Cotabato trench, apektado ng lindol sa Sarangani
BAGAMAT SINABI ito ni PHIVOLCS Cotabato Head Engr. Rainier Amilbahar, posibleng ang malakas na lindol na naranasan kahapon sa Davao Occidental at mga kalapit na lugar ay ang inaasahan na 'the big one'.
Ang Davao Occidental kasi ay nasa dulong bahagi ng Mindanao na sakop din ng Cotabato trench.
"Ang magnitude 7.2 na lindol ay malakas na po yun, sana hanggang dun lang iyon."
Pero, sinabi rin nito na huwag pakampante dahil ang lindol ay unpredictable, ibig sabihin, walang sinumang makapagsasabi kung kailan ito mararanasan.
Matatandaang noong 1976 huling gumalaw ang Cotabato trench na nagresulta ng Magnitude 8.0 na lindol sa Moro Gulf na ikinasawi ng 8,000 katao.
Ayon sa PHIVOLCS, gumagalaw muli ang trench pagkatapos ng 30 taon.
Samantala, narito naman ang paalala ni Engr. Amilbahar sa publiko upang makapaghanda sa posibleng paglindol.
"Ang paghahanda po ay dapat mauna hindi yung paghahandaan natin yung kung may mangyayari na."