T'nalak Festival ng South Cotabato, apektado ng Martial Law

News in Briefs  • Tue Jun 20, 2017 04:26 PM  •  281   0
By Mark Jamillo/DXOM-RADYO BIDA
  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy
KORONADAL CITY - Apektado ng Martial Law ang isasagawang 51st Foundation Anniversary at 18th Tnalak Festival ng South Cotabato.

Ito ay ayon kay South Cotabato Governor Daisy Avance-Fuentes.

Sinabi ni Fuentes sa panayam ng Radyo Bida Koronadal na dahil sa isyung pansiguridad maari ring hindi matuloy ang ilang mga nakasanayang aktibidad sa T’nalak Festival.

Kalakip dito ang T’nalak Strip at Disko sa kalye na dati ay ginagawa sa Alunan Avenue, Koronadal City.

Ipinaliwanag ni Fuentes na dahil open venue ang mga ito, mahirap para sa mga otoridad na i-monitor ang mga papasok na mga mamamayan.

Idinagdag ni Fuentes na maaring hanggang sa alas 12 ng hatinggabi ang lahat ng mga aktibidad kaugnay sa selebrasyon.

Umaasa naman si Fuentes na anumang problema sa pagdiriwang ay maayos sa emergency meeting na kanyang ipapatawag ngayong araw.

Samantala, sinabi din nito na umatras na para sa coverage ng 51st Foundation Anniversary at 19th Tinalak Festival ng South Cotabato sa susunod na buwan ang ilang mga kasapi ng national media.
  • Your Reaction:
  • Bida
  • Kontra Bida
  • Happy
  • Unhappy