Saturday Dec, 02 2023 03:29:45 AM

Bagong police cars, ipamimigay ng MILG-BARMM sa PNP sa rehiyon

BANGSAMORO NEWS UPDATES • 16:15 PM Tue Sep 6, 2022
539
By: 
Edwin O. Fernandez

COTABATO CITY - NAKATAKDANG ipamahagi ng Ministry of the Interior and Local Government ng Bangsamoro Region o MILG-BARMM ang dagdag na mga police car para sa police regional office BARMM.

Sinabi ni BARMM Interior Minister Atty. Naguib Sinarimbo na ang mga police patrol cars na ito ay nabili sa ilalim ng pondo ng MILG.

Hindi ito ang unang pagkakataon na ang MILG-BARMM ay nagbigay ng patrol car sa PNP.  Mahigit 30 patrol cars na ang naipamahagi sa ibat ibang panig ng rehiyon.

Aniya, ang pagbibili at pamamahagi ng mga police vehicles ay bahagi ng suportang kaloob ng Bangsamoro government sa PNP upang mapalakas ang kapasidad nito na pangalagaan ang kaayusan at kapayapaan sa rehiyon.

Bukod sa mga patrol cars, ang MILG-BARMM ay nagpapatayo din ng mga 2-storey municipal police stations sa mga bayan sa rehiyon na wala pa nito.

Pinondohan din nito ang pagtatayo ng bagong Regional Headquarters building sa Camp Salipada K. Pendatun, Parang, Maguindanao.

Sa kanyang pagsasalita sa ni Atty. Sinarimbo bilang guest speaker sa sa 121st Police Service Anniversary celebration sa Camp SK Pendatun noong Aug. 30, sinabi nito na handa ang BARMM na magbigay pa ng dagdag suporta sa PRO-BAR.

Tiniyak ni Atty. Sinarimbo kay PRO-BAR Regional Director Brig. Gen. John Guyguyon na handa si BARMM chief Minister Ahod “Kagi Murad” Ebrahim na magbigay pa ng dagdag na infrastructure para sa PNP upang mas lalo nitong mapabuti ang serbisyo sa bawat Bangsamoro.

6 assault rifles, shabu seized from 3 Cotabato City residents

COTABATO CITY - The police seized six M16 assault rifles, assorted ammunition and shabu from three residents here in a raid before dawn Friday....

AboitizPower, Cotabato Light and NDU sign MOA, MOU for collaboration, partnership

COTABATO CITY - Today marks a pivotal moment as AboitizPower Distribution, and Cotabato Light take a giant leap towards empowering dreams through the...

6th ID, JTF Central confiscate 80 FAs in 2 months

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – In a span of two months, the Army-led Joint Task Force Central, headed by Maj. Gen. Alex Rillera, has...

Motorist dead, 9 badly hurt in Digos City highway accident

COTABATO CITY - A motorist died instantly while a driver and eight commuters were seriously hurt in an accident involving a motorcycle, a...

100 children with disabilities in Cotabato City receive essential kits from MSSD

COTABATO CITY — A total of 100 children with disabilities (CWDs) were given essential kits by the Ministry of Social Services and Development (MSSD)...