Friday Dec, 13 2019 04:19:46 PM

NDBC BIDA BALITA (Nov. 9, 2019)

NDBC BALITA • 10:30 AM Sat Nov 9, 2019
326
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

 

1. Pinsalang idinulot ng lindol sa Kidapawan City, abot na sa halos 2 billion pesos – ayon sa CDRRMC

2. BILANG ng mga nagaganap na krimen sa Cotabato city, bumaba sa loob ng sampung buwan nitong taon, ayon sa PNP.

3. South Cotabato provincial guard, patay sa shootout sa Polomolok, South Cotabato; may-ari ng punirarya, patay naman sa pamamaril sa Koronadal City

4. Ilang Public Schools sa Kidapawan City, balik klase na sa lunes – ayon kay SDS Flores

5. Dalawa patay, marami sugatan sa highway accident sa South Upi, Maguindanao

 

 

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA

 

Nilinaw kahapon ni City Disaster Risk and Reduction Management o CDRRM head Psalmer Bernalte na halos sa 2billion pesos ang iniwang pinsala sa ekonomiya sa ng tatlong magkasunod na lindol sa Kidapawan City.

Ginawa ni Bernalte ang pahayag matapos maraming mga ulat ang lumalabas na umano’y abot sa 3billion pesos na ang iniwang pinsala ng lindol sa lungsod. Sa ngayon, maraming mga establisyemento sa lungsod ang nagsara dahil kailangan pang sumailalim sa inspeksyon ng City Engineering office ang kanilang mga gusali.

Kabilang dito ang mga shopping mall, grocery centers, mga bangko, restaurant, hotel, food chain, at marami pang iba. Dagag pa niya, tinatayang abot sa 750Million pesos ang iniwang pinsala ng Evas Hotel na kailangan ding sumailalim sa Demolition.

Pansamantalang nagsara ang Gaisano Grand Mall, Yongson Shopping Mall, Unitop, Mang Inasal, Jollibee, Sugni Superstore, Prudenciado Building, Sepol Building, UCPB, at marami pang iba na nakitaan ng mga bitak dahil sa pagyanig. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Balik klase na ang ilang pampublikong paaralan sa Kidapawan City sa araw ng Lunes, November 11, 2019. Inirekomenda ni Schools Division Superintendent Romelito Flores sa alkalde ng lungsod ang selective resumption of classes sa lunes dahil patuloy pa ang ginagawang inspeksyon ng mga otoridad ang ilang mga paaralan na nasira dala ng tatlong malalakas na lindol.

Nakapagtayo na ng Temporary Learning Shelter ang Department of Education sa mga mauunang eskwelahan na balik klase na sa November 11.

Ang mga paaralan naman na hindi pa magbabalik ang klase sa lunes ay magpapatayo rin ng mga tempoerary learning shelters. Kung kaya’t patuloy ang panawagan ng DepEd sa mga nais na magbigay ng mga laminated sacks na gawing temporaray learning shelter 

Samantala, sa Cotabato Division sinabi naman ni SDS Omar Obas may pasok na rin ang mga paaralan sa North Cotabato maliban sa Daig, Magbok at Paraiso sa bayan ng Tulunan na lubos naapektuhan. Ang pagkansela ng pasok sa bayan ng Makilala ay nakadepende pa rin sa kanilang Local Chief Executive. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Kung si Deputy Speaker Anak Mindanao (AMIN) Party-List Representative Amihilda Sangcopan ang tatanungin ay natutugunan naman aniya ng gobyerno ang mga pangunahing pangangailangan sa mga biktima ng lindol sa North Cotabato.

Ito ang kanyang sinabi kasabay ng kanyang paglilibot sa mga lugar na malubhang tinamaan ng lindol habang namigay rin ng tulong sa mga biktima ng kalamidad. Pero iginiit nito na may mga pangangailangan ang mga kapatid nitong muslim na hindi kahalintulad sa pangangailangan ng isang kristiyano.

