Tuesday Feb, 25 2020 10:01:50 AM

NDBC BIDA BALITA (Nov. 22, 2019)

NDBC BALITA • 08:30 AM Fri Nov 22, 2019
363
By: 
NDBC NCA

 

NDBC BIDA BALITA ALAS 7

HEADLINES:

1. BINATILYO, timbog sa buy bust operation ng mga otoridad sa Cotabato city kagabi.

2. 1.5 million pesos na halaga ng mga ari-arian, naabo matapos na masunog ang ilang mga establisiemento sa Kidapawan City kaninang madaling araw.

3. MAGSASAKA, patay sa pananaga ng sariling anak sa Norala, South Cotabato

4. House Speaker Alan Peter Cayetano, binuweltahan sina dating Pangulong Aquino at Senate Minority Leader Franklin Drilon matapos batikusin ang gastos sa Southeast Asian Games hosting.

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA

 

1.5M na halaga ng ari-arian, iniwang danyos ng nasunog na mga establisiemento sa Kidapawan City kaninang madaling araw

Tinatayang abot sa 1.5 million pesos na halaga ng mga gamit at ari-arian ang naabo sa nangyaring sunog sa Datu Ingkal Street Kidapawan City alas 2:00 ng madaling araw kanina.

Sinabi ni Bureau of Fire Kidapawan, Fire Marshall Captain Marjorie Ressurection, nasa 12 mga busniess establishments, bahay at boarding houses ang nadamay sa naturang sunog na nag umpisa sa Astros internet cafe.

Dahil sa gawa sa light materials at magkadikit ang mga kalapit na establisyemento at mga bahay ay mabilis itong nilamon ng apoy. Alas 5:00 na ng umaga nang ideneklarang fire out ang nasabing sunog.

Sa ngayon ay inaalam pa ng BFP sa kung ano ang sanhi o ano ang pinagmulan ng apoy.

 

 

-0-

 

 

ARESTADO ang 18 anyos na binatilyo sa inilunsad na buy bust operation ng Police Station 2 at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA BARMM sa Cotabato city kagabi.

Kinilala lamang ang nadakip na suspek sa alyas na John Kevin Balasell alyas "Pogs", isang estudyante at taga Purok Pag-asa, Krislamville, Barangay Rosary Heights 6 ng lungsod.

Nadakip ang suspek pasado alas siyete kagabi matapos na mapagbentahan ng iligal na droga ang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakuha mula sa kanya ang tatlong sachets ng hinihinalang shabu at drug Paraphernalia.

Nabatid na dati ng nadakip ang suspek pero pinakawalan ng mga otoridad dahil ito ay menor de edad pa noon.

Samantala, una rito ay arestado rin sa buy bust operation ang isang lalaki, pasado alas dose ng tanghali kahapon sa Purok Shariff, Malagapas Street, Barangay Rosary Heights 10.

Kinilala ang nadakip na si Abdulsalam Malasigan, 36 anyos, walang asawa, walang trabaho at residente rin ng nabanggit na lugar.

Nakuha mula sa suspek ang isang pakete ng hinihinalang shabu, isang glass tooter at nabawi rin dito ang 500 pesos na marked money.

Nahuli ang suspek ng pinagsanib na pwersa ng Police Station 3, 1404th, RMFB 14-BARMM at ng mga barangay official.

Nabatid na halos isang linggo ding under surveillance ang suspek bago isinagawa ang operasyon.

 

-0-

 

ARESTADO ang dalawang mga lalaki sa raid na inilunsad ng pinagsanib na pwersa ng Alamada PNP, North Cotabato PNP PDEA-12 at Army’s 34th Infantry Battalion kahapon umaga sa Sitio Maracabak at Tabunan, Barangay Guiling, Alamada, North Cotabato.

Sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte ay sinalakay ng mga otoridad ang tahanan ng target suspect na si Tima Pedro.

Gayunman, hindi nadatnan ng raiding team sa lugar ang suspek ngunit nahuli naman ng mga ito ang dalawa pang mga suspek na sina Ansari Salangan Pedro at Maulana Decampong Macadiar.

