Saturday Apr, 20 2024 08:37:25 PM

NDBC BIDA BALITA (Nov. 5, 2016)

 • 17:57 PM Sat Nov 5, 2016
1,349
By: 
NDBC

NEWSCAST

NOVEMBER 5,
2016 (SAT)
7and00 AM

HEADLINESand

1. ILANG KONGRESISTA, pabor sa paghingi
ng tulong kay MNLF founding chair Nur Misuari para sa peace talks.2. Mayor ng Leyte na nasa drug list ni P. Duterte patay Mayor ng South Cotabato na nasa drug list din, nakakulong pa din

2. MALAWAK na sakahan sa Kabacan, North
Cotabato, binaha milyon-milyong pisong danyos, naitala

3. Kahit bawal na, marami pa rin ang gumagawa ng uling sa Lake Sebu, So. Cotabato. PATAY ang mayor ng Albuera, Leyte na nasa listahan ng mga umanoy narcopolitician matapos na manlaban daw sa mga elemento ng CIDG sa Leyte provincial jail.Ayon kay Chief Inspector Juvy Espinido ng Albuera police office, nagtungo ang mga elemento ng CIDG sa loob ng Leyet sub-provincial jail upang isilbi ang warrant of arrest kay Espinosa dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 at illegal possesion of firearms matapos na salakayin ang kanyang bahay at nakuha ang 11 kilo ng shabu.Sinabi ni Espinido na tinangka umano ni Espinosa at ng is pang detainee na si Raul Yap na mang-agaw ng baril kayat sila ay pinutukan ng CIDG alas 4 kaninang madaling araw.Si Espinosa ay isa sa mga narcopolitician na pinangalanan ni Duterte. Ang anak nitong si Kerwin ay kilala bilang pinakamalaking drug lord sa Visayas.Si Kerwin ay nadakip sa Abu Dhabi at nakatakdang dalhin sa bansa.Ang mayor ng Albuera ay pangalawang mayor na napatay sa war on drugs ng Duterte administration.Noong Oct. 28, napatay ng mga elemento ng PNP si Mayor Samsudin Dimaukom ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao sa isang police operation sa Makilala, North Cotabato. Siyam na kasamahan nito namaay din. PABOR ang ilang mga kongresista sa
Kamara sa desisyon ni P. Duterte na kunin si Moro National Liberation Front o
MNLF founding chair Nur Misuari para tumulong sa peace talks sa Mindanao.

Sinabi ni Magdalo Rep. Gary Alejano at
Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, isang ‘welcome development’ ang pakikipagkasundo
ni Misuari sa gobyerno.

Ayon kay Alejano, dapat talagang kasama
ang MNLF sa peace talks ngunit kailangan aniyang magtulungan ang MNLF at MILF
para bumuo ng workable arrangement sa Bangsamoro.

Ito ay dapat din dawn a nakabase sa nabuong
peace agreement noong 1996 at sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.

Para naman kay Biazon, tiyak daw na
malaki at mahalaga ang gagampanang papel ni Misuari sa peace process na naging dahilan
para masuspinde ang Judicial process sa kaso nito.

Bilang bahagi aniya ng ‘confidence-building’,
iginiit ni Biazon na maaaring makatulong din si Misuari sa kampanya ng gobyerno
laban sa iligal na droga sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon kaugnay ng
mga sindikatong may operasyon sa Mindanao.

Sa kabilang dako naman, duda si Akbayan
partylist Rep. Tom Villarin kung makakatulong si Misuari sa pagpupursige ng
gobyerno na magkaroon ng kapayapaan sa Mindanao.

Aniya, taong 1996 pa kasi unang nakipagkasundo
ito at ang MNLF sa gobyerno ngunit sa huli ay tinalikuran din nito ang
pamahalaan.

Giit ni Villarin, maling hakbang ang
ginawa ng gobyerno na palayain siya at ipasantabi ang warrant of arrest niya
para sa kasong may kaugnayan sa Zamboanga siege.

