Highway crash: Montero vs. passenger van sa Tantangan, South Cotabato
KORONADAL CITY - Tinatayang may walo hanggang 10 katao ang nasaktan matapos na magsalpukan ang isnag Mitsubishi Montero at pampasaherong van sa Sitio Luayan, Barangay Dumadalig, Tantangan, South Coabato ngayong hapon.
Sa flash report ni Karl Mike "Kim" Tabingo, lumalabas na sangkot sa aksidente ang Montero na nakahagip pa ng triclce bago sumalpok sa kasalubong na pampasaherong Toyota Hi-Ace van (LAB-6112) na patungong Koronadal. Ang Montero (AHA-8629) ay patungong Tcurong City.
Ang mga sugatan ay dinala sa ibat ibang opsital sa Koronadal City at sa Tantangan, South Cotabato. Nasa seryosong kalagayan ang driver ng Montero na hindi kinilala sa report.
Nagpapatuloy pa ang imbestigayon.
Samantala, kita rin sa CCTV footage ang salpukan ng dalawang sasakyan mula sa CCTV camera ng isang tindahan.