2 lalaki pinagbabaril sa Cotabato City, isa patay, isa sugatan
Peace and Order • 16:30 PM Sun Mar 19, 2023
495
By:
DXMS Radyo Bida Cotabato
COTABATO CITY - DEAD ON ARRIVAL sa pagamutan si Abdulazis Butokan alyas Droga, 28-anyos habang nagpapagaling naman sa ospital si Not Tayuan, 19-anyos, kapwa taga Mother Kalanganan nang pagbabarilin sa Sinsuat Avenue, RH 4, Cotabato City pasado alas 4:00 ng madaling araw kanina.
Ayon kay Police Station 2 Commander Major Amil Andungan, habang sakay ang dalawa sa itim na Bajaj 110 na motorsiklo ay bigla itong pinaunlanan ng bala ng mga di pa tukoy na mga suspek.
Narekober ng mga police investigators sa crime scene ang pitong basyo ng caliber 5.56mm at isang basyo ng caliber 9mm.
Inaalam pa ng PNP ang motibo ng pamamaril.