Thursday Sep, 28 2023 02:00:29 AM

71 year old na lola, nasawi nang mahagip ng motorsiklo sa Kidapawan

Local News • 07:45 AM Wed Mar 29, 2023
348
By: 
DXND Radyo Bida Kidapawan
Larawan ni Mercedes Carbonel Ganal

KIDAPAWAN CITY – Nabalot ng pagdadalamhati ang pamilya ng 71-year old na lola sa Kidapawan City matapos masawi dahil nabundol ng motorsiklo sa Barangay Poblacion.

Siya ay nakilalang si Mercedes Carbonel Ganal na residente pa rin ng lungsod.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP traffic Division, na nabundol ng motorsiklo ang senior citizen habang ito ay tumatawid particular sa Padilla Street- Jose Abad Santos.

Napag-alam ring kakababa lang nito sa Tricycle nang siya ay nabundol ng Yamaha Sniper motorycyle dahilan ng kanyang pagkatumba sa sementadong kalsada.

Mabilis na tumakas ang driver na nakilalang si Axyl Jude Morales Sister, waiter at residente ng Barangay Poblacion habang sugatan naman ang kanyang backrider na guro.

Kalaunan, sumuko na rin ang driver at kasalukuyang nasa custodial facility ng PNP na kakaharapin ang kaukulang reklamo.

Nagpapatuloy pa naman ang ginagawang imbestigasyon sa insidente.

Lalaki patay sa pamamaril sa Sultan sa Barongis, Maguindanao Sur

DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang lalaki nang pagbabarilin sa Brgy. Barurao, Sultan Sa Barongis, Maguindanao Del Sur pasado alas 3:00 ng hapon...

Isa pa binaril sa PIkit, ika-5 sa nakalipas na 3 araw

SUGATAN ang isang lalaking bumabiyahe at napadaan lang sa Barangay Takepan, Pikit North Cotbato nitong hapon ng September 27, 2023. Hindi pa...

NDBC BIDA BALITA (Sept. 27, 2023)

HEADLINES 1   PNP-BARMM magtatalaga ng isang libong pulis na magsisilbi bilang electoral board members sa Lanao del Sur matapos...

Reformation center nearing completion in former ASG bastion in Sulu

COTABATO CITY – Former Moro extremists who opted to rejoin the mainstream will soon become productive citizens once they complete skills training...

Sa Surallah, kotse bumangga sa puno, driver na guro, patay

SURALLAH, South Cotabato- Patay ang isang guro sa self-accident sa Prk. Maligaya, Brgy. Dajay, Surallah, South Cotabato alas 6:00 kagabi, Setyembre...