4-classroom building sa Pigcawayan, North Cotabato nasunog
Local News • 07:45 AM Sat Apr 8, 2023
499
By:
DXMS RADYO BIDA COTABATO
Apat na classroom ng Pigcawayan Central Elementary School ang nasunog kahapon.
Ayon sa BFP - Pigcawayan posibleng short circuit ang dahilan ng sunog.
Kaagad naman naapula ng mga rumespondeng bombero ang apoy kaya't hindi na ito kumalat pa sa ibang silid-aralan.
Kaninang umaga, binisita ni Pigcawayan town Mayor Juanito Totoy Agustin ang naturang paaralan.
Kinausap din nito ang School Principal ng naturang paaralan na si Generoso Dela Cruz pati na mga guro sa mga posibleng solusyon at tulong na maibibigay ng Lokal na Pamahalaan ng Pigcawayan.