Halimbawa na rito ay ang mga malong na bahagi ng kanilang pang araw-araw na kasuotan. Aniya, dahil marami sa kanyang kababayang muslim ang nawalan ng tirahan, mainam rin aniyang lagyan ng prayer room o kahit isang sulok kung saan maaaring makapagdasal ang mga muslim.

Dagdag pa nito na may ginagawa ng prayer room sa isang evacuation center sa bayan ng Makilala na siyang pagdara-usan ng pagdarasal lalo’t mahalaga ito bilang bahagi ng pananampalatayang Islam. Samantala, hindi rin itinanggi ng opisyal na may kakulangan sa suplay ng gamot sa mga relocation site lalo’t marami-rami na rin ang nagkakasakit ngayon dulot ng mainit at malamig na panahon dahil trapa lamang ang kanilang masisilungan.

Samantala ikinatuwa naman ng opisyal ang pagkakaisa ng mga taga North Cotabato sa kabila ng pagkakaiba sa relihiyon at paniniwala.

Sa kabilang dako, bumisita rin sa kahapon si Senator Manny Pacquiao sa Kidapawan City at umapela ito sa alkalde na tulungang makabangon ang lungsod pagkatapos ng malawakang kasiraan na dulot ng kalamidad. Nangako naman si Senator Pacquiao na magpapaabot pa ng tulong sa recovery efforts na sinisimulan na ng City Government sa kasalukuyan.

Una ng namigay ng kahalintulad na tulong si Pacquiao sa iba pang mga lugar sa SOCCSKSARGEN na apektado rin ng lindol. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Mahigit isang libo na mga manggagawa ang nawalan ng trabaho dahil sa lindol sa North Cotabato – ayon sa DOLE

Nasa 1,012 na mga manggagawa ang nawalan ng trabaho sa Kidapawan City matapos na huminto ang operasiyon ng ilang mga establisiemento habang ang iba naman ay tuluyan ng nagsara dahil sa nasira ang kanilang mga gusali.

Ito ang sinabi kahapon ni Department of Labor and Employment o DOLE Regional Director Sisinio Cano sa pinakahuling datus na kanilang nakuha mula sa DOLE-North Cotabato. Posible pa anyang madagdagan ito dahil ang nasabing datus ay karamihan mula sa Kidapawan at hindi pa nila nakukuha ang ibang detalye sa iba pang mga bayan na naapektuhan din ng lindol.

Karamihan sa mga nawalan ng trabaho ay ang mga empleyado ng malalaking malls sa lungsod. Dahil dito, may programa umano ang SSS na unemployment insurance sa mga kawani na nawalan ng trabahao na maaring makakuha ng ayuda na hanggang dalawang buwan na sweldo na maibibigay.

Maliban dito ay nagdownload na rin ang DOLE 12 ng P2.3 milyung pondo para pansweldo sa mga maha-hire na trabahante ng DOLE-North Cotabato. Bukod dito, may 950 thousand pesos ang inilaang pondo para sa labin-isang bayan ng probinsya at nasa 200-300 ang nakabesnipisyo nito. NDBC BIDA BALITA

 

 

Babaeng drug suspek, arestado sa President Roxas, North Cotabato

Inaresto ng PNP ang isang babaeng drug suspek sa isinagawang buy-buys operation ng mga pulis sa Purok 4-B, Barangay New Cebu, President Roxas Cotabato. Kinilala ang suspek na si Ailen Mancao Biang, 28 years old, may asawa at nakatira sa nasabing lugar.

Ang operasyon ay isinagawa ng PDEA 12 at ng President Roxas PNP alas 12:20 ng tanghali kahapon. Nakuha sa kanya ang isang sachet ng iligal na droga at ang marked money na ginamit sa operasyon. Samantala, arestado din ang tatlo ka tao matapos na maaktuhang pumapasok sa tindahan ng isang negosyante sa Barangay Poblacion, Makilala North Cotabato alas 12:30 ng tanghali kahapon.

Nakilala ang mga nahuli na sina alyas Ramie, Marlo at Rozel na lahat nakatira sa nasabing bayan. Ayon sa may-ari, naaktuhan nito ang tatlo na pumasok sa kanyang tindahan at ninanakaw ang pera na nasa loob ng isang transparent cellophane.

Nabatid na isinara ng may-ari ang kanyang hardware dahil sa nagdaang lindol at binuksan kahapon upang ma pull out ang mga stocks at dito na nagkataon ang mga suspek na pumasok at magnakaw sana. Sa ngayon nasa kustudiya na ng Makilala PNP ang tatlo at inihahanda na rin ang kasong isasampa laban sa kanila.

 

-0-

BUMABA ang bilang ng mga nangyayaring krimen sa Cotabato city ngayong taon.

Sa report ng City PNP sa Peace and Order Council Meeting kamakalawa, mas mababa ng 9.85% ang Crime Rate sa lungsod mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon kung ikukumpara sa parehong panahon noong 2018.

Nabatid na umabot na rin sa 149 katao ang naaresto ng mga otoridad sa lungsod kaugnay ng nagpapatuloy na kampanya kontra iligal na droga.

Nasa 38.28 grams naman ng shabu ang nasamsam ng pulisya habang umaabot na sa 289 cases na ang naisampa sa korte

12 mga operasyon din ang inilunsad ng City PNP katuwang ng iba pang mga alagad ng batas kontra loose firearms na dahilan ng pagkakaaresto ng 11 katao.

Samantala, sa usapin naman ng iligal na sugal, 37 mga operasyon na ang inilunsad ng mga otoridad dahilan para madakip ang nasa 153 katao kung saan 35 mga kaso na rin ang naihain sa korte.

Hanggang Oktubre ngayong taon, 38 wanted persons na ang naaresto habang walong most wanted persons na rin ang hawak na ngayon ng mga otoridad.

Sinabi ni City PNP Director, Col. Portia Manalad na naging susi sa pagbaba ng crime rate ang regular na pagpapatrolya, presensiya ng security forces at ang LGU PNP RONDA patrol na pinangungunahan mismo ni city mayor Cynthia Guiani.

 

-0-

 

SINIBAK bilang hepe ng Marawi city PNP si Police Captain Saludin Benasi.

Ito ay kasunod ng pagkakatimbog ng tatlo nitong mga tauhan sa inilunsad na buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-BARMM kamakailan.

Sinabi ni Lanao del Sur PNP Director Police Col. Madzghani Mukaraam na ‘command responsibility’ ni Benasi ang tatlo nitong mga tauhan na sangkot sa bentahan ng iligal na droga.

Sinabi ni Mukaraam na halata rin umano na nais takasan ng kanyang hepe ang obligasyon kaya tuluyan na itong sinibak.

Nadismaya rin ang opisyal nang mag-positibo paggamit ng illegal drugs si Staff Sgt. Fahmi Bangon Como na kasama ni Maranao PNP deputy commander Master Sgt. Manjel Nassal Aradais at Patrolman Sandiali Mangundacan na naaresto sa loob ng pribadong sasakyan sa Maguindanao nakaraang linggo.

Una nang sinabi ni PDEA-BARMM director Juvenal Azurin na kinasuhan na nila ng drug selling at illegal possession of firearms ang mga suspek.

 

-0-

 

DALAWA KATAO ang nasawi habang 29 na iba pa ang malubhang nasugatan sa nangyaring aksidente sa National Highway sa Timanan, South Upi, Maguindanao

Nakilala ang isa sa mga nasawi na si BAI LANIE, college student, habang ang iba pang mga biktima ay pawang mga taga-Datu Odin Sinsuat, Maguindanao na patungo sana ng Lebak, Sultan Kudarat para dumalo sa kasal.

Nabatid na nawalan umano ng preno ang sinasakyan nilang elf truck kaya’t nagpagewang gewang ito, hanggang sa malaglag ang mga pasahero nito.

Sa ngayon ay patuloy na ginagamot sa ospital sa Cotabato city ang mga sugatan.

Isa umano sa mga ito ang binawian ng buhay habang sinasalba ng mga manggagamot.

 

-0-

 

PUMAYAG ang Korte Suprema sa hirit ng hukom na humahawak sa Ampatuan Massacre case na dagdag na panahon para madesisyunan ang kaso.

Sinabi ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta na sumulat sa Korte Suprema si Quezon City Branch 221 Presiding Judge Jocelyn Solis-Reyes para mabigyan pa siya ng 30 araw bago ibaba ang hatol sa kaso.

Ayon kay Peralta, hindi naman siya nadidismaya na inabot ng dekada ang kaso nang hindi pa rin nadedesisyonan.

Ayon kay Peralta, ginawa ni Reyes ang lahat para maibigay ang hustisya sa pamilya ng mga biktima at kasabay nito ay ang pagtitiyak ng due process sa mga akusado.

Una rito, ikinatuwa ni Maguindanao 2nd District Representative Toto Mangudadatu ang desisyon ng korte na ibasura ang mosyon ni Maguindanao massacre prime suspect Datu Unsay Ampatuan para buksan muli ang pagdinig sa kaso.

Sa desisyon ni Judge Jocelyn Solis-Reyes, kulang umano ng merito ang mosyong inihain ni Unsay.

Gayunman, iginiit ni Cong, Mangudadatu na hindi madali sa kanilang mga nawalan ng mahal sa buhay ang maghintay ng isang dekada para sa hinihingi nilang hustisya.

Pero aniya, hindi sila nawawalan ng pag-asa na papanig sa kanila ang batas at gagabayan sila ng Diyos para manaig ang katotohanan.

Nitong Agosto, inanunsyo ng Department of Justice na ilalabas ang hatol kaugnay ng Ampatuan massacre case bago ang ika sampung anibersaryo nito sa November 23.

Samantala, gaya ng nakagawian, bibisita ang mga kaanak at mga kaibigan ng mga nasawi sa Massacre site para mag-alay ng mga bulaklak, magsindi ng kandila at manalangin.

Inaasahan namang dadalo ang buong pamilya Mangudadatu sa ika-isang dekadang pag-alala sa malagim na trahedya.

 

-0-

 

Drug suspek na myembro Provincial Security Unit ng South Cotabato, patay sa shoot out sa Polomolok, South Cotabato, may-ari ng punerarya patay naman sa pamamaril sa Koronadal City

Kinilala ng Polomolok PNP na pinamumunuan ni Police Lt. Col. Marvin Duadua ang drug suspek na nasawi sa shootout na si Alfredo Polido, 44 anyos may asawa at myembro ng Provincial Security Unit o PSU ng provincial government ng South Cotabato.

Nabatid na ang anti-illegal drug operation laban kay Polido ay isinagawa ng mga personnel ng Polomolok PNP, PDEA 12, Regional Police Drug Enforcement Unit 12 at Regional Intelligence Division ng PNP 12 sa national highway, Barangay Pagalungan, Polomolok, South Cotabato.

Si Polido ay nabaril ng mga pulis nang tangkain niyang paputukan ang operating team. Ito ay matapos matunugan na nagbalatkayong pulis ang napagbentahan umano ng isang pakete ng pinaghihinalaang shabu. Ang drug suspect na si Polido ay dead on arrival sa Polomolok Municipal Hospital dahil sa matinding mga tama ng bala ng baril.

Nakuha sa kanya ang labinlimang pakete ng suspected shabu na nagkakahalaga ng mahigit 11 thousand pesos, mga bala at one thousand pesos bill na ginamit ng mga pulis sa kanilang drug-buy bust operation.

