Sunday Sep, 26 2021 09:32:44 PM

Bakuna gagawing passport? Taga Cotabato City, hinikayat na magpabakuna, now na!

Local News • 08:00 AM Mon Aug 2, 2021
293
By: 
DXMS RADYO BIDA
People queuing at the back of Vilo Elementary School in Cotabato City. No more physical distancing. (Photo by Joel Humabad)

COTABATO CITY -- Nanawagan si Cotabato City Mayor Cynthia Guiani-Sayadi sa lahat mga taga lungsod na magpabakuna na dahil hindi malayong makarating sa lungsod ang mas nakakatakot at mas mabilis makahawa na delta variant ng COVID-19. 

Ginawa ni Mayor Sayadi ang panawagan sa isang FB post kahapon sa harap ng mas mataas na banta ng viral infection.

Hiniling ni Mayor Sayadi sa lahat na magtungo sa limang vaccination hubs sa Cotabato City para magpabakuna sa lalong medaling panahon. Ang mga ito ay sa Cotabato City health office, Notre Dame Village Elementary School, Vilo Elementary School, Lugay Lugay Elementary School at Tamontaka Elementary School Aniya hindi malayong makarating sa lungsod ang COVID-19 delta variant na ngayon ay nakaapekto na sa mahigit 100 katao sa buong bansa.

Sinabi rin ni Mayor Sayadi na abot na sa 40,000 ang nakatanggap na ng 1st dose at 2nd dose at fully vaccinated na mula sa A1 hanggang A2 priority groups.

Umaasa din ang alkalde na bago matapos ang taong kasalukuyan ay makakamit na ng lungsod ang herd immunity. 

Wala namang kautusan ang city govenrment na gagamitin bilang passport ang bakuna card at ang pagpapatupad ng no-bakuna-no entry policy. 

Walang ganong kautusan ang city IATF. Pero, siksikan ngayon sa mga vaccination hub matapos na kumalat ang tsismis na hindi makakapasok sa mall o botika o pampublikong lugar ang walang bakuna.

Kapansin pansin na walang physical distancing sa pila ng mga gustong magpabakuna. Ang mga larawan sa ibaba ay sa likurang bahagi ng Vilo Elementary School. 

Open PhotoOpen Photo

 

Murad names bets UBJP will support; Reelectionist Maguindanao gov names DOS mayor as running-mate

COTABATO CITY - The Moro Islamic Liberation Fronts (MILFs) political party, United Bangsamoro Justice Party, has officially endorsed today local...

Peddler killed, P320,000 worth shabu seized in Tawi-Tawi

COTABATO CITY ---- Anti-narcotics agents shot dead a trafficker who refused to yield after selling P320,000 worth of shabu to a team tasked to entrap...

Ambulansya nadisgrasya, sakay na pasyente nasawi sa Maguindanao

COTABATO CITY  - DEAD ON ARRIVAL SA PAGAMUTAN ang isang ginang na lulan ng ambulansya sa nangyaring aksidente sa Barangay Taviran, Datu Odin...

Go assures focus on health needs of Filipinos, frontliners

COTABATO CITY – Senator Christopher Lawrence “Bong” Go has assured the people and health front-liners in Region 12 (Soccsksargen) and the...

2 BIFF bandits, soldier killed in latest Maguindanao hostilities 

CAMP SIONGCO, Maguindanao --- Two members of a local terror group and a soldier were killed in a gunfight Thursday in Shariff Saydona Mustapha town,...