Samantala, sa iba pang balita, hinamon ngayon ng Armed Forces of the
Philippines o AFP si MNLF founding Chair Nur Misuari na maglabas ng mga matitibay
na ebidensya para patunayang ang paratang na ginagamit ng Malaysia ang mga Moro
sa kidnapping for ransom o KFR.

Sinabi ni AFP Public Affairs Office chief
Col. Edgard Arevalo na seryoso ang alegasyon ni Misuari laban sa mga opisyal ng
Malaysia kaya dapat niya itong patunayan.

Magugunita na malaki ang naitulong ni
Misuari sa pagpapalaya sa mga hostage ng Abu Sayyaf sa Sulu matapos itong manguna
sa negosasyon at sunduin ang mga bihag.

Siya rin ang naging susi para sumuko
ang sampung mga miembro ng Abu Sayyaf. PINAGHAHANAP
NA NGAYON ng mga otoridad ang isang food service worker ng Cotabato Regional Medical
Center o CRMC na pinaniniwalaang nanloob sa opisina ng Nutrition Dietician ng
nabanggit na ospital.

Kinilala
ang suspek na si Tyson Estrera, 23 years old, taga-Macapagal Street, Barangay
Rosary Heights Mother at sinasabing nakatira rin sa super market area, Barangay
Poblacion Uno, Cotabato City.

Sinabi
ni CRMC Nutrition Dietitian Rose Anne Friales na huliing nakita ang suspek sa
nabanggit na opisina alas otso hanggang alas nuebe ng gabi noong Huwebes,
November 3, habang hinihintay ang kanyang karelyebo.

Kinabukasan,
natuklasan na lamang nila na nawawala na ang perang nakalagay sa isa sa mga
mesa ng nabaggit na opisina na nagkakahalaga ng abot sa 150 thousand pesos.

Kaya
naman malaki ang hinala ni Friales na tinangay ni Estrera ang nasabing pera lalo
na noong hindi na ito pumasok pa sa kanyang trabaho kinabukasan.

Sinubukan
na rin nilang tawagan si Estrera sa kanyang cell phone pero hindi na ito
ma-contact. IDINEKLARANG
isang special public holiday ang araw ng Lunes, November 7, 2016 sa buong
Autonomous Region Muslim Mindanao o ARMM kaugnay ng pagdiriwang ng Sheik karim
ul - Makdum day.

Sa memorandum
order 589 na inilabas ng tanggapan ni ARMM Governor Mujiv Hataman, walang pasok
sa lahat ng tanggapan ng gobyero sa ARMM at maging sa mga paaralan.

Ito ay para
mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan ng rehiyon na ipagdiwang ang naturang
mahalagang okasyon para sa mga Muslim sa bahaging ito ng bansa.

Ang pagdiriwang
ng Sheik karim ul - Makdum day ay pag-alala sa pagdating ni Sheik karim ul -
Makdum, isang misyonaryong arabe na unang nagtungo sa tubig-indangan, simunol
sa pulo ng tawi-tawi noong 1380.

Siya ang
nagtayo ng kauna-unahang Mosque sa Pilipinas na hanggan ngayon ay nakatayo pa
dahil isinagawang rehabilitation at restoration.

Pinaniniwalaang
ang orihinal na mosque ay tumagal ng humigit kumulang limang daang taon. PA-IIMBESTIGAHAN
ni Maguidanao 2nd District Cong. Zajid Mangudadatu ang pagkamatay ni
Datu Saudi Ampatuan mayor

Samsudin
Dimaukom sa isang shootout na nangyari sa Makilala, North Cotabato noong
nakaraang Biyerne, October 28.

Sinabi
ng legal counsel ng pamilyang Dimaukom na si Atty. Ronald Torres, bagaman at
wala pa silang natatanggap na pormal na komunikasyon mula sa kongresista,
naniniwala ang pamilya na gusto rin ng mambabatas na lumabas ang katotohanan
hinggil sa insidente.

Si
mayor Dimaukom ay kabilang sa listahan ni P. Duterte bilang umano ay narco-politician .

