na posibleng magkaroon ng mga pagguho ng lupa.

Sa kabila nito, nagpapasalamat naman ang mga residente sa donasyon ng nasabing punong barangay at gustuhin man nilang manatili roon ay nag-aalangan ang mga ito para sa kanilang kaligtasan.

Samantala, sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagpaplano ng City LGU para sa matitirhan ng iba pang mga bakwit sa mga karatig lugar na nasa paanan din ng bundok Apo.

Matatandaang nakapaloob sa planong P100million-peso loan na maaaring utangin ng City government ay ang paglalaan ng pondo sa mga relocation site ng mga bakwit. NDBC BIDA BALITA

 

 

Walong buwang buntis arestado ng CIDG dahil sa kasong qualified theft sa Kidapawan City

Arestado ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang walong buwang buntis matapos isilbi ang warrant of arrest mula sa korte dahil sa kasong qualified theft sa Brgy Kalasuyan ng lungsod, umaga kahapon.

Kinilala ang naaresto na si alyas Andie, dating supervisor ng isang kompanya sa South Cotabato na taga brgy Kalasuyan ng lungsod.

Ayon sa ulat, sinampahan ang suspek ng kasong qualified theft matapos itong makitaan ng irregularidad sa perang dapat na ini-reremit nito sa kanilang kompanya base na rin isinagawang audit ng isang external accounting firm.

Tinatayang nasa mahigit isang milyong piso ang kulang sa perang dapat nitong iremit sa dating nitong pinagtatrabahuan. Naaresto si alyas Andie matapos isilbi ang warrant of arrest na may criminal case number 1202-2019 na inisyu ni Judge Vicente T. Peña ng Regional Trial Court Branch 45, Suralla, South Cotabato na may petsang August 29, 2019.

Katuwang ng CIDG sa isinagawang operasyon ang Kidapawan City PNP, RMFB 12, 1203rd Company at ang Highway Patrol Group. Abot naman sa P90,000 ang recommended bailbond sa suspek para sa temporaryo nitong kalayaan habang gumugulong ang kaso. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Apat na mga pambato mula sa ibat-ibang mga paaralan sa Region 12, maglalaban-laban sa isasagawang Campus Showdown Academic and Vocal Solo competition ngayong sabado

Magsisimula na sa araw ng sabado November 16, 2019 ang Campus Showdown academic and Vocal solo competition na gaganapin sa DXND- Mini Auditorium, Daang Maharlika Kidapawan City.

Ang kompetisyon ay bukas sa sa lahat ng first year o second year students kapwa private o public higher Education Institutions sa buong region12.

Ayon kay Regional Education Supervisor II ng Commision on Higher Education Region 12 Genaro Andres, layunin ng programa na mahikayat ang mga mag-aaral na matuto sa iba-ibang aspeto at mahasa pa ang kanilang talento at galing sa ibat-ibang larangan.

Mayroong apat na pambato na maglalaban-laban kada linggo, unang lalahok ngayong sabado ang Goldenstate Marbel Branch Korondal City, University of Southern Mindanao, Green Valley College Foundation, Inc Koronadal City at Sothern Baptist College.

Ito ay mapapakinggan din sa himpilan ng DXND- Radyo BIDA Kidapawan City simula ngayong sabado ala 1:00 hanggang 2:30 ng hapon.

Para sa Vocal solo competition dapat ay may isang representante ang isang paaralan babae o lalaki at i-interpret ang Original Pilipino Music o OPM. Sa quix bee, kailangan dalawang first year o second year students ang pambato ng paaralan at magsuot lamang ng kanilang uniporme sa araw ng kompetisyon. Ang nasabing kompetisyon ay kauna-unahang programa sa buong Region 12 sa pakikipagtulungan ng CHED. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

National Housing Authority o NHA, magbibigay ng pabahay sa mga pamilya na pasok sa No build zone na lugar sa North Cotabato

Bukod sa cash assistance na una ng ibinigay ng National Housing Authority o NHA magbibigay rin ang ahensya ng pabahay sa mga pamilya na hindi na maaring makabalik sa kani-kanilang lugar o natukoy ng Philvocs na No build zones North Cotabato.

Ito ay ayon kay NHA Regional Manager Zenaida Cabiles sa panayam ng Radyo BIDA kahapon. Una ng tinukoy ng Philvocs ang mga lugar sa lalawigan na bawal ng pagtirikan ng bahay, isang Barangay sa Tulunan, dalawa sa Mlang habang apat na barangay sa Makilala.