Unang nakumpiska ng mga otoridad sa Sitio Maracabak ang isang M-16 Rifle; anim na magazines na may 185 na mga bala; dalawang Rifle Grenades; isang Fragmentation  Grenade at siyam na sachets ng pinaniniwalaang shabu habang sa nakuha naman sa Sitio Tabunan ang isang Homemade Shotgun; isang magazine ng caliber 45;  12 sachets ng suspected shabu; humigit kumulang dalawalng kilong dried marijuana leaves; at isang rolled marijuana seeds.

Nasa kustodiya na ng Alamada PNP ang mga nakumpiskang iligal na droga, armas at mga bala habang ang dalawang naarestong mga suspek ay sasailalim naman sa imbestigasyon.

 

-0-

 

MAGHAHAIN ng panukalang batas si Maguindanao 2nd District Representative Esmael “Toto” Mangudadatu na layong paigtingin pa ang Republic Act No. 6975 sa pamamagitan ng pagtatag ng Scene of the Crime Operatives o SOCO sa lahat ng mga bayan sa buong bansa.

Sa kanyang privilege speech kaugnay ng nalalapit na anibersaryo ng Ampatuan Massacre, binigyang-diin ni Mangudadatu ang kahalagahan ng pagkakaroon ng SOCO sa lahat ng mga bayan.

Inalala ng kongresista na noon aniyang masawi ang kanyang asawa at iba pang mga kamag-anak sa Ampatuan massacre ay inabot pa ng tatlong araw bago na-proseso ng SOCO ang crime scene.

Kinailangan pa aniya kasi nilang hintayin ang SOCO Team mula sa PNP 12, dahil walang SOCO ang PNP-Maguindanao.

Giit ni Cong. Mangudadatu na napakahalaga ng pagkakaroon ng SOCO sa lahat ng mga bayan, lalo na sa Bangsamoro region dahil na rin sa kanilang tradisyon na dapat mailibing ang kanilang mga namayapa sa loob ng 24 na oras.

 

-0-

 

TINANGAY ng pinaghihinalaang magnanakaw ang mga mamahaling gamit sa loob ng isang bahay sa barangay Rosary Heights 6, Cotabato City.

Ayon sa may ari ng bahay na si HASIM DATILAN, 37 years old, may asawa, at isang driver, laking gulat na lamang nila nang madatnan ang kanilang bahay na tila hinalughog ng mga suspek.

Napansin ng pamilya na winasak ang door knob ng main door ng kanilang bahay at kinuha ang isang laptop, iphone 7 cellphone, LPG tank, mga damit at mga mamahaling alahas.

Sa kabuuan ay umaabot umano sa mahigit na isang daang libong pisong mga aria arian ang tinangay ng magnanakaw.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente at sa suspek na itinuturo ng biktima.

SAMANTALA, biktima rin ng mga kawatan ang isang negosyente matapos na mawala ang kanyang pera na nasa loob ng kanyang tindahan sa barangay Rosary Heights 9, Cotabato City.

Ayon sa negosyenteng si ESMAEL USI BALABARAN, 26 years old, single, at taga Ilang-Ilang St., Barangay Rosary Heights 7, pasado ala una ng hapon kamakalawa nang madiskobre niyang nawawala sa kanilang kaha ang kinita nito na nagkakahalaga ng limang libong piso.

Agad naman itong nagtungo sa pulisya para isumbong ang insidente.

 

-0-

 

Mahigit 6,000 police sa region 12 sumailalim sa surprise drug tests

Hinihintay pa ng PNP 12 ang resulta sa surprise drug test ng mahigit anim na libong mga pulis sa rehiyon. Ito ay ayon kay PNP 12 Public Information Officer Lt. Col. Lino Capellan.

Ayon kay Capellan ang pagsailalim sa drug test ng mga pulis sa Soccksargen ay iniutos ni PNP 12 Regional Director Brig. General Alfred Corpuz.

Ito ay bilang kabahagi pa rin ng internal cleansing sa hanay ng PNP. Layun nito na masiguro na walang nagdro-drogang pulis at maipakita ang transparency sa kampanya kontra iligal na droga. Isinagawa ang surprise drug testing sa mga pulis sa region 12 kasabay ng Drug Abuse Prevention and Control Week Celebration.

