Sunday Jun, 13 2021 01:10:14 AM

Damaged crops sa Tulunan, North Cotabato, abot na P183-M

AGRICULTURE • 09:30 AM Tue Feb 23, 2021
447
By: 
NDBC NCA DXND

TULUNAN, North Cotabato - Tumaas pa sa P183, 914, 287.00 pesos ang kabuuang pinsala sa sektor ng agrikultura sa Tulunan, North Cotabato batay sa pinakahuling damage assessment report ng Municipal Agriculture Office o MAO ng bayan.

Sa ulat ng MAO, P183,501,050-million ang pinsala sa mga palayan, P286, 380 pesos sa mga maisan at P126, 857 sa ang pinsala sa mga banana plantation.

Nabatid na nasa labinlimang mga barangay sa bayan ang lubhang apektado ang palayan dahil sa tumamang malalakas na pag-ulan, siyam na mga barangay ang may taniman ng saging ang apektado habang isang barangay ang may pinsala sa taniman ng mga mais.

Sa pinakahuling damage report din ng MAO, nasa 1,616 na mga magsasaka sa bayan ang apektado.

Kaugnay nito, nakatakdang magpulong ngayong araw ang Local Disaster Risk Reduction and Management Council o LDRRMC upang irekomenda ang pagdedeklara ng state of calamity sa Sangguniang Bayan upang maipasa sa kanilang session sa darating na Huebes.

Basehan ng pagdedeklara ng state of calamity ay ang 30% damage sa kabuuang ektarya ng mga produktong pang agrikultura sa bayan.

Sa ngayon kasi, higit apatnapong porsyento ng mga palayan, maisan at sagingan sa bayan ang apektado matapos manalasa ang malakas na hangin.

COVID 19 UPDATE: Region 12 records 340 healed, 244 new infections

COTABATO CITY - Regional COVID-19 tracker as of June 12, 2021 (6:00pm) TWO-HUNDRED-FORTY-FOUR (244) NEW CONFIRMED CASES THREE-HUNDRED-FORTY (...

Thousands displaced by flashfloods in South Cotabato

KORONADAL CITY --- More than 2,000 villagers got displaced by flashfloods that swept through low-lying barangays in South Cotabato province...

With NoCot mayor "missing," vice mayor assumes post

KIDAPAWAN CITY - Opisyal ng umupo si Vice Mayor Rogelio Marañon bilang acting mayor ng Magpet matapos tatlong araw na hindi sumipot sa kanyang...

BARMM chief Minister Ebrahim: Bangsamoro honors sacrifices of Filipino heroes

COTABATO CITY  – The leadership of the Bangsamoro Region in Muslim Mindanao (BARMM) today expressed optimism the Filipino people can survive and...

Mlang Mayor Abonado, isinugod sa ospital, nasa stable ang kalagayan

Stable ang condition ni M'lang Mayor Russel Abonado matapos itong isugod sa isang ospital sa M'lang, Cotabato. Sinabi ni M'lang MDRRM Officee...