Kailangan lamang anya na makipag-ugnayan sa kanilang bawat LGU at maglaan ng lupa na maaring pagtirikan ng permamenteng bahay. VC- CABILES Si NHA Regional Manager Zenaida Cabiles. Dagdag pa niya, magtatayo din sila ng temporary shelter kung may pahintulot mula sa may-ari ng lupa kung halimbawa walang ibang lupa ang mga pamilya na pasok sa No Build Zone.

 

NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Presidente ng Koronadal City Firecrackers Vendors Association may panawagan sa mga kapwa nito vendor para iwas disgrasya sa Holiday Season

Huwag umangkat at magbenta ng mga paputok na may mababang kalidad tulad ng mga kwitis para iwas disgrasya. Ito ang panawagan ni Koronadal City Firecrackers Vendors Association President Jomel Alo sa kanilang mga myembro. Panawagan pa ni Alo sa mga kasama, turuan din ng tamang pagamit ng mga bibilhing paputok ang kanilang mga customer.

Binigyan diin ni Alo dapat ay mariin ding ipatupad ng mga firecracker retailers ang mga polisiya sa pagbebenta ng mga ito. Ang mga ito ay ang “NO Testing “ policy at huwag magpalusot ng mga iligal na firecrackers.

Batay sa datus ng Integrated Provincial Health Office ng South Cotabato, 27 kasong ng firecracker related injury ang naitala sa lalawigan noong nakaraang taon. Karamihan sa mga biktima ay nasugatan ng pasirit, kwitis, roman candle at Luces. Sisimulan ng mga ligal na firecracker vendors sa Koronadal City ang pagtitinda sa lugar na itinalaga ng lokal na pamahalaan sa December 21.

 

-0-

 

Tulong pinansyal ng DSWD 12 napakinabangan ng mga empleyado ng nasunog na mall kasunod ng malakas na lindol sa General Santos City

Nakapag-release na ng mahigit 7.5 million pesos na tulong pinansyal sa mga empleyado ng Gaisano Grand Mall sa General Santos City na nawalan ng trabaho ang Department of Social Welfare and Development o DSWD 12.

Matatandaan na ang nasabing mall ay nasunog kasunod ng malakas na lindol sa Central Mindanao noong nakaraang buwan.

Ang tig 3,000 pesos na one-time cash grant ay naibigay ng ahensya sa 2,500 na mga benepisyaryo. Ito ay sa pamamagitan ng Assistance for Individuals in Crisis Situation ng Protective Services Division ng DSWD 12.

Ang mga tumanggap ng financial assistance ay kabilang sa mga na-profile ng City Social Welfare and Development Office ng Gensan. Kabilang din sa mga nabigyan nito ang mga empleyado ng mga tenant ng nasunog na mall.

Sinabi naman ni Gensan Mayor Ronnel Rivera na pinoproseso na rin ng lokal na pamahalaan ang pinansyal na tulong para sa mga apektadong mangagawa.

Ang mahigit 21 million pesos na gagamitin sa programa ayon kay Rivera ay kukunin sa Disaster Risk Reduction and Management o DRRM Funds ng city government. Bawat benepisyaryo ay makatatanggap ng tig 245 pesos na pinansyal na tulong bawat araw sa loob ng apatnaput limang araw. Layon nito na makaagapay ang mga mamamayang nawalan ng trabaho sa epekto ng pagkasunog ng pinagtrabahuhang establisemento.

 

-0-

 

Bilang ng mga aso na nabigyan ng anti- rabies vaccine sa lalawigan, tumaas ayon sa Provincial Veterinarian ng South Cotabato

Matagumpay na naipatupad ng provincial veterinary office ang rabies vaccination ng mga aso sa South Cotabato. Sa katunayan ayon kay Provincial Vetirenarian Dr. Flora Bigot, abot na sa mahigit walumpung libong aso ang nabigyan nila ng bakuna kontra rabies mula Enero hanggang Oktobre ngayong taon.

Ito ay mas marami kumpara sa 46 thousand na mga asong kanilang nabakunahan sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Sinabi ni Bigot na walang dapat ikabahala ang sinumang makagat ng asong naturukan ng anti-rabies vaccine. Matatandaan na dahil sa sapat na supply ng rabies vaccine mula sa Bureau of Animal Industry, libre pa rin ang pagpapabakuna ng mga alagang aso sa South Cotabato.

