Friday Mar, 29 2024 05:55:55 AM

NDBC BIDA BALITA NOV. 20, 2015

 • 18:25 PM Fri Nov 20, 2015
1,717
By: 
NDBC NEWS AND CURRENT AFFAIRS

NEWSCAST

NOVEMBER 20, 2015
(FRIDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. ISA PANG
Maguindanao massacre suspect, naaresto sa Sarangani Province.

2. 4Ps sa Kidapawan City, isa sa mga
tutukan ng bagong full pledged CSWD officer ng lungsod.

3. ISANG
alkalde, inakusahan ng garapal na pamumulika ng gobernador ng South Cotabato.

4. Apat katao, inaresto ng PDEA-ARMM sa Cotabato City shabu nakuha sa kanila.

Local………………..

Matapos ang halos anim na taong
pagtatago sa batas, naaresto na rin ang isa pang suspek sa Maguindanao massacre
sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Sarangani Province noong nakaraang
Martes nang madaling araw.

Kinilala ni Police Regional Office o
PRO-12 spokesperson Supt. Romeo Galgo ang
Maguindanao massacre suspect na si Denga Mentol, alyas Tho Cario
Opong”, na naaresto sa Sitio Kabangkalan, Barangay Batotuling, sa bayan ng
Glan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya
na kabilang si Mentol sa mga miyembro ng Civilian Volunteer Organization na pumaslang
sa limamput walo katao, kabilang na ang tatlumput dalawang mamamahayag, sa
Sitio Masalay, Barangay Salman, Ampatuan, Maguindanao, noong November 23, 2009.

Kabilang si Mentol sa mahigit 100
suspek na kinasuhan kaugnay ng insidente.

Pansamantalang
ikinulong si Mentol sa Alabel Municipal Police station habang hinihintay ang
kautusan ng korte na ilipat ito sa Camp Bagong Diwa, sa Taguig City.

Local...KALABOSO SA paghain ng search warrant ng Philippine Drug
Enforcement Agency o PDEA-ARMM ang isang sinasabing magsasaka sa Sitio Bubong,
Barangay Kalanganan dos, Cotabato city pasado alas onse kamakalawa nang gabi.

Kinilala ang mga nahuling suspek na sina Noraisa Baliwan
Hussain, 36 anyos, housewife, anak na si Haime Kasan Hussain, 22 anyos at tatay
na si Abe Hussain alyas Kagi Abel, 41 anyos na siyang target ng operasyon.

Nakuha ng mga operatiba mula sa bahay mismo ng mga suspek ang 50
gramo ng pinaniniwalaang shabu, dalawang fragmentation grenades, pitong piraso
ng 7.62 caliber live ammunition, limabg piraso ng .40 caliber live ammunition,
dalawang piraso ng caliber .45 live ammunition at mga drug paraphernalia.

Ang search warrant ay inisyu ni judge Bansawan Ibrahim ng
Regional Trial Court Branch 13 kamakalawa at agad inimplementa ng PDEA-ARMM
kinagabihan.

Sa ngayon ay nasa detention facility na ng tanggapan ang tatlong
mga suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 11 ng Republic
Act 9165 at Republic act 10591.

Local…………………….

KATUWANG
ANG iba pang law enforcers, nakalatag na ang security measures ng Midsayap PNP
para sa pagdiriwang ng 79th Foundation anniversary ng bayan.

Tiniyak
ni Midsayap Chief of Police Supt. Gilbert Tuzon na nakahanda na ang buong
pwersa ng kapulisan kasama ang Philippine Army na inaasahang magsasagawa ng
checkpoints, chokepoints, foot at mobile patrol sa bayan.

Kaugnay
ng pagdiriwang, inihayag ni Tuzon na ipatutupad din sa Midsayap ang traffic
re-routing na pangungunahan ng mga traffic enforcers kasama ang mga BPAT
members.

Sa
kabila ng mga banta sa seguridad, tiniyak din ng police official na nakahanda
ang Midsayap PNP dahil sa mga ipinadalang augmentation forces ng Cotabato
Provincial Police Office.

Nabatid
na nakalatag na rin ang iba't ibang mga aktibidad na gagawin para sa 79th
Foundation anniversary celebration ng Midsayap sa darating na November 25.

Local……………….

NAKAHANDA
NA NG MGA aktibidad sa 42nd anniversary celebration ng Maguindanao
ngayong taon.

