Friday Jul, 03 2020 08:44:58 PM

Suspect sa pagpatay kay "Barbie" ng Banga, patay sa police operation sa Isulan

NDBC BALITA • 14:15 PM Thu Dec 5, 2019
834
By: 
ROEL OSANO
The suspect and the victim. (Verified photos from social media sites)

KORO9NADAL CITY - Nabaril umano ng mga otoridad si Richard Nomo Gumilid, 31 years old nang tangkang hagisan ng granada ang mga pulis na nagimbita sa kanya para maimbistigahan madaling araw kahapon sa Isulan, Sultan Kudarat.

Ito ay ayon kay PNP 12 Regional Director Brigadier General Alfred Corpuz.

Si Gumilid ang suspek sa pagpatay sa 16 years old na si Barbie Inocencio sa Banga, South Cotabato. Si Inoncencio ay Grade 10 student ng Notre Dame of Banga.

Sinabi ni Corpuz na si Gumilid ay nabaril ng mga pulis sa tapat mismo ng kanilang bahay sa Barangay Kalawag 1 sa nasabing bayan.

Ayon kay Corpuz, ang suspek na noon ay may dalang granada ay tumanggi umanong sumama sa mga pulis.

Sa kanyang facebook post, pinabulaanan naman ng kapatid ni Gumilid ang tangkang paghahagis nito ng granada sa mga pulis.

Ipinahayag din nito na magkasintahan lamang ang kanyang kuya at hindi ka live-in ng ina ng menor de edad na biktima.

Pero ayon sa tagapagsalita ng PRO 12 na si Police Lieutenant Colonel Lino Capellan, tinutumbok ng imbestigasyon ng mga pulis si Gumilid na pangunahing suspek sa krimen kaya siya pinuntahan sa bahay nito.

Matatandaan na ang biktima na Grade 10 student ay huling nakitang buhay noong December 2.

Unang nakakita sa sinakong bangkay nito sa tulay ng main irrigation canal ang isang concerned citizen sa Purok Bagong, Silang Barangay Punong Grande, Banga noong December 4 ng hapon.

Matatandaan na may naghihintay na P600,000 na pabuya sa makapagtuturo sa susek sa krimen.

Tig dalawang daang piso sa nasabing halaga ay mula kina Banga Mayor Albert Palencia, South Cotabato Second District Representative Ferdinand Hernadez at isang negosyante mula sa Koronadal City.

Dawlah bombing plot in Maguindanao foiled

COTABATO CITY --- Authorities foiled Friday an attempt by a Dawlah Islamiya member to smuggle a home-made bomb from Datu Saudi town to somewhere...

DENR inaugurates 1st marine turtle hatchery in Kalamansig

KALAMANSIG, Sultan Kudarat -  The Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) of Kalamansig inaugurated the town’s first ever...

BARMM parliament appeals for President’s veto power over Anti-Terrorism Bill

COTABATO CITY — The Bangsamoro Transition Authority (BTA) approved on Tuesday, July 02, a resolution appealing to President Rodrigo Duterte to...

"Hot lumbers" seize in Alamada, North Cotabato

MIDSAYAP, North Cotabato - Community Environment and Natural Resources Officer (CENRO) of Midsayap in Cotabato Province Badjury H. Mustapha bared...

Black-winged endangered bird rescued in North Cotabato

RESCUED BLACK-WINGED KITE. The Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) of Matalam secured the safety of a juvenile Black-winged...