Tuesday Mar, 21 2023 04:40:30 PM

16 BARMM LGUs receive Gawad KALASAG Seal of Excellence Award from OCD, DILG

BANGSAMORO NEWS UPDATES • 09:15 AM Sat Dec 3, 2022
279
By: 
DXMS Radyo bida

COTABATO CITY - Labing apat na mga bayan sa BARMM na may sapat na kahandaan at maagap na pagtugon sa mga sinalanta ng kalamidad ang tumanggap ng Gawad KALASAG Seal of Excellence Award mula sa Department of the Interior and Local Government o DILG.

Ginawa ang 22nd Gawad KALASAG Seal and Special Awards for Excellence kahapon sa Pagana Kutawato Native Restaurant and Convention Hall, Cotabato City.

Mismong si DILG Secretary Benjamin Abalos, Jr. at Office of the Civil Defense o OCD BARMM Regional Director Hamid Bayao ang nag-abot ng parangal sa mga awardees.

Tumanggap ng parangal ang Maguindanao Province, at ang mga bayan nito na kinabibilangan ng Ampatuan, Datu Abdullah Sangki, Guindulungan, Paglat, Parang, South Upi at Sultan sa Barongis.

Ang mga bayan ng Bubong, Piagapo, at Wao sa Lanao del Sur. Ang Basilan, Lamitan at Tuburan sa Basilan Province at ang bayan ng Talipao sa Sulu ay nakatanggap din ng kahalintulad na parangal.

Ang pagkilala ay ibinigay ng DILG sa mga Municipyo na may sapat na kahandaan pagdating sa pagresponde sa mga kalamidad at hindi matatawaran ang kanilang maagap na pagtugon sa mga sinalanta ng bagyong Paeng.

Sinabi sa DXMS ni Secretary Abalos, na dumaan sa masusing evaluation ang mga municipyo bago sila nakatanggap ng parangal.

May panawagan naman si Abalos sa lahat ng mamamayan sa BARMM, kasunod ng pagkasawi ng higit animnapu katao dahil sa bagyong Paeng.

Nabatid na kabilang ang Maguindanao at Basilan Province sa makakatanggap ng parangal sa gagawing National Awardee sa susunod na linggo.

34 loose firearms handed over to military in Basilan

ZAMBOANGA CITY - Lantawan Mayor Nursiya Ismael handed over 34 loose firearms to the military in a ceremonial turn-over held at the 19th Special...

Man with P1,7-M shabu nabbed in Polomolok sting

KORONADAL CITY – Collaborative effort of PRO 12 in intensified campaign against illegal-drugs resulted in the arrest of notorious drug peddler...

Priest mistaken for transporting a "salvaged man"

KIDAPAWAN CITY  – A Catholic priest has claimed that a police officer suspected him of transporting a salvage victim while driving from Digos...

P510K shabu seized in Carmen, North Cotabato, dealer nabbed

KIDAPAWAN CITY – About P510,000 worth of shabu were seized from a High Value Individual (HVI) in Purok 14, Brgy. Poblacion A, Carmen, Cotabato...

Polomolok mayor offers P500K reward for IDs of aide’s attackers

KORONADAL CITY  – Mayor Bernie “Jojo” Palencia of Polomolok, South Cotabato on Monday offered P500,000 reward money for anyone who can provide...