Barangay sa Pigcawayan, Libungan nakaranas ng flashfloods dahil sa malakas na buhos ng ulan nitong Biernes
Local News • 22:30 PM Sat Nov 26, 2022
183
By:
DXMS Radyo Bida Cotabato
Photo Credits: Eugene Arante
Sitwasyon ngayun sa Sitio Campo Uno Barangay Kimarayag, Pigcawayan North Cotabato.
Ilang bahay ang sinira ng flashflood kagabi dahil sa walang humpay na buhos ng ulan na dala ng Inter Tropical Convergence Zone o ITCZ.
May mga bakwit na sa Barangay Anick, Baguer, Hacienda Maria, Balogo, Capayuran, North Manuangan at Poblacion sa Pigcawayan.
Nakakaapekto ang ITCZ sa Mindanao at Palawan.
DAHIL din sa walang humpay na buhos ng ulan umapaw na ang tubig baha sa Nicaan steel bridge sa Libungan North Cotabato.
Ilang residente sa lugar ang lumikas patungo sa mas ligtas na lugar.
Photo Credits: Ryan Kram Arcillas.