Ayon kay Capellan kabilang sa mga nagpa-drug test ang lahat na mga police commissioned and non-commissioned personnel at non-uniformed personnel.

 

-0-

 

Magsasaka patay sa pananaga ng sariling anak sa Norala, South Cotabato

Kinilala ng Norala PNP na pinamumunuan ni Police Major Nathaniel Panaguiton ang biktima na si Isagani Futolan, 56 years old at nakatira sa Barangay BS Aquino, Norala, South Cotabato.

Suspek sa krimen ang anak ni Isagani na si Angelo Futulan, 30 years old, binata, walang trabaho at nakatira din sa nasabing lugar. Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na habang nagtatalo, nataga ni Angelo ang amang si Isagani.

Sa kabila ng natamong mga sugat nagawa pang makuha ng amang biktima ang kanyang paltik na 12 gauge shotgun na ginamit sa pagbaril sa anak na suspek.

Ang mag-amang sugatan ay dinala ng kanilang mga kaanak sa Norala District Hospital kung saan idineklarang dead on arrival ang biktimang si Isagani.

Ang suspek sa pagtaga sa kanya at anak na si Angelo na tinamaan ng bala sa tiyan ay nagpapagaling pa sa nasabing ospital. Ayon sa kanilang mga kaanak, ang anak na suspek ay mayroon umang problema sa pagiisip.

Narekober ng mga pulis sa crime scene ang itak na ginamit sa krimen at 12 gauge shot gun ng nasawing biktima at basyo ng nasabing armas.

 

-0-

 

Security personnel ng Koronadal City isinailalim sa Bomb Identification and Detection seminar

Nagtapos sa tatlong araw na “Bomb Identification and Detection “ seminar ang mga kasapi ng Civil Security Unit o CSU ng lokal na pamahalaan ng Koronadal. Kasama din sa mga sinanay ang mga myembro ng Barangay Peace Keeping Action Team o BAPTs sa lungsod.

Ayon kay Koronadal Mayor Eliordo Ogena, bilang sentro ng region 12 kailangang matiyak ang seguridad ng mga mamamayan ng lungsod sa anumang uri ng karahasan.

Ito ay sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga security personnel ng syudad sa pagtukoy sa mga pampasabog at pagresponde sa panahon ng emerhensya. Sinabi ni Ogena na para mapaigting ang pagbabantay ng seguridad sa Koronadal kailangan din ng tulong ng mga bomb experts. Pinasalamatan naman ni CSU Chief Raul Miramon ang lokal na pamahalaan sa seminar na naglalayong maisulong ang kaligtasan ng mga mamamayan sa Koronadal City.

 

-0-

 

PNP may motibo na sa pananaga at pagpatay ng mister sa sariling misis sa Tantangan, South Cotabato

Selos ang motibo na sinusundan ng imbestigasyn ng mga pulis sa pagpatay ng isang mister sa sariling misis sa bayan ng Tantangan, South Cotabato.

Ipinahayag ito ni Tantangan Chief of Police, Captain Romeo Albano Jr. Kinilala ni Albano ang biktima at nasawing misis na si Denelyn Mara, 28 years old, overseas filipino worker o OFW. Suspek naman sa krimen ang karpinterong mister nitong Roel John Mara, 38 years old.

Ayon kay Albano, umuwi ang biktimang misis matapos magtrabaho sa ibang bansa noong October 31. Ngunit sa halip na sa kanyang mister sa Barangay Bukay Pait, tumuloy ito sa kanyang mga magulang sa karatig barangay ng Dumadalig.

Sinabi ni Albano na nang puntahan ng kanyang mister ang kanyang misis para kausapin noong November 19,matindi umanong nagtalo ang magasawa.

Ayon kay Albano, kumuha ng lagaraw ang biktimang misis ngunit ito ay naagaw ng kanyang mister hanggang sa siya ay mataga umano nito.

Ang biktimang misis na nagtamo ng matinding mga taga sa ibat’ ibang parte ng kanyang katawan ay dead on arrival sa South Cotabato Provincial sa Koronadal City. Ayon kay Albano ang suspek na mister na tumakas matapos ang krimen ay pinaghahanap pa ng mga pulis.

