3 sugatan sa ambush sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Norte
COTABATO CITY - Nakaligtas sa ambush ang dalawa, kabilang ang isang 2-year-old na bata sa pananambang na ikinasugat ng tatlo.
Kinilala ni Datu Odin Sinsuat municipal police station Maj. Regie Albellera ang mga sugatan na sina Regan Blanan, chief security guard ng Amaya Beach resort asawa nitong si Baby Jane Udas Blanan, 35 years old at Jonimar Minted, 40 anyos.
Ligtas naman sina Lilit Udas, 52 at 2 taong gulang na batang lalaki.
Nangyari ang pamamaril sa bahagi ng Barangay Tapian, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte kaninang pasado alas kwatro ng hapon.
Sa imbestigasyon ng Datu Odin Sinsuat PNP, lumabas na pauwi ng Barangay Kusiong ang mga biktima sakay ng kulay puting mini van nang pagbabarilin ng hindi pa tukoy na mga suspek gamit ang caliber.45 pistol at 5.56 rifle.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad.