Saturday Jun, 15 2024 07:21:59 PM

2 estudyante mula Kidapawan, patay sa vehicular crash sa Sarangani province

Breaking News • 07:30 AM Mon Jun 10, 2024
297
By: 
DXND Kidapawan
Ang larawan ng Toyota Hi Ace van na bumangga sa nakaparadang cargo truck sa Sarangani. (DXND photo)

KIDAPAWAN CITY - DALAWANG Criminology students ng Central Mindanao Colleges (CMC) ang nasawi sa nangyaring vehicular crash sa Malungon, Sarangani Province kahapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Christian Mark Cordero na taga M'lang at Allen Peniero na taga Carmen, Cotabato.

Nabatid na kasama ng dalawa ang 16 na iba pang collegiate members ng Alpha Phi Omega na fraternity na mula sa ROVER Scouting event sa Gensan.

Pauwi na sila nang mangyari ang aksidente.

Binangga ng sinasakyan nilang van ang nakaparadang wing van sa gilid ng kalsada na huminto rin matapos masiraan.

Hindi pa batid kung may nilagay na early warning device malapit sa wing van.

Sa impormasyon, kahapon pa naka park ang wing van matapos masiraan at may nakalagay naman na warning device.

Patuloy na nagpapagaling ang 14 na iba pang mga sugatan na kasama nila.

Habang patuloy din ang imbestigasyon ng PNP.

May be a black-and-white image of 1 person, cloud and tree

May be a black-and-white image of 1 person

May be an image of 3 people and car

May be an image of 9 people, car and road

2 bata patay nang malunod sa ilog; OVP BARMM, nagbigay ng ayuda at Janazah Kits

COTABATO CITY - TUMAGAL ng halos apat na oras ang paghahanap sa magkapatid na nalunod sa Matampay river, Mother Barangay Poblacion, Cotabato City...

Army collects 18 more high-powered guns in MagSur 

COTABATO CITY --- Residents of Datu Paglas, Maguindanao del Sur surrendered on Thursday to an Army unit 18 high-powered firearms in support of the...

‘Bangsamoro women can lead’—women groups on BARMM 2025 polls

COTABATO CITY — Bangsamoro women representatives from various organizations convened in a forum recently to discuss strategies for strengthening...

Police confiscate P1.6-M smuggled cigarettes in SoCot, MagNorte 

KORONADAL CITY - About P1.630 million worth of smuggled cigarettes believed to be from Indonesia and Malaysia were confiscated during separate law...

Maguindanao Sur village chair killed in gun attack

COTABATO CITY - An incumbent village chairman died on the spot in a gun onslaught in Pagatin village, Datu Salibo town in Maguindanao del Sur around...