Napatay
ang alkalde at ang mga kasamahan nito sa operasyon ng mga anti-narcotics agent
sa Barangay Old Bulatukan, Makilala.

Samantala,
nanawagan naman si Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu sa mga kaanak at
supporter ni Dimaukom na manatiling kalmado at ipaubaya sa batas ang pagtuklas
ng katotohanan sa insidente.

Nakiusap
din si Mangudadatu sa publiko na iwasan ang paglalabas ng mga maling
espekulasyon hinggil sa insidente na walang basehan

Payo
ng gubernador, hintayin ang final at official report ng PNP kaugnay ng
insidente. NAGBABALA
NGAYON ang Food and Drug Administration o FDA sa publiko kaugnay sa pagbili at
paggamit ng Bignay Herbal Tea na hindi rehistrado sa ahensya.

Sa
ipinalabas na Advisory No. 2016-121-A, na inisyu ng FDA at pirmado ni Director-General
Nela Charade Puno, pinag-iingat ng FDA ang publiko laban sa pagbili at paggamit
ng naturang produkto, na gawa ng Tres Verdes Trading, dahil hindi ito
rehistrado sa kanilang tanggapan at maaaring makasama sa kalusugan ng mga
gagamit nito.

Nakasaad
sa label ng naturang produkto na ang Bignay Herbal Tea ay mabisang gamot laban
sa rayuma, Urinary Tract Infection, diabetes, altapresyon, dysmenorrhea, myoma,
ulcer, altapresyon at erectile dysfunction.

Pero
sabi ni Puno, walang scientific basis ang claim ng naturang produkto kaya hindi
dapat agad maniwala ang publiko.

