1 dead as motorbike sparks after colliding with a cargo truck in SoCot
TUPI, South Cotabato - Patay ang isa katao habang nagtamo naman ng sunog sa katawan ang kasama nito matapos magliyab ang isang motorsiklo makaraang bumangga sa isng cargo truck sa national highway ng bayang ito.
Nangyari ang aksidente pasado alas 12 kaninang tanghali.
Sa panayam ng Radyo Bida, kinilala ni Emil Sumagaysay, ang municipal disaster risk reduction and management officer ng bayan, ang mga biktima na sina Joshua Detailaje, residente ng General Santos City ngunit tubong-Zamboanga del Norte at kasama nitong backrider na isang Coronial.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, pauwi na sina Detailaje at kasama nito sa General Santos City ngunit pagsapit sa bahagi ng Prk. Sta. Lucia, Brgy Kablon, nagkaroon ng collision ang dalawang mga sasakayan.
Matapos bumangga ay nag-spark ang motorsiklo at lumiyab.
Dead on the spot si Detailaje sa pangyayari habang isinugod naman sa bahay-pagamutan ang kasama nito kung saan nagtamo ito ng 2nd degree burns.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Tupi PNP sa pangyayari.