Cotabato City elected officials, naproklama na
PORMAL nang naproklama ng COMELEC bilang bagong alkalde ng Cotabato City si Mayor-elect Bruce Dela Cruz Matabalao kagabi.
Naiproklama na rin bilang Vice Mayor-elect si Butch Abu.
Alas 9:30 ngayong umaga ay naproklama na din ang mga councilors-elect na sina Florante Formento (UBJP), Hunyn Abu (UBJP), Maroup Pasawiran (UBJP), Jay Jay Guiani (Team Guiani), Abdulrakim Usman (UBJP), Guiadzuri Midtimbang (UBJP), Kusin Taha (UBJP), Henjie Ali (UBJP), Dr. Danda Juanday (Team Guiani) at Abdilla Lim (Team Guiani)
Pinasalamatan nina Matabalao at Abu ang lahat ng bumuto sa kanila, pati na hindi bumuto at nanawagan ng pagkakaisa matapos ang eleksyon.
Bago ang proclamation, sinabi ni UBJP secretary general Atty. Naguib Sinarimbo na nagtungo siya sa Cotabato City plaza upang magsalita sa harap ng mga taga suporta ng partido na naghahangad ng pagbabago sa lungsod.
Tiniyak ni Sinarimbo na patuloy na isusulong ng partido ang moral governance at mangunguna dito sina Mayor elect Matabalao at Vice Mayor elect Abu.