 

-0-

 

Rice Tariffication Law, suportado ng mga opisyal ng tatlong ahensya ng gobyerno.

Magbigay ng panahon para sa maayos na pagpapatupad ng Rice Ttariffication Law o RTL sa bansa. Ito ang panawagan sa publiko nina Department of Agriculture Secretary William Dar at Trade and Industry Secretary Ramon Lopez.

Gaya nina Dar at Lopez, naniniwala din si Finance Secretary Carlos Dominguez sa magkakaroon ng magandang epekto sa industriya ng bigas sa Pilipinas ang RTL.

Sinabi naman ni Dar na tanging hangad lamang ng pamahalaan sa pagpapatupad ng RTL ang makatulong sa mga magsasaka at mamimili. Ayon naman kay Dominguez malalagpasan ng mga magsasaka ang epekto ng RTL sa mga unang buwan ng pagpapatupad nito.

Umapela din ito sa mga mamamayan na para sa ikatatagumpay ng a RTL ,makipagtulungan sa gobyerno para masugpo ang katiwalaan.

Kampante naman si Lopez na makatutulong sa pagkakaroon ng sapat na supply ng bigas sa bansa ang RTL

 

-0-

 

Makilala LGU, nilinaw na hindi sila nagpalabas ng direktiba na maari ng makabalik ang mga residente ng isang Barangay na ideneklarang “No build Zone” ng Philvocs

Muling igiinit ng lokal na pamahalaan ng Makilala na wala silang ipinalabas na direktiba na pinababalik na ang mga bakwit na mula sa Barangay Luayon, Makilala, Cotabato na isa sa mga lugar sa bayan na una ng idineklarang No Build Zone.

Ayon kay Municipal Administrator Sheryl Orbita, pinoproseso pa ng pamahalaan sa ngayon ang lupa na siyang magiging relocation site ng mga residente na mula sa apat na mga barangay ng nasabaing bayan. Kinakailangan pa anyang ipasuri ang lupa sa Mines and Geoscience Bureau at ng Philvocs kung ligtas na pagtayuan ng bahay.

Sa isinagawang meeting, may mga private individual anyang nagpahayag ng tulong at nagpresenta na ipagamit muna ang kanilang lupa bilang pansamantalang tirhan ng mga evacuees. 

Kinumpirma din ni Barangay Luayon Kagawad Cornello Damali na isa sa kanyang mga nasasakupan ang nasawi dahil hindi kinaya ang lamig at init dahil sa lupa lamang sila natutulog. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Governor Catamco, hinikayat ang mga mamamayan na magkaisa sa muling pagbangon ng North Cotabato “TOGETHER WE WILL REBUILD NORTH COTABATO”-

Ito ang naging mensahe ni North Cotabato Governor Nancy Catamco sa muli nitong pagbabalik sa kapitolyo kaninang umaga matapos ang kanyang 90-day suspension.

Sinabi ng gobernadora sa kanyang talumpati, na ang naranasang lindol ng probinsya ay isa aniyang pagkakataon upang muling magkaisa ang mga mamamayan at maipakita ang katatagan ng bawat isa sa kabila ng mga pinsalang dulot nito.

Ayon pa kay Catamco na kinakailangan munang isantabi ang isyu ng politika alang-alang sa interes ng mga mamamayan ng probinsya. Sa kanyang pagbabalik, tututukan nito ang aspeto ng rehabilitasyon sa pamamagitan ng itatatag nitong Comprehensive Provincial Reviewing Plan o CPRP.

Ang CPRP ang siyang magiging daan upang magiging matatag ang rehabilitation effort ng probinsya sa pamamagitan pagkakaisa at pagkakasundo ng mga national line agencies, mga apektadong LGUs at iba pang mga stakeholders.

Hinimok din ni Catamco ang bawat lider ng mga lokal na pamahalaan na i-validate ang mga record at data ng mga apektadong komunidad. Tiniyak naman nito na handa ang probinsya na tuguan ang pangangailangan ng mga residenteng apektado ng lindol.

