Thursday Feb, 09 2023 09:33:44 PM

3 patay sa banggaan ng pick-up vehicle at "topdown" tricycle sa Polomolok

Local News • 18:45 PM Fri Dec 9, 2022
247
By: 
DXOM-AM Radyo Bida Koronadal

Dead on arrival sa ospital ang 3 katao na nasangkot sa vehicular crash sa Polomolok, South Cotabato noong disyembre 7, 2022.

Kinilala ng Polomolok PNP na pinamumunuan ni Police Lt. Col. Marvin Duadua ang mga biktima na sina Sotera Jordan, 55 anyos; Zieagfad Jan Palaga, at Lilita Jordan, pawang mga nasa hustong gulang at nakatira din sa nasabing bayan.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga pulis na ang mga biktima ay tumilapon sa national highway sa Barangay Sulit, Polomolok.

Ito ay matapos banggain ng pick-up truck ang sinasakyan nilang topdown.

Ang mga biktima ay nagtamo ng malubhang mga sugat na naging sanhi ng kanilang dagliang pagkasawi.

Sugatan din sa insidente at nagpapagaling pa sa ospital ang driver ng topdown na sinakyan ng mga biktima na si Vicente Jordan.

Ang pick-up truck na nakabangga sa mga biktima at driver nitong si Alvin Jay Pangulo, 35 anyos ng Barangay Magsaysay, Polomolok ay ikinustodya ng PNP.

Ito ay habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa naganap na vehicular crash.

2 killed in latest gun attacks in Cotabato City

COTABATO CITY - Two were killed, one of them a woman, while another was hurt in separate gun attacks in busy spots here Wednesday. Col. Querubin...

BARMM building 9 village halls in Cotabato City

  COTABATO CITY  – The Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) has poured a total of PHP31.5 million for the...

NDBC BIDA BAITA (Feb. 9, 2023)

HEADLINES 1   ARMY Special Forces at MILF, muntik magkaputukan sa Maguing, Lanao del Sur; MILF humiling sa Army na ibaba muna ang armas...

3 biktima ng pamamaril sa Cotabato City, 2 patay, isa sugatan

  PATAY ang isang babae habang sugatan naman ang isa pa, nang pagbabarilin ng mga di pa tukoy na suspek pasado alas tres ng madaling araw...

Army Special Forces at MILF, muntikan nang magkaputukan sa Lanao del Sur

COTABATO CITY - MUNTIKAN NANG MAGKASAGUPA ang Philippine Army Special Forces at mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Armed Forces o BIAF, ang armed wing...