Estudyante, patay sa pamamaril sa Cotabato City
Local News • 08:15 AM Wed Mar 22, 2023
715
By:
DXMS RADYO BIDA
DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang biktimang si John Carlo Quezon 20 years old makaraang pagbabarilin 8:20 kagabi
Sinabi ni Cotabato City Police Station 1 commander Major John Vincent Bravo inaayos lang ng biktima ang kanilang water vendo machine sa Doña Theresa Street, Poblacion 3, Cotabato City alas 8 ng gabi.
Dumating daw ang mga suspect at binaril ang biktima habang ito ay nakatalikod.
Nakuha sa crime scene ang dalawang basyo ng caliber 9mm pistol.
Inaalam pa ng PNP ang motibo at pagkakakilanlan ng suspek.
Abot na sa 14 katao ang biktima ng pamamaril sa lungsod mula Enero ngayong taon.