Si Polido ay nasawi isang araw matapos mamatay din sanhi ng pamamaril sa Koronadal City ang isa pang kasapi ng PSU South Cotabato na si Roberto Corneta. Ang pagbaril kay Corneta ay iniimbestigahan pa ng Koronadal PNP.

Kaugnay nito, ipinahayag naman ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. na isolated case ang pagkakapatay sa dalawang mga PSU member.

Samantala patay din ang isa katao matapos pagbabarilin sa Koronadal City pasado ala una kahapon. Kinilala ng mga kaanak nito ang biktima na si John Togonon, nasa 50 anyos, at may ari ng isang punerarya sa Tantangan, South Cotabato.

Ayon sa mga saksi sa krimen, kabibili pa lamang ng biktima ng mga bulaklak mula sa isang flower shop sa Rizal Park ng pagbabarilin ng isa katao.

Ang biktimang si Tugonon ay dead on the spot dahil sa tama ng bala ng baril sa kanyang ulo. Ang gunman ay patakbo namang tumakas matapos ang krimen. Hindi pa batid ng mga pulis kung sino ang suspek at ano ang motibo nito sa pagpatay sa biktima.

 

-0-

 

Pulis at retiradong sundalo arestado dahil umano sa iligal na pagbebenta ng armas sa Tupi, South Cotabato

Isinagawa ng mga pulis ang entrapment operation laban sa kapawa pulis at retiradong sundalo na iligal umanong nagbebenta ng armas sa Barangay Polonuling, Tupi, South Cotabato.

Kinilala ng Tupi PNP na pinamumunuan ni Police Major Andres Sumugat ang inaresto nilang kapwa police na si Staff Sergeant Arnel Dionio, 44 anyos, may asawa, nakatira sa Barangay Poblacion, Alabel, Sarangani Province. Si Dionio ay kasalukuyang nakatalaga sa Police Security Protection Group o PSPG 12 sa General Santos City.

Arestado din ang kasama umano ni Dionio na si Irineo Toribio, 44 anyos, retiradong myembro ng Armed Forces of the Philippines at nakatira sa Barangay New Society, General Santos City.

Nakuha sa kanila ng PNP operating team ang isang Colt Carbine rifle na baril na may limang mga bala at isang bundle ng tig five hundred pesos bill na ginamit sa entrapment operation. Kinumpiska din ng mga pulis ang ginamit umanong kotse ng mga ito na nakaregister sa isang Janice Cadungog ng San Isidro, General Santos City.

Ang dalawang mga suspek ay kakasuhan ng Tupi PNP ng paglabag sa “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.”

 

-0-

 

Tatlo katao arestado sa anti-illegal drug operation ng mga otoridad sa General Santos City

Kinasuhan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang tatlo katao na kanilang naaresto sa General Santos City.

Kinilala ni PDEA 12 Regional Director Naravy Duquiatan ang isa sa mga inarestong drug suspek na si Jemar Pulalon, tricycle driver; 35 anyos. Si Pulalon ay inaresto sa drug buy bust operation ng PDEA at mga personnel ng Gensan Police sa Purok Pandian,Barangay Labangal, Gensan.

Nakuha sa kanya ng mga otoridad ang dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng sampung libong piso at isang libong pisong marked money.

Sa kanilang follow up operation sa Barangay Tambler, nakatakas naman ang supplier umano ni Pulalo ng iligal na droga na si Joey Juario matapos matunugan ang paparating na mga pulis Pero inaresto din ng mga ito ang may ari ng bahay na si Edwin Gacote II at drug personality na si Norsalyn Pulalon, street vendor na nakatira sa Barangay Kawas, Alabel, Sarangani.

Ayon kay Duquiatan, nakuha ng mga otoridad sa mga ito ang labinlimang pakete ng suspected shabu na nagkakahalaga ng mahigit 34 thousand pesos.

