Tuesday Aug, 09 2022 09:19:37 AM

1-year-old na bata patay matapos magulungan ng pick up vehicle sa Koronadal

Local News • 07:15 AM Sat Jun 25, 2022
295
By: 
DXOM-AM Radyo Bida Koronadal

KORONADAL CITY, South Cotabato- Dead on arrival sa South Cotabato Provincial Hospital ang 1 taong gulang na batang babae matapos masangkot sa vehicular crash sa Waling-waling St., Brgy. Zone 4, Koronadal City.

Ayon sa Koronadal PNP, ang nasabing bata ay 1 year old na nakatira sa Barangay GPS nitong lungsod.

Ang paslit na biktima ay nagtamo ng malubhang mga sugat matapos mabangga ng isang pick-up vehicle malapit sa Rizal Park.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na hindi namalayan ng ina na bumili ng mga bulaklak na humiwalay sa kanya ang kanyang anak at pumunta sa daan na katabi lang ng flower shop.

Sa panayam naman ng Radyo Bida kay alyas Tonton, isa sa mga nakakita sa aksidente, tumakbo umano papunta sa daan ang batang babae, ngunit nadapa ito at tiyempong nasagasaan ng Strada pick-up at aksidenteng nagulongan.

Ang driver naman ng sasakyan na nakabangga sa biktima na si Melvin Apenton, 51 years old ng Barangay San Jose, Koronadal ay ikinustodya ng Koronadal PNP.

Ito ay habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa insidente.

Mindanao foreign-assisted business ventures takes off  

  COTABATO CITY --- An aquamarine and agriculture production tie-up between two multinational groups and the government has taken off in just...

No clues on shooting of BARMM HR exec's vehicle

COTABATO CITY --- Investigators are still clueless on who could have repeatedly shot the vehicle here on Saturday night of a government human...

Teachers’ training for Dec. 5 village, youth polls to start soon

MANILA – The Commission on Elections (Comelec) will soon start the training of teachers in connection with the holding of the Barangay and...

MOH turned over new health station in Carmen, North Cotabato

COTABATO CITY— Residents of Barangay Kitulaan in Carmen Cluster, Special Geographic Area (SGA) will now have better access to health care services...

Sox has 25 new COVID cases, BARMM has 18

MAY 25 KATAO ang nagpositibo sa COVID-19 sa Region 12 habang lima lang ang gumaling. Sa 25 bagong kaso, 9 ang mula Gen. Santos City at 9 din ang...