Kabilang
sa mga inaabangang highlights ng selebrasyon ang Grand Finals ng Kategelan sa
Maguindanao Battle of Talents.

Sa
Senior citizen category, tampok angand

1.
South Upi Tiduray dance.

2.
Talayan kulintang group.

3.
Cricencio Hatiko ng Parang.

4.
Kalipa Midtimbang ng Talayan.

5.
Senior citizen parang chapter.

6.
Esmael Ahmad-PWD ng Datu Saudi.

7.
Lumbayan na tademan ng Datu Odin Sinsuat.

8.
Ramil Mama ng Parang.

9.
Agong exhibition ng Shariff Aguak.

10.
Salakot dance troupe ng Datu Abdullah Sangki.

Sa LGU
CATEGORY naman, kalahok sinaand

1.
Nur-n A. Malang ng Datu Saudi Aampatuan.

2.
Mara marcus ng Datu Odin Sinsuat 3.
Juan mohor, Jr. ng Upi

4.
Datu Abdullah Sangki dance troupe

5.
Datu Salman M. Ampatuan ng Datu Saudi Ampatuan

6.
Edmond Marcos ng Upi.

7.
Datu Saudi dance trp.

8.
Parang LGU dance trp.

9. The
leaders ng Datu Paglas

10.
Johnny Fabayos ng Ampatuan

Ayon
kay Maguindanao Provincial budget officer at special projects headlynette
estandarte, ang mga finalist ay sinuyod mula sa 36 na mga bayan sa lalawigan.

Nabatid
na ang elimination round ay unang ginawa mula November 9 hanggang 14 sa iba't
ibang mga host municipalities ng lalawigan.

LOCAL...Tinawag na garapal ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes si Banga Mayor Albert Palencia.
Ito ay dahil umano sa pangingialam ni Palencia sa pag-recall o pagpatalsik sa Banga Indegenous Peoples Mandatory Representative o IPMR Arnel Wanan.
Binigyan diin ni Fuentes na blatant o hayagang pamumulitika ang pagbasa ni Palencia ng guidelines hinggil sa pagpili at ang pagbibigay nito ng taning kung kelan mananaitli si Wanan bilang IPMR representaive
Giit ng gobernador, dapat respetuhin ang Indigenous Peoples Right Act o IPRA law na nagbibigay ng karapatan sa mga IPs na pumili ng kanilang IPMR na dapat ayon kay Fuentes ay hiwalay na proseso.
Gayunpaman kinumpirma din ni Fuentes na handang makipagpulong sa kanya ang NCIP matapos niyang padalhan ng sulat para pagusapan ang isyu. Kaugnay nito itinanggi naman ni Palencia ang umanoy pangingialam nito sa mga IP leaders sa pagpili ng kanilang IPMR.
Paliwanag ng alkalde, hindi siya pumasok sa municipal gym kung saan isinagawa ang pagupulong ng mga IPs para pagusapan ang kaso ni Wanan.
Ayon kay Palencia, ipinaliwang nito ang mga panuntunan sa pagpili at pagtaggal ng IPMR sa labas lamang ng kanilang municipal gym. Sa ngayon ay nanatili pa ring IPMR representative ng Banga si Wanan at dumadalo pa rin sa regular session ng sangguniang bayan sa Banga. Local...Hindi na nakapalag pa ang dalawa katao nang arestuhin matapos aktwal na mahuling gumagamit ng illegal na droga sa Koronadal City.
Kinilala ng City PNP mga suspected shabu user na sina Tristan Siloterio biente syete anyos, residente ng Purok Saranay, Namnama at Edward Bolano, biente singko ng Barangay Tamnag, Lutayan, Sultan Kudarat.
Ang dalawa ay inaresto habang nagpa-pot session sa bahay ng isang Hector Cosico sa Namnama, dakong alas otso y medya ng umaga kamakalawa.
Kasama ng mga pulis na nag-raid sa lugar si Barangay Namnama Chairman Alfredo Sotelo.
Nakuha mula sa mga suspek ang dalawang maliit na pakete ng suspected shabu,at isang tangkay ng umanoy dried marijuana leaves.
Nakakumpiska din ang mga pulis ng limang assorted cellular phones, apat na improvised tooter, limang disposable lighter at iba pang mga drug paraphernalia mula sa mga ito.
Inihahanda na ng KOronadal City PNP ang pagsasampa ng kasong paglabang sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban kina Siloterio at Bolanio na nakakulong na sa city PNP lock up cell Local…………………..