Payo
pa ng opisyal, ‘prevention is better than cure’ kaya mas mabuting gumamit ng
mga produktong aprubado ng FDA. Nanatili pa rin ngayon sa lock up cell ng Banga PNP si Banga, South Cotabato Mayor Albert Palencia.
Si Palencia ay inilipat sa Banga PNP mula sa custody ng Criminal Investigation and Detecion Group o CIDG , General Santos City.Matatandaan na ang bahay ng alkalde sa barangay Punong Grande sa bayan ng Banga ay ni raid ng mga kasapi ng Police Regional Office 12 kamakalawa bitbit ang 18 search warrant.
Nakuha sa bahay ni Palencia ang 4 na bala ng .380 na baril.
Mariin namang pinabulaanan ni Palencia na sa kanya ang bala ng grenade rifle na nakuha sa kanyang piggery.
Iginiit ni Palencia na wala siyang drug laboratory at kinalaman sa illegal na droga.
Sa katunayan ayon sa alkalde, walang nakuhang droga sa kanyang bahay ang raiding team. Para masigurong walang special treatment kay Palencia sa kulungan ,binisita mismo ito ni Regional Trial Court Branch 26 Judge Lorenzo Balo kahapon.
Si Palencia ay nahaharap sa kasong Violation of Comprehensive Fire Arms and Ammunition Law dahil sa mga bala na natagpuan sa kanyang bahay
Kinasuhan din ito ng paglabag sa RA 9516 o unlawfull possession of explosive dahil sa bala ng grenade rifle na natuklasan umano sa piggery nito.
Naibigay ng pulisiya sa Department of Environment and Natural Resources o DENR ang 30 sako ng uling na narekober ng mga ito sa Lake Sebu, South Cotabato.
Ayon sa salaysay ni DENR Protected Area Supervisor Extension Officer Renante Agan sa mga pulis, ang mga uling ay iniwan sa gilid ng highway sa Barangay Tasiman, Lake Sebu.
Ang mga uling ay agad namang hinakot ng team ni Lake Sebu PNP, Deputy Chief of Police Inspector Lolito Moreno.
Hindi pa batid ng pulisiya kung sino ang may ari ng mga inabandonang uling.
Samantala arestado din ng pulisiya ang dalawa katao matapos mahuling sakay ng dalawang motorsiklo na may lulang 16 na sako ng uling.
Kinilala ang mga suspek na sina David Sabal 44 anyos at Romeo Sawal 20 anyos pawang mga residente ng Barangay Talisay, Lake Sebu.
Ang uling na narekober mula sa mga suspek ay mula sa Bacdulong at dadalhin ng mga ito sa Poblacion Lake Sebu ng maharang sa Purok 5, Barangay Talisay.
Ang mag ito ay nai-turn over na rin ng pulisiya sa DENR.
Nabigyan ng Technical Assistance ng Department of Science and Technology o DOST ang 7 micro, small,and medium enterprises o MSMEs sa SOCCKSARGEN Region.
Ito ay sa pamamagitan ng walk-through energy audit bilang kabahagi ng Awareness Training in Energy Management Conservation and Assessment for DOST 12 Energy Audit Team.
Kabilang sa mga sumailalim sa audit ang Winch Mechanical and Innovation Center and VL Food Products sa General Santos City HandampD Integrated Technologies sa South Cotabato Roche Welding and Repair Shop and FC Martinez Industrial Machine sa North Cotabato at Nice Furniture and Agong Metal Craft sa Sultan Kudarat.
Saklaw ng assessment ang lighting, electrical systems at electric motors ng naturang MSMEs.
Bahagi din ng proseso ang pagbibigay ng rekomendasyon ng DOST sa mga sinuring kumpanya batay sa resulta ng kanilang assessment.
Ipinakita din sa mga ito kung ano ang dapat gawin upang makatipid sa paggamit ng enerhiya.
Umapela naman si DOST 12 Regional Director Zenaida Raof Laidan sa mga negosyante na pakinabangan ang technical assistance ng ahensya para matulungan na mapababa ang kanilang energy consumption.
Simula 2013, abot na sa 21 MSMEs sa region 12 ang nabigyan ng technical assistance sa energy assessment ng DOST .
Sumasailalim ngayon sa Search and Rescue Training ang 42 mga pulis sa South Cotabato.
Ang pagsasanay ay pinamamahalaan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO.
Ayon kay PDRRM Officer Mila Lorca, kabilang sa mga itinuturo sa mga pulis ang mga pangunahing technique sa pagligtas ng buhay sa panahon ng kalamidad.
Kabilang dito ayon kay Lorca ang Rapelling, Belaying, Anchoring at Rope Rescue Technique.
Ayon kay Lorca, layon ng training na mahasa ang kasanayan ng mga rescue teams ng lalawigan lalong lalo na sa High Angle Rescue o pag ligtas sa mga biktima ng kalamidad na nasa matataas na lugar.
Matatandaan na una nang sumailalim sa kahalintulad na training ang Rescue Team ng South Cotabato provincial government.
Nagpapatuloy din ngayon ang Disaster Preparedness Training sa mga Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council sa buong lalawigan.
Naghihintay na lamang ng go signal mula sa Land Transporation Office o LTO ang Koronadal City Traffic Section para sa masimulan ang panghuhuli sa mga pasaway na motorista.
Ito ang ipinahayag ni Koronadal City Traffic Supervisor Ed Tabago matapos makipagkasunduan sa kanilang ang LTO.
Layon nito na maitalaga bilang mga deputized agent ng LTO ang mga traffic enforcer ng Koronadal City.
Ayon kay Tabago kapag nagbigay ng go signal ang LTO, huhulihin na rin ng mga traffic enforcers ang mga pasaway na motorista bilang myembro ng apprehending team ng LTO.
Para paghandaan ang kanilang magiging bagong katungkulan sumailalim na sa orientation ng LTO ang mga traffic enforcers ng Koronadal City. Halos mangiyak-iyak ang nasa dalawang daang tagasuporta ni Rex Tungcua alyas Bosing na nagmula pa sa ibat-ibang bahagi ng Mindanao kahapon matapos ang ginawang pahayag ni Mlang Mayor Russel Abonado na pahihintulutan nito ang ginagawang panggamot sa Malasila, Mlang, North Cotabato.
Sa labas naman ng Municipal Hall naghihintay ang supporters ni Tungcua na una nang nagpahayag ng pagtututol sa pagpapahinto nito sa panggamot.

