Social pension ng mga seniors sa Kidapawan, ibibigay next week
KIDAPAWAN CITY - Aasahang sa susunod na linggo ipapamahagi sa mga kwalipikadong senior citizen ang kanilang social pension sa Kidapawan City.
Ayon kay City Social Welfare and Development Officer Lorna Morales, abot sa 36, 900,000 ang inilaang pondo para sa 8,280 na mga matatanda sa lungsod.
Sakop nito ang 1st at 2nd Semester ng taong 2019, habang tuloy naman ang pamimigay ng Social Pension para sa unang anim na buwan ng 2020 sa June 10-13, 2020.
Ang pamamahagi ay sa bawat Barangay na upang hindi na kailangan pang lumabas ang mga matatanda dahil nililimitahan pa ang kanilang paglabas habang umiiral pa ang Modified General Community Quarantine kontra COVID-19.
Samantala, abot naman sa 26, 269 na mga taga Kidapawan City ang nakinabang sa Social Amelioration Program ng DSWD- 12 mula April 18 hanggang May 14, 2020.
Ito ay nanggaling sa apatnapung mga Barangay ng lungsod na tinukoy na mahihirap at nangangailangan ng tulong ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.