Cotabato City village chair slain in gun attack
Local News • 16:15 PM Thu Jun 10, 2021
1
By:
DXMS RADYO BIDA
COTABATO CITY - Agad na binawian ng buhay si Brgy. Chairman Danny Darping ng Barangay Kalanganan 1, Cotabato City matapos pagbabarilin ng mga di nakilalang suspek kaninang umaga sa Barangay RH-8.
Sa inisyal na ulat, nasa isang carwash sa lugar ang biktima ng lapitan at pagbabarilin umano ito ng dalawang di nakilalang lalaki.
Dinala ng kanyang mga kaanak ang labi ng kapitan sa Matanog, Maguindanao.
Patuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa pangyayari.