Bigas nakaimbak sa barangay hall ng Koronadal, pinigil ng Comelec
NDBC BANTAY HALALAN 2023 • 23:45 PM Sat May 11, 2019
1,011
By:
DXOM-AM
Ang bigas sa barangay hall ng Barangay Carpenter, Koronadal City.
KORONADAL CITY - Agad na umaksyon ang Commission on Election (Comelec), Department of the Interior and Local Government (DILG) at local police sa report ng isang concerned citizen na may mga sako ng bigas na nakaimbak sa Barangay Hall ng Barangay Carpenter Hill.
Ayon kay Atty. Micheal Ignes, Koronadal City election officer, napagkasunduan ng Comelec, DILG at PNP na i-hold na muna ang mga bigas hanggang May 20 para hindi umano magamit sa election sa May 13, 2019.
Sinabi ni Ignes na base sa mga residente na pinapa-utang umano ang mga bigas.
Magkakaroon din ng hiwalay na imbestigasyon sa isyu para malaman kung para saan ang mga bigas.
Maliban sa Barangay Carpenter Hill, ay naka hold din ang mga bigas na nasa Barangay Hall ng Barangay San Isidro.