Simple
at tahimik ang naging pagdiriwang ng 26th anniversary ng Autonomous Region in
Muslim Mindanao o ARMM bilang pagluluksa sa naganap na pag atake sa France kung
saan daan daang buhay ng sibilyan ang nasayang.

Bukod
dito, libo libong mga mamamayan din sa Maguindanao ang lumikas matapos
maapektuhan ng armadong digmaan at hanggang ngayon ay patuloy silang nagsisikap
na maibalik sa normal ang kanilang pamumuhay.

Kaya
naman, ayon kay ARMM Gov. Mujiv Hataman, nakasentro ang pagdiriwang ngayon sa
mga ordinaryong mamamayan ng rehiyon na naging katuwang ng gobyerno sa
pagpapaunlad ng Bangsamoro land

Samantala,
kahapon ay namahagi naman ang ARMM government ng mga farming equipment sa mga
registered farmer cooperatives at sa Moro National Liberation Front o MNLF
communities sa Maguindanao.

Sina
Gov. Hataman at ARMM Exec. Sec. Atty. Laisa Alamia, na sya ring DAF ARMM OIC,
ang nanguna sa pamamahagi ng naturang mga farm machineries and implements sa
isang simpleng seremonya kaugnay ng anniversary celebration kahapon.

Ang
mga post-harvest equipment na kinabibilangan ng farm tractor with implements,
combine harvester with implements, hand tractors with trailers at knapsack
sprayers, ay nagkakahalaga ng 20 million pesos.

Ang
pondo nito ay mula sa Agri-Pinoy Rice at Payapa at Masaganang Pamayanan o
PAMANA programs.