 

-0-

 

Polio vaccination mapapakinabangan ng mahigit 75 thousand na mga bata sa syudad, ayon sa city health officer ng Gensan

Target ng City Health Office ng General Santos na mabakunahan kontra polio ang mahigit 75 thousand na mga bata sa lungsod. Ito ang ipinahayag ni Gensan City Health Officer Dr. Rochelle Oco kasabay ng paghahanda nila sa malawakang immunization campaign kontra polio sa Mindanao sa November 25 hanggang December 7.

Ayon kay Oco may team ang city health office na iikot sa mga bahay sa dalwamput anim na barangay ng Gensan para mamigay ng oral polio vaccine. Habang ang iba naman ay itatalaga sa mga barangay health centers at iba pang matataong lugar na lalagyan nila ng vaccination post.

Sinabi ni Oco na ang city health office ng Gensan ay mayroon na ngayong walumput pitong mga vaccinators pero patuloy pa rin silang nanawagan ng mga volunteer. Pwedeng maging volunteer vaccinator ang mga registered nurse, midwife, medical technologist, at mga doctor. Umaapela din si Oco sa mga magulang o guardian ng mga bata na nasa limang taong gulang pababa na pabakunahan ang mga ito ng anti polio.

Tiniyak ni Oco na ligtas at mabisang panlaban sa polio virus ang polio vaccine. Sa South Cotabato target naman ng provincial health office na mabigyan ng bakuna kontra polio ang mahigit 115 thousand na mga bata sa lalawigan.

 

-0-

 

Pagpapalakas ng Dairy production paguusapan sa kauna-unang SOCCKSARGEN Dairy Fair ng DA sa Koronadal City

Layun ng SOCCKSARGEN Dairy Fair 2019 na gaganapin sa Protect Center sa Koronadal City sa December 5 at 6 na palakasin ang dairy industry. Ito ay ayon kay Department of Agriculture 12 Regional Executive Director Milagros Casis. Paguusapan sa dalawang araw na aktibidad ang makabago at tamang teknolihiya sa dairy production.

Ayon kay Casis tatalakayin din ng mga stakeholder sa daiary industy ang demand sa gatas at pagpapalawak ng market sa nasabing produkto. Ibabahagi din ng mga eksperto sa larangan ng dairy production ang dairy regulation, food safety, product branding at labeling.

Kasama ng DA 12 sa pagtaguyod ng Dairy Fair na una sa region 12 ang National Dairy Authority at Regional Federation of Dairy Farmers sa SOCCKSARGEN.

 

-0-

 

NATIONAL....

Pakikinggan ng palasyo ang mga rekomendasyong magmumula sa mga ahensya ng pamahalaan kaugnay sa apela ng ilang mambabatas na ikonsidera ang 4-day work week para sa non- frontline offices ng pamahalaan.

Matatandaang sinabi ni House Minority Leader Bienvenido Abante Jr., na isinusulong ng minority bloc ang adoption ng 4-day work week sa private sector at non-frontline national government offices o ‘yung mga ahensya ng pamahalaan na wala namang kinalaman sa pagresponde sa emergency situations, health system at ‘yung mga hindi direktang nagbibigay serbisyo sa publiko, bilang isang paraan sa pagpapagaan ng trapiko sa mga pangunahing kalsada.

Inaapela rin ng mga mambabatas ang pagma- maximize ng telecommuting law o ‘yung work from home law.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, pagaaralan nila ang lahat ng rekomendasyon na magmumula sa lahat ng departamento at ahensya ng gobyerno, kabilang ang Department of Labor and Employment kaugnay sa usaping ito.

NPA fighter yields to NoCot gov

COTABATO CITY  -  North Cotabato Governor Nancy Catamco on Thursday afternoon accepted the surrender of a 54-year-old communist rebel who...

RCSU monitoring security agencies, gun stores in Bangsamoro areas

COTABATO CITY --- Members of the police’s Regional Civil Security Unit-Bangsamoro Autonomous Region have been inspecting randomly since last week...

Friday the 13th highway crash claims 6 lives in Tacurong

TACURONG CITY – Six persons were killed on the spot, including a baby and three children, after a highway mishap involving at least five...

NDBC BIDA BALITA (12.12.19)

NEWSCAST

DECEMBER 12, 2019 (THU)
7:00 AM

HEADLINES:

1. DALAWA KATAO, patay sa...

Mindanao checkpoints to continue even without martial law

MANILA -- Checkpoint operations in Mindanao will continue despite the lifting of martial law by year-end.

"Well definitely...