 

-0-

 

Poultry production training ng TESDA 12 napagtagumpayan ng 22 mga sumukong myembro ng rebeldeng grupo sa South Cotabato

Nakinabang sa skills training ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA 12 ang dalawamput dalawang mga sumukong myembro ng rebeldeng grupong New Peoples Army sa South Cotabato. Ayon kay TESDA 12 Regional Director Rafael Abrogar II, ang nasabing mga rebel returnees ay nabigyan din ng national certificate o NC II ng ahensya.

Ito ay matapos mapagtagumpayan ang mahigit isang buwang pagsasanay sa poultry production. Ang mga sumukong NPA na nagpakita ng kagalingan sa training ay tumanggap din ng certificate of recognition sa kanilang graduation ceremony. Kaugnay nito ipinahayag sa Radyo Bida ng 36 anyos na si alyas George na malaking tulong para sa kanilang mga dating rebelde ang programa ng TESDA.

Sa pamamaitan nito ayon kay alyas George ay nararamdaman nila ang tulong ng pamahalaan para sa sila makapagbagong buhay. Pinuri din nito ang pamahalaan sa pagdadala ng serbisyo sa mga liblib na lugar. Umapela din si alyas George sa mga dating kasama na sumuko dahil ayon sa kanya ay wala nang dahilan para labanan pa nila ang pamahalaan.

 

-0-

 

DA 12 tuloy pa rin sa pamimigay ng ayuda sa mga biktima ng lindol sa North Cotabato sa tulong ng iba pang regional offices ng ahensya

Tuloy pa rin ang pamamahagi ng relief assistance ng Department of Agriculture sa mga mamamayang sinalanta ng lindol sa North Cotabato.

Ayon kay DA 12 Regional Executive Director Milagros Casis, pinakahuling tinungo ng kanilang team ang dalawang evacuation sites sa Barangay Balabag, Kidapawan City.

Abot naman sa mahigit dalawang daang relief packs ang naipamigay ng DA sa mga bakwit sa nasabing lugar. Laman ng mga relief packs ang tubig,bigas, assorted grocery items, trapal at mga damit.

Ayon kay Casis ang mahigit 150 thousand pesos na ipinambili sa mga ito ay mula sa cash donations ng mga officials at kawani ng DA region 9 na pinamumunuan ni Regional Executive Director Dennis Palabrica. Iba sa mga donasyon ayon kay Casis ay bigay din kanilang mga “Ka-Agri” sa region 12 na ipinagpasalamat naman nito.

 

-0-

 

Abot sa higit 2500 na mga residente ng Simunul, Tawi-tawi ang tumanggap ng tulong mula sa Bangsamoro Government.

Sa pamamagitan ng Project TABANG o Alay sa Bangsamorong nangangailangan ay nabigyan ng ng relief goods, mga gamot at iba pang serbisyo ang mga mamamayan sa bayan bilang bahagi ng paggunita ng Shiek Karimul Makdum day kamakalawa.

Nagsagawa rin ng Psycho social Intervention sa mga kabataan ang Project Tabang sa Simunul.

Ito ay upang matulungan ang mga bata lalo na yung mga sumabak sa matinding kagulahan at kahirapan sa kanilang lugar.

-0-

BARMM holds 1st food security summit

COTABATO CITY — The Bangsomoro Government's Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR) spearheaded the conduct of the first ‘...

NPA fighter yields to NoCot gov

COTABATO CITY  -  North Cotabato Governor Nancy Catamco on Thursday afternoon accepted the surrender of a 54-year-old communist rebel who...

RCSU monitoring security agencies, gun stores in Bangsamoro areas

COTABATO CITY --- Members of the police’s Regional Civil Security Unit-Bangsamoro Autonomous Region have been inspecting randomly since last week...

Friday the 13th highway crash claims 6 lives in Tacurong

TACURONG CITY – Six persons were killed on the spot, including a baby and three children, after a highway mishap involving at least five...

NDBC BIDA BALITA (12.12.19)

NEWSCAST

DECEMBER 12, 2019 (THU)
7:00 AM

HEADLINES:

1. DALAWA KATAO, patay sa...