Local...Dead on the spot ang misis na si Belen Consumo, trenta’y tres anyos at nasawi naman habang ginagamot sa South Cotabato Provincial hospital ang kwarenta’y sais anyos na mister na si Romy Consumo.
Ang magasawang Consumo ay parehong binaril umano sa dibdib ng suspek na si Joselito Consumo,kapatid naman ng nasawing si Romy. Tinamaan din ng bala ng 45 pistol sa tagiliran si JR Lee Consumo pamangkin ng mga biktima at suspek at anak mismo ng suspek na si Jose Consumo.
Ito ay matapos awatin ang nagtatalo na suspek at biktimang magasawa.
Naganap ang pamamaril sa lugar ng pamilya Consumo sa Purok Mariveles, Barangay Paraiso, dakong alas nuebe kamakalawa ng gabi.
Ayon kay JR Lee Consumo hindi nito batid kung ano ang pinagtalunan ng mga biktima at suspek na humantong naman sa pamamaril.
Ang suspek na si Joselito Consumo na agad namang tumakas matapos gawin ang krimen ay pinaghahanap pa ng mga pulis.
Ang insidente ay iniimbisitgahan pa ng Koronadal City PNP. Local..Magtulungan para masawata ang sakit na dengue fever.
Ito ang hiniling ni Dr. Rogelio Aturdido Jr, ang provincial health officer ng South Cotabato sa mga mamamayan ng lalawigan.
Ayon kay Aturdido ang pagkontrol sa pagdami ng lamok na nagdadala ng dengue ay hindi lamang nakasalalay sa mga opisyal ng mga barangay kungdi maging sa mga residente mismo.
Kaugnay nito umaapela si Aturdido sa publiko na na mariing ipatupad ang Aksyon Barangay Kontra Dengue o ABKD.
Ang ABKD ay isinusulong Department of Health para malinis ang mga lugar na maaring pamugaran ng mga lamok na nagdadala ng dengue, tulad ng mga alulod ng bahay, lumang bote o lata at maging mga bao ng niyog.
Nabatid mula sa datus ng Integrated Provincial Health Ofifce o IPHO South Cotabato na patuloy na tumaas ang dengue cases sa South Cotabato.
Ayon sa IPHO abot na sa 2,568 na kaso ng dengue ang naitala sa lalawigan mula Enero hanggang Nobyemre a syete nitong taon.
Ito ay mas mataas ng 22.4 percent kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Pinakamarami o 35.9 percent na nagkasakit ng dengue sa South Cotabato ay pawang may edad na mula onse hanggang biente anyos.
Apat din ang nasawi dahil sa dengue sa mga bayan ng Polomolok, |Banga at Tampakan.
Nanguna sa may pinakaraming nagkasakit ng dengue sa lalawigan ang Koronadal city at bayan ng Tupi.
Local...Patay ang disi nuebe anyos na out of school youth matapos umanong magbigti sa Barangay Poblacion, Norala, South Cotabato.
Ayon sa Norala PNP ang wala nang buhay na katawan ni Ralph Panaguiton ay natagpuan na lamang ng mga kaanak nito dakong alas tres ng hapon kamakalawa.
Ang binata ay nagbigti gamit ang lubid na itinali nito sa kisame ng kanilang banyo kung saan siya natagpuan.
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis na pinayuhan pa ng nakatatandang kabatid nito ang biktima na kaya nitong resolbahin anuman ang problemang dinadala nang huling gabing nakita itong buhay.
Wala namang nakitang foul play sa pagkamatay ng binate.. Local...Kasabay ng isinagawang session ng Sanguninang Panlungsod ng Kidapawan kahapon ay idenklara rin bilang Full pledge City Social Welfare and Development o CSWD officer si Lorna Morales.Ito matapos ang halos tatlong taong pagiging Acting CSWD Officer ni Morales matapos magretiro ang dating head na si Erlinda Douglas.Pero bago tuluyang idinekalara sa kanyang bagong posisyon si Morales sa pamamagitan ni City Councilor Atty. Francis Palmones, chair ng SP committee on Laws ay dumaan muna ito sa mainitang question hour at diskusion kasama ang mga local legislators ng lungsod.Sa report ni Morales, dito ibinunyag ng opisyal ang update sa kanilang mga programa at maging ang mga bagong programa para sa hinaharap.Dito rin ipinahayag ni Morales ang malaking pagbabago na nangyayari sa nabanggit na opisina simula nang siya na ang umupo bilang acting CSWD officer base na rin sa feedback mula sa mga mamamayan.Ipinangako naman ni Morales na tutukan nila ang nagpapatuloy na problema sa mga 4p's beneficiary na umano may ilang benipisyaryo ang nakatatanggap ng tulong mula sa gobyerno gayong may kaya naman sa buhay.Sa ngayon naging hamon para kay Morales ang pagkakaluklok sa kanyang bagong pwesto kung saan nagpahayag rin ng kumpyansa ang SP members sa kakayahan nito bilang bagong CSWD officer ng Kidapawan.Ang tinig ni City Councilor Francis PalmonesMaliban kay Morales ideneklara rin ng SP si Virgilio Bernabe bilang full pledge department head ng City Cooperative and Development Office. Local...Sa loob ng siyam na taon, ipinagmamalaki ni Tulunan Mayor Lani Candolada ang matagumpay nitong pagpapatupad ng kanyang mga programa lalo na usapin ng edukasyon.Ito ang sinabi ni Candolada na bahagi ng kanyang State of the Municipal Address kahapon.Ayon pa sa alkalde kada taon ay abot sa 2.3 million pesos ang kanilang inilalaan na pondo para sa Special Education Fund o SEF para sa mga estudyante ng 29 barangay ng Tulunan.Magkaiba pa ito sa 1.7 million pesos na pondo para sa pagpapalago ng Students and Teachers Development, Alternative Learning