Govt traffic enforcer in Maguindanao falls in anti-drug op
ANG NAARESTONG suspected drug peddler ay nakilalang si Loben Agpalo, 34 na taong gulang at miembro ng Traffic Management Unit ng LGU Northern Kabuntalan, Maguindanao.
Naglunsad ng drug buy bust operation ang pinagsamang pwersa ng PDEA-Maguindanao, PNP, Highway Patrol Group at NBI BARMM Barangay Gayonga, Northern Kabuntalan, kahapon matapos makumpirma na si Agpalo ay nagbebenta ng shabu.
Sinabi ni PDEA BARMM regional director Rogelito Daculla na isang buwan ding isinailalim sa surveillance ang suspek bago tuluyang nadakip matapos magbenta ng shabu sa mga non-uniformed police officer.
Nakuha sa kanya ang apat na sachets ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng higit P40,000.
Nakakulong na ngayon si Agpalo sa PDEA BARMM custodial facility at inihahanda ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa kanya.