Sunday Mar, 26 2023 01:44:21 AM

Army Special Forces at MILF, muntikan nang magkaputukan sa Lanao del Sur

Mindanao Armed Conflict • 22:30 PM Wed Feb 8, 2023
307
By: 
FERDINANDH CABRERA
Ang gamit ng mga Army Special Forces at ang dialogue para sa pagpapatupad ng ceasefire agreement sa pagitan ng pamahalaan at MILF.

COTABATO CITY - MUNTIKAN NANG MAGKASAGUPA ang Philippine Army Special Forces at mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Armed Forces o BIAF, ang armed wing ng MILF sa Maguing, Lanao del Sur noong Martes ng hapon.

Kinumpirma ito ng Lanao del Sur police office sa pamamagitan ng kanilang spokesperson na si Maj. Alvison Mustapha.

Ayon kay Mustapha, pumasok ang 39 na kasapi ng Army Special Forces Company sa Barangay Dilimbayan, Maguing, Lanao del Sur alas 4 ng hapon noong Martes nang hindi nag-coordinate sa MILF 103rd Base command.

Sinabi ni MILF Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities chair Butch Malang na hindi totoo ang report na dinisarmahan ang mga sundalo.

Pumasok daw kasi ang mga ito sa area ng MILF kayat pinAkausapan sila na ibaba muna ang mga armas habang ginagawa ng Adhoc Joint Action Group ng GPH at MILF ceasefire panel ang dialogue.

Naayos lang ang di pagkakaunawaan bago sumapit ang gabi nitong Mierkules, ayon kay Malang.

Walang nagpaputok sa magkabilang panig.

Ayon sa mga nakasaksi, kung nagkataon, posibleng naulit ang Mamasapano mis-encounter noong 2015.

Mabuti na lang at ito ay maayos at mabilis na naresolba, ayon kay Malang.

Cops uproot P2M worth of marijuana in Bukidnon

COTABATO CITY - Policemen uprooted some P2 million worth of marijuana shrubs in an operation Friday in an upland area in Valencia City in...

2 BIFF members shot dead by companions

COTABATO CITY - Alleged members of the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters killed in an ambush Friday in Maguindanao del Sur two companions...

Socoteco 1 announces 9hours power service interruption for Banga on March 26

Scheduled service interruption on March 26, 2023, Sunday Time 8:00AM-5:00PM (9 hrs.) Affected: BANGA SUBSTATION FEEDER 91: Portion of...

Cotelco PPALMA announces power interruption sked for March 26

Scheduled power interruption: Please be informed that we will be having a scheduled power interruption for the details as mentioned below:...

Part of DOS, Mag Norte to experience 4-hour scheduled power interruption, says Cotabato Light

To all our valued customers, please be informed of the scheduled power interruption affecting customers in Dinaig St., Freedom, DOS, Maguindanao, on...