Ipinatawag kasi kahapon si Rex Tungcua ni Mayor Abonado kasama si Mlang Municipal Health Officer Dr. Jun Sotea, mula sa DOH, PNP at mga municipal Councilors ng bayan.Dito ipinaliwanag ni Dr. Jun Sotea ang paglabag ni Alyas Bossing sa Republic act 2382 o ang Medical Act kaya nagpadala ito ng petisyon na pirmado naman ng Sanguniang Bayan Members

Base kasi sa report na nakalap ng MHO ipinahihinto ni alyas Bossing ang pag-iinom ng gamot ng kanyang mga pasyente at maging ang mga inirereseta ng doktor ay ipinatitigil nito.
May limang mga pasyente na rin umano ang kanilang namonitor na nasawi matapos magpagamot kay Alyas Bosing.

Ang alegasyong ito ay itinanggi naman ni Alyas Bossing at iginiit na tanging ang kaniyang paniniwala lamang ang gumagamot sa mga pasyente na aniya hindi naman niya iniimbitahan at kusang pumupunta sa kanya.

Ilang mga pasyente rin ang nagpahayag ng kanilang mga testimonya na umano galing na sila sa mga doktor at hindi gumaling at nong nagpagamot na sila kay Alyas Bossing ay umayos naman ang kanilang kalagayan.

Nagresulta naman ang nabanggit na pagtitipon sa loob ng Mayors Office sa pagbibigay pahintulot ni Mayor Abonado kay Tungcua pero nagbigay rin ito ng ilang mga kondisyon.
Una, hindi dapat ipapahinto ni Alyas Bosing kung may mga iniinom na gamot ang kanyang mga pasyente, bawal rin itong mag opera o magpainum ng ano mang gamot.

Kabilang rin ang seguridad ng mga pasyente mga kondisyon ng alkalde. Iginiit ni Mayor Abonado na sakaling mamonitor ito ng LGU ang kanilang paglabag sa nasabing kasunduan ay agad itong ipapatigil ng mga otoridad ang pagsasampa ng kaso laban rito.

Samantala, narito naman ang ilang reaksyon ng mga taga suporta ni Alyas Bossing sa halos dalawang buwan nitong panggagamot sa nabanggit na lugar. Patuloy ngayon ang ginagawang validation ng Kabacan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council at Department of Agriculture kaugnay sa mga apektadong magsasaka at taniman matapos ang sunod-sunod na pag-ulan sa bayan.
Sinabi ni MDRRM Officer David Don Saure, base sa kanilang inisyal na tala mula October 30 hanggang kahapon halos dalawang daang mgasasaka na ang naapektuhan ng pagbaha.Halos dalawang daang ektarya din ng palayan ang nasira kung saan higit na anim na milyong piso ang kabuuang danyos nito.

Nabatid na umabot sa 4,451,952.00 ang naitalang pinsala sa tanim ng mga magsasaka sa Barangay Bangilan habang nasa P1,732,729 na pinsala naman ang sa brgy. Bannawag.
Ayon kay Saure, posible pang madagdagan ang nabanggit na danyos sakali ring magtuloy-tuloy pa ang buhos ng ulan.

Nabatid na ang barangay ng Bannawag at Bangilan ay napabilang sa low lying areas kaya mas apektado ito.
Sa kabila nito, ipinahayag ni Saure na wala namang may nasaktan at nawalan ng bahay dahil sa nabanggit na pagbaha sa bayan. Sa ngayon, pinangangambahan rin ng MDRRMC ang posibleng pag-atake ng mga daga mula sa mga bundok dala ng ulan.

May mga barangay raw silang minomonitor ngayon kaugnay rito.
Malaki ang pasasalamat ng Puas Inda Elementary School sa brgy. Amas, Kidapawan City na naging benipisyaryo sila ng M Lhuiler Organizational Productivity Enhancement Committee o ML OPEC Kulintang Cotabato Maguindanao Region.Kahapon isinagawa ang turn over ceremony sa mga gamit para sa nasabing paaralan kabilang na ang isang computer set, personal hygiene kit, bags, atschool supplies.