Samantala, bago pormal na bumalik sa kapitolyo si Catamco ay bumisita muna ito sa mga evacuation centers sa bayan ng Makilala na lubhang naapektuhan ng tumamang lindol at nagsagawa ng isang tribal prayer upang magbahagi ng katutubong ritwal o panalangin sa Santos Land Tent Area.

Kasabay ng gobernadora sa kanyang pagbisita ang ilang Board members ng lalawigan na sina BM Dulia Sultan, BM Krista Piñol-Solis, BM Phil Malaluan, at ang mga municipal officials ng Makilala maging ang mga brgy officials. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Presidential Anti- Corruption Commission o PACC, hinihikayat ang publiko na kumuha ng building permit bago magpatayo ng gusali o bahay upang maging ligtas sa lindol

Hinihikayat ngayon ng pamunuan ng Presidential Anti- Corruption Commission o PACC ang publiko na mag-apply ng building permit bago magpatayo ng gusali mapa government o commercial buildings. Ito ay ayon kay PACC Commissioner Manuel Luna sa kasabay ng kanyang pagbisita sa Kidapawan City kahapon.

Ang kanyang pagbisita sa lungsod ay may kaugnayan sa kanyang mga natatanggap na ulat na ang paggamit ng mga substandard na materyales tulad ng semento at bakal ang isa sa mga dahilan ng pag guho ng maraming gusali sa lalawigan lalo na ang mga government buildings dulot pa rin ng pagyanig.

Sa mga napanood at naririnig din niyang mga balita ay ikinalungot niya ang sinapit ng mga guro, mag-aaral, opisyal ng barangay at iba pang indibidwal na dahil sa insidente. Pero kung ang mga nakatayong gusali sa mga lugar ay mas matibay ay mas kaunti lamang sana ang mga nasugatan at binawian ng buhay. VC- PACC Si PACC Commissioner Manolito Luna.

Dapat din anya mahigpit ang pagbabantay ng Departmnet of Trade and Industry o DTI at ng Bureau of Customs ng mga substandard na mga materyales. Sa datus naman ng OCD, umabot na sa 22.73 percent sa kabuuang bilang ng populasyon ng North Cotabato ang apketado 217, 920 individuals. VC- OCD NDBC BIDA BALITA

 

 

Ilang mga pamilya na lumikas dahil sa lindol sa Kidapawan City, unti-unti ng bumabalik sa kanilang tahanan

Unti-unti ng nakakabalik sa kani-kanilang tahanan ang nasa mahigit 300 na mga pamilyang lumikas matapos maitala ang malakas na pagyanig sa Kidapawan City.

Ayon kay City Mayor Joseph Evengelista, sinimulan na ng City Government noong nakaraang araw ang pagpapasara ng ilang mga evacuation camps na mula sa ibat-ibang barangay ng lungsod maliban sa mga hindi na pwedeng balikan na mga bahay.

Ang category1 at 2 ay nagsimula ng bumabalik sa kani-kanilang bahay. Ibig sabihin ng category 1 ay mga pamilyang lumikas dahil sa pangamba ng mga nararamdamang aftershocks at hindi nasira ang kanilang bahay. Ang category 2 naman ay mga lumikas at nasiraan ng bahay na tumanggap ng cash assistance mula sa LGU na pambili ng materyales para sa pagsasaayos ng kanilang nasirang tahanan.

Samantala, nasa 1,700 na mga pamilya mula sa mga Barangay ng Ilomavis, Perez at Balabag na nasa Category 3 naman ay yaong mga nasiraan ng bahay at nakatira sa mga idineklarang No Build Zones ng Mines and GeoSciences Bureau ng DENR ang nasa mga temporary shelters pa rin hanggang sa kasalukuyan.

Naghahanap pa kasi ang LGU ng ligtas na lugar o relocation site na posibleng paglilipatan ng mga nasabing pamilya. Ito ay mula na rin sa 100Million pesos na bank loan ng City Government at maging ang pagbibigay livelihood assistance para sa kanilang pamumuhay sa araw-araw.

