2 slain in police anti-gunrunning ops in Sultan Kudarat
PATAY matapos manlaban sa raiding team ang dalawang mga suspek sa ikinasang entrapment operation ng mga pulis sa National Higway, Brgy. Didtaras, Lambayong, Sultan Kudarat, pasado ala una ng hapon noong Linggo.
Sa panayam ng DXMS Radyo Bida kay Lambayong PNP Chief Major Jethro Doligas, kinilala nito ang mga suspek na sina Abdullaziz Bukakong alyas Sankali Mamasabulod, kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF, na taga Brgy. Kulambog, Sultan sa Borongis, at Alimudin Tayan na kasapi naman ng Moro Islamic Liberation Front o MILF, na taga Purok Guido, Brgy. Darumpua, Sultan sa Borongis, pwang sakop ng Maguindanao del Sur.
Sa report, natunugan ng dalawang mga suspek na isang pulis ang kanilang ka-transaksyon kaya nauwi sa palitan ng putok.
Dala-dala ng dalawang mga suspek ang ibebenta sanang mga sniper rifle na nasa loob ng sako.
Narekober sa kanila ang isang homemade sniper rifle Cal. 50, homemade sniper rifle Cal. 7.62, mga magazines at bala, kabilang na rin ang kanilang ginamit na NMAX motorcycle.
Sinabi ni Doligas na ang dalawa ay sangkot sa pagbebenta ng mga iligal na armas.