System, Brigada Skwela, School Operational Expenses at iba pang mga aktibidad na may kaugnayan sa edukasyon.Iginiit rin ng opisyal ang pagiging handa ng Tulunan sa K-12 program.Ilang mga High Schools rin ang binuksan para mabigyan ng de kalidad na edukasyon ang mga batang nasa malalayong barangay ng bayan.Para kay Candolada, naniniwala siyang ang maayos na implementasyon sa kanyang mga programa ay malaki ang naitulong sa mamamayan ng Tulunan lalo na sa mga mahihirap. Local...Sinumulan ng ngayon ng Tulunan Local Government Unit ang pagpapatupad ng Unified Color Coding sa mga Tricycle matapos maaprubahan ng Sanguniang Bayan ang Local Transportation Ordinance.Sinabi ni Councilor Pit Limbunga, chair ng Committee on Transportation ng SB Tulunan, kulay dalandan o orange ang pintura na kanilang gagamitin sa mga tricycle base na rin sa napagkasunduan ng Transport Association at LGU.Ito ay pinondohan naman ng LGU ng abot sa isang milyong piso para sa libreng repaiting sa mahigit tatlong daang tricycle o 3, 300 pesos bawat isa.Ayon kay Limbungan, kanilang isinailalim sa bidding process ang naturang pondo at isang Private Firm sa Davao City ang nakakuha sa nabanggit na proyekto.Nilinaw ng opisyal na isa ito sa mga requirments bago ma renew ng mga driver operators ang kanilang mga prangkisa sa susunod na taon.Sa ngaon sa North Cotabato- ang bayan ng Tulunan ang ikalimang bayan na nagpatupad ng Unified Color Coding sa mga pampasaherong tricycle kabilang na ang bayan ng Kabacan na kular dalandan rin, Pikit na kulay dilay, Matalam na kulay berde at pula naman sa bayan ng Makilala. Local...Plano ngayon ng Office of the Provincial Agriculturist na magtayo ng deputized agents sa bawat LGU's sa North Cotabato na siyang magmomonitor sa mga Cassava Planting Materials na pumapasok sa lalawigan.Ito ang sinabi ni Cotabato Provincial Agriculturist Engr. Eliseo Mangliwan, matapos na maaprobahan ng Sanguniang Panlalawigan ng Cotabato ang resolusyon na mag ba-ban sa Cassava Planting Materials para mapigilan ang Witch Broom Disease na ngayon ay kumakalat na umano sa mga malalawak na taniman ng Cassava sa ilang bahagi ng Bukidnon at Davao Region.Ayon kay Mangliwan, kanila nang ipinababa ang komunikasyon sa bawat LGU ng lalawigan para simulan na ang pagsasanay sa deputized agents na siyang sisita sa mga Cassava Planting materilas na papasok sa probinsiya.Tinatayang nasa 80 percent ng Cassava Industry sa North Cotabato ang posibleng maapektuhan sakaling makalusot ang affected materials partikular sa Alamada at Banisilan na halos katabi lamang ng Bukidnon.Ang Witch's Broom Disease ay dala ng bacteria na tinatawag na Phytoplasma Cadidatus Asteris na mabilis na humawa sa mga Cassava Plants na magreresulta sa pagkakatanggal ng mga dahon at pagkakamatay nito.Patuloy ngayong pinag-aaralan ng mga eksperto ang pestisidyo na siyang lalaban sa naturang sakit at kung makakaapekto ba ito sa katawan ng tao. Local...DEKLARADO na’ng isang Zero Open Defecation o ZOD ang Arakan, isang bulubunduking bayan sa lalawigan ng North Cotabato.
Ito na ang ikalawang bayan na idineklara ng Department of Health o DoH na ZOD.
Ang una ay ang bayan ng President Roxas na nasa Arakan Valley complex pa rin.
Kapag ZOD na ang isang lugar, ibig sabihin nito, lahat ng bahay dito ay may mga sarili nang palikuran o sanitary toilet at maayos na tapunan ng mga basura o ito’ng tinatawag na, ‘material recovery facility’.
Kapwa benepisyaryo ng Water Sanitation and Hygiene o WASH project ang mga bayan ng President Roxas at Arakan na nito’ng 2012 ay magkatuwang na iniimplementa ng LGU, DoH, ACF International, at ng UNICEF.
Ang kada barangay sa naturang mga bayan nagpasa ng mga ordinansa na kapag wala pang palikuran at MRF na naitayo ay magmumulta ng mula limang daan hanggang isang libong piso.
Ang dalawang mga barangay din sa President Roxas at Arakan ay napili ng DoH bilang may pinakamahusay na sanitation practices sa buong rehiyon-dose.

UK: Bangsamoro one of world’s few successful peace processes

MANILA – The United Kingdom has hailed the creation of the Bangsamoro region as one of the world’s few successful peace processes as it joined...

Antipas LGU releases official list of victims of highway mishap

OFFICIAL list of victims of March 25, 2024 vehicular accident involving passenger van and cargo truck. The list is from the local government of...

Cotabato Light announces April 6 power service interruption

Cotabato Light announcement:  To all our valued customers, please be informed of the scheduled power interruption affecting a portion of...

BARMM has new police regional director

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - Police Brig. Gen. Prexy Dugas Tanggawohn was installed as new police regional director for the Bangsamoro...

BARMM, Inter-Agency Teams implement OPLAN HARABAS, nets 1 conductor positive for drug use

COTABATO CITY - The Philippine Drug Enforcement Agency in the Bangamoro Region and police units in the city conducted on Tuesday "Oplan Harabas" in a...