 

-0-

 

 

NATIONAL

NANAWAGAN ang nasa 200 libong vapers sa bansa kay Pangulong Duterte na i-regulate o magtakda lang ng mga panuntunan hinggil sa paggamit ng e-cigarette at huwag ito tuluyang ipagbawal.

Inamin din ng Philippine E-cigarette Industry Association, Coalition of Asia Pacific Tobacco Harm Reduction Advocates, The Vapers Alliance at ng Nicotine Consumer of the Philippines na dismayado sila sa kautusan ni PNP-OIC Lt. Gen. Archie Gamboa na arestuhin ang mahuhuling lalabag sa e-cigarette ban sa pampublikong lugar.

Paniwala nila na posibleng hindi naipaliwanag mabuti sa Pangulo na 95 percent na ligtas ang paggamit ng e-cigarette kumpara sa paghitit ng sigarilyo o tabako.

Ayon kay Clarisse Virgino, kinatawan ng grupo, na sa pag-aaral, milyun-milyong smokers ang natulungan para tumigil sa paninigarilyo sa buong mundo subalit dahil sa vaping ban ay malamang na bumalik sa paninigarilyo ng tobacco ang mga gumagamit ng e-cigarette.

 

-0-

 

Sa iba pang balita, nanawagan ang ilang concerned citizens kay Pangulong Duterte na busisiin ang umano’y katiwalian sa Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.

Sa dalawang pahinang liham na ipinadala ng mga nagpakilalang concerned citizens, binanggit ng grupo na si TESDA Isidro Lapeña na pinuno umano ng TESDA Secretariat at miyembro ng TESDA Board ay siya ring chairperson ng TESDA Board na dapat ay nabibilang lang sa Kalihim ng Department of Labor and Employment.

Bukod dito, si Lapeña din umano ang tumatayong pinuno ng Head of Procurement Agency ng TESDA kung saan mayroong absolute power at kontrol sa ahensiya na umano’y lantad sa pang-aabuso.

Dahil umano sa nasabing mga kapangyarihan kaya sunud-sunod ang umano’y pang-aabuso kabilang dito ang pag-iisyu ng memorandum para sa failure of bidding.

Ginawa rin umanong centralized at solong kapangyarihan ang paglalabas at pagbabayad ng claims sa Technical Vocational Institutions and training centers dahilan para magkaroon ng delay sa pag-produced ng skilled workers.

Sa kabilang dako pa, binweltahan ni House Speaker Alan Peter Cayetano sina dating Pangulong Aquino at Senate Minority Leader Franklin Drilon kaugnay sa batikos bg mga ito sa gastos ng pagho-host ng 2019 Southeast Asian Games.

Ayon kay Cayetano, kung tutuusin aniya mas malaki ‘di hamak ang sampung bilyong pisong ginastos ng nakalipas na administrasyon para sa hosting ng Pilipinas ng Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC Summit sa Maynila noong 2015 kumpara sa anima na bilyong piso para sa SEA Games.

Iginiit nito na hindi na dapat pang inungkat nina Aquino at Drilon ang usapin hinggil sa kakulangan sa mga silid-aralan dahil ang isyung ito ay lumala naman noong nakalipas na administrasyon nang sinimulang ipatupad ang K-12 program.

 

Mag-asawa sa Koronadal City, pinagsasaksak at napatay, suspek nahuli

KORONADAL CITY - Patay na nang datnan ng "drier caretaker" ang mag-asawang matatanda sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Magsaysay, Koronadal...

6-member drug dealing gang surrender in Radjah Buayan

MAGUINDANAO --- Six drug dealers pledged to reform for good over the Qur’an Monday, three days after authorities shot dead two heavily-armed...

GenSan garbage collector: “Waste management awareness makes our job easier"

This was the statement of one of the street sweepers General Santos City during a conversation Wednesday afternoon with some personnel of the...

Military anticipating retaliation from group of slain drug dealers

MAGUINDANAO --- Authorities are bracing for possible retaliations by a heavily-armed drug trafficking gang that lost two members in an encounter...

No clues yet on ambush of prosecutor

COTABATO CITY --- Probers are still trying to identify the gunmen who shot and wounded in an ambush Friday the deputy provincial prosecutor of...