Thursday Feb, 22 2024 11:31:01 PM

3 biktima ng pamamaril sa Cotabato City, 2 patay, isa sugatan

Local News • 07:45 AM Thu Feb 9, 2023
611
By: 
DXMS RADYO BIDA

 

PATAY ang isang babae habang sugatan naman ang isa pa, nang pagbabarilin ng mga di pa tukoy na suspek pasado alas tres ng madaling araw kahapon.

Nangyari ang pamamaril sa Boliao 1 Supermarket, Mother Barangay Poblacion, Cotabato City.

Kinilala ni Cotabato City Police Station 1 Commander Major John Vincent Bravo ang nasawi na si Munwarh Jordan Imam alyas Melang, 20-anyos, na taga Purok Masagana, Rosary Heights 10, habang sugatan naman si Cristel Mangubat, 19-anyos na taga Poblacion 3, Cotabato City.

Sa ulat ng PNP, pauwi na sana ang dalawang mga biktima sakay ng tricycle mula sa supermarket nang abangan ng mga suspek at pinagbabaril.

Nabatid na maliban sa dalawang dalagita, ay ligtas naman ang iba pang mga pasaherong sakay sa nasabing tricycle maging ang nagmamaneho nito.

Patuloy pang inaalam ang motibo ng krimen. Samantala, patay naman ang isang Arven Facturan Ponce alyas Bino, 36-anyos na taga Purok Pagkakaisa, Poblacion 2, Cotabato City nang pagbabarilin ng mga suspek alas 6 kagabi.

Ayon sa ulat, nakaupo lamang ang biktima sa harap ng isang sari-sari store sa lugar nang lapitan ng mga suspek at pinagbabaril ng maraming beses.

Apat na ang kaso ng pamamaril sa Cotabato City sa loob lamang ng magkasunod na linggo.

PDEA shuts down drug den in Cotabato City, arrests 4, seizes P170K shabu

COTABATO CITY - Joint elements of PDEA BARMM Drug Enforcement Officers, Police Station 2, Cotabato City Police Office, and PNP Maritime conducted a...

P6.8-M worth shabu seized in another Lanao del Sur PDEA bust

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents confiscated P6.8 million worth of shabu from two dealers who fell in another entrapment operation in Lanao...

BTA backs Cha-Cha moves

COTABATO CITY - The Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliament has expressed support to calls for charter change to resolve...

OPAPRU assures corruption has no place in MILF decommissioning process

MANILA – The Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) assured that it would not tolerate irregularities in...

CIDG agents arrest in North Cotabato 2 men wanted for illegal drugs, murder in BARMM

PIGCAWAYAN, North Cotabato - KAKALABAS pa lamang sa pagamutan ng dalawang mga wanted persons nang arestuhin ng mga tauhan ng Criminal Investigation...