Wednesday Apr, 24 2024 09:33:51 PM

Estudyante, patay sa pamamaril sa M'lang, North Cotabato kagabi

Local News • 10:45 AM Thu Oct 22, 2020
1
By: 
DXND-NDBC
Ang biktima. (DXND photo)

MLANG, North Cotabato - Patay ang 21 anyos na lalaking kumakain lang matapos pagbabarilin sa Magsaysay Avenue, Barangay Poblacion M'lang alas 8:00 kagabi.

Kinilala ang biktima na si Aldrin Mendigoria Tangonan Jr. na residente ng Barangay Osias, Kabacan, Cotabato.

Sa report, kumakain lang ang biktima kasama ang kaibigan nito nang lapitan ng suspek na kinilalang si Jerson Dulana Papna, 42 anyos, isang laborer at residente ng Bialong, Mlang.

Dito ay unang sinuntok ng suspek ang biktima bago nito binaril na tinamaan sa noo.

Unang dinala sa isang ospital sa M'lang si Tangonan pero agad itong inilipat sa Kidapawan City at sinubukan pang itakbo sa Davao City pero hindi na ito umabot ng buhay.

Ang suspek naman na si Papna ay agad na tumakas papuntang barangay Sangat M'lang na ngayon ay patuloy pang tinutugis ng PNP.

Umapela rin ang PNP sa sinumang may alam kung saan maaring nagtatago ang suspect na makipagtulungan sa pamahalaan at sa mga otoridad.

 

Cotabato Light announces power interruption for April 30

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company announced the scheduled power interruption affecting some parts of Barangay Macaguiling, Sultan...

Over P65-M shabu destroyed in Sulu: PDEA

COTABATO CITY - The Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office (PDEA-BARMM) destroyed more than 11 kilos of dangerous drugs with a...

DENR-12, partners kick off tree planting efforts in Sarangani tree park

KIAMBA, Sarangani Province – A total of 300 native tree seedlings were planted on Monday, April 22, by the DENR Community Environment and Natural...

Army gets 5-hectare land for new Basilan camp

COTABATO CITY - The Lamitan City government on Tuesday donated to the Philippine Army a five-hectare land for a camp as part of its security and...

Sultan Kudarat to host Miss Universe Philippines national costume competition

The NATIONAL COSTUME COMPETITION of Miss Universe Philippines 2024 will be happening in the majestic land of Sultan Kudarat! Get ready for that and...