Explosion naganap sa Pikit, North Cotabato
ISANG pagsabog ang natala sa Sitio Pogpog Brgy., Poblacion, Pikit, Cotabato bandang alas 10:20 kagabi, November 27, 2022.
Ayon sa mga residente, mahimbing na silang natutulog ng mga oras na iyon nang biglang may narinig silang malakas na pagsabog.
Agad naman nilang naireport ito sa awtoridad.
Walang nasugatan sa insidente at hanggang sa ngayon hindi pa tukoy ang mga may kagagawan sa pagpapasabog.
Nakita naman ng ilang witness ang pagtakas ng mga suspek kaya agad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang alert team.
Narekober sa naturang operasyon ang 1 unit ng black honda TMX motorcycle na umano'y ginamit ng mga suspect na getaway vehicle.
Sinabi ni Pikit won police chzeif Lt. Colonel John Miridel Calinga, nagpapatuloy pa amng kanilang imbestigasyon.