BARMM human rights body condemns killing of 3 teens in the hands of Lambayong PNP
Local News • 17:15 PM Sun Dec 4, 2022
391
By:
DXMS Radyo Bida Cotabato
Kinondena ng Bangsamoro Human Rights Commission o BHRC ang brutal na pagpaslang sa tatlong mga binata sa Lambayong, Sultan Kudarat.
Bilang mandato na protektahan at pangalagaan ang karapatan ng bawat Bangsamoro sa loob at labas ng BARMM, nananawagan ang BHRC sa mga kinauukulan na agad magsagawa ng patas na imbestigasyon hinggil sa nangyaring pamamaril.
Tiniyak din ng komisyon na walang nalalabag sa karapatan ng bawat kabataang Bangsamoro kahit paman sa pagpapatupad ng batas.
Nakikiramay ang BHRC sa naulilang pamilya ng tatlong mga nasawi kasabay ng panawagan na mabigyan ito ng hustisya.