Thursday Dec, 07 2023 02:05:51 PM

CAFGU member, patay sa pamamaril sa Datu Odin Sinsuat

Local News • 08:30 AM Sat Nov 18, 2023
201
By: 
DXMS with reports from John Unson

NAISUGOD pa sa pagamutan pero makalipas ang ilang oras ay binawian ng buhay ang isang kasapi ng CAA o CAFGU Active Auxiliary matapos pagbabarilin mag-a-alas otso kagabi sa Barangay Semba, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Kinilala ang biktima na si Bong Gampong, 46 years old, nadestino sa CAA Delta Company ng 6ID, at residente mismo ng Barangay Semba.

Sa imbestigasyon ng Datu Odin Sinsuat PNP sa pangunguna ni Lt. Colonel Esmael Madin, minamaneho ng biktima ang kaniyang motorsiklo nang pagsapit sa Sarilikha National High School ay bigla itong pinagbabaril ng hindi tukoy na salarin.

Agad namang nag responde ang Datu Odin Sinsuat PNP kasama ang 2nd Manuever Platoon ng PMFC ngunit naisugod na sa hospital ng concerned citizen ang biktima.

Narekober sa crime scene ang tatlong piraso ng basyo ng bala ng caliber 40 pistol.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng PNP sa naganap na krimen.

Tedurays oppose mining activities in Upi, South Upi

SOUTH UPI, Maguindanao del Sur – Around 500 Lambangian, Teduray Indigenous peoples, and migrant settlers expressed their opposition to the first...

BARMM turned over MILG building in Pigcawayan and Midsayap SGA clusters

The new Ministry of the Interior and Local Government Field Office opened on December 4, 2023, at Brgy Datu Binasing, Pigcawayan Cluster of the BARMM...

PNP tags 2 Daulah Islamiyah members as suspects in MSU bombing

MANILA – The Philippine National Police (PNP) on Wednesday identified the two persons of interest (POI) allegedly linked to the Dec. 3 bombing...

SK gov offers P1-M for arrest of MSU bombers

KORONADAL CITY  – A P1 million reward will be given for any information on the identification, whereabouts, and eventual arrest of persons...

3 face illegal possession of 6 rifles, narcotics raps

COTABATO CITY -  The Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region confirmed on Tuesday that the three residents of this city captured...