Maliban rito, pinaayos rin ang kanilang flag pole.Sinabi ni OPEC Pres. Francis Ian Tiniedo, naging tulay rin ang NDBC Kidapawan kaya nila natagpuan at simulang suportahan ang Puas Inda Elem. School.

Ayon kay Tiniendo ang kanilang organisasyon ay hindi lamang nakasentro sa pinansyal na aspeto pa rin ang pagtulong sa kapwa.Samantala, ikinatuwa naman ng bagong OIC ng Puas Inda Elem. School na si Dr. Julieta Raz ang mga natanggap na gamit para sa mga mag-aaral.

Malaking tulong aniya ito lalo na sa kanilang pang-araw araw na kailangan.

Maliban naman sa ML OPEC, malaki rin raw ang naitulong ng With LOve John Inc. na isang pribadong organisasyon na nakabase sa US dahil sa kanilang feeding program araw araw sa lahat ng mag-aaral.Dahil dito, napansin ng mga guro na bumaba ang kanilang drop-outs dahil wala nang dahilan pa ang mga bata at maging ang kanilang mga magugulang na hindi sila papaaralin dahil libre na ang kanilang panghalian araw-araw.
Libreng Bilateral Tubal Ligation ang Makilala Rural Health Office katuwang ang dalawang Non Government Organization sa susunod na linggo.Ayon kay Municipal Epidemiology Survillance Office Coordinator Maria Rosario Villegas bahagi ito sa family Planning Program ng nasabing bayan.Pero ayon kay Villegas, kailangan munang dumaan sa mga pagsusuri ang isang ina bago ito sasailalim sa tubal ligation.

Kinakailnagn umanong walang sakit na high blood, at may patnugot ng kanilang mga asawa ang mga sasailalim sa nasabing operasyon.Magbibigay din ng libreng gamot ang rhu para rito.

Katuwang ng Makilala rural health office ang Mindanao Health at ang Mariestoppes na mga non government organization sa nasabing taunang aktibidad.Bago ang operasyon ay ipapaintindi muna sa mga ina kong ano ang bilateral tubal ligation, kong ano ang benepisyo nito at ang one on one counceling matapos ang operasyon.

Hinihikayat naman ngayon ng RHU makilala sa mga inang gustong sumailalim sa nasabing operasyon na makipag ugnayan lamang sa kanilang tanggapan. Nakakulong ngayon ang isang magsasaka sa Kidapawan City PNP lock up cell makaraang maaresto sa inilatag na buy bust operation sa Quezon Boulevard, Kidapawan City kahapon.Kinilala ang suspek na si Ariel Labastida, 40-anyos na taga Ortega Subd. ng lungsod.

Nakuha mula sa kanya ang pitong sachet ng pinaniniwalaang shabu at marked money.Agad dinala sa PNP crime Laboratory ang mga iligal na drogang nakumpiska mula sa suspek habang dinala din ito sa kulungan.Sa report ng PNP matagal na rin nilang minamanmanan ang iligal na aktibidad ng suspek na nagbebenta ng iligal na droga.

Nahaharap ngayon si Labastida sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa kanya.Ang operasyon ng PNP ay bahagi lamang sa kanilang mas pinaigting na kampanya kontra iligal na droga sa lungsod.

NDBC BIDA BALITA

New airline to fly across BARMM

COTABATO CITY — Bangsamoro Airways, a pioneering airline based in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), will begin flying...

PBBM to PNPA grads: Maximize technology to fight crime, serve

SILANG, CAVITE – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday called on the new graduates of the Philippine National Police Academy (PNPA) to...

Picong ambush suspect falls during hot pursuit operation

PICONG, Lanao del Sur - After a thorough investigation and follow-up operation, operatives were able to identify the seven individuals involved in...

NDBC BIDA BALITA (April 19, 2024)

  HEADLINES 1   BABAE patay sa ambush sa Maguindanao del Sur; Pulis naman sugatan sa ambush sa Lanao del Sur 2  ...