Crime against life rate sa Cotabato City, bumaba, pero kaso ng nakawan tumaas.
COTABATO CITY - DAHIL SA mas pinalakas na police visibility program sa Cotabato City, bumaba ang crime rate sa lungsod kumpara noong 2021.
Ito ang sinabi ni City Vice Mayor Butch Abu sa panayam ng DXMS kasunod ng ginawang City Peace and Order Council at City Anti-Drug Council meeting na pinangunahan ni Mayor Mohammad Bruce Matabalao.
Tinalakay sa pulong ang mga isyung may kaugnayan sa kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayan sa lungsod.
Sa kabuuan, generally peaceful ang naging assessment ng mga otoridad sa Cotabato City. Gayunman, lumabas sa CCPOC report na ang bilang ng kaso ng pagnanakaw ay tumaas.
Nananawagan din si Abu sa lahat ng mamamayan sa lungsod na magka-isa at supportahan ang programa ng bagong administrasyon para sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng Cotabato City.