Saturday Apr, 20 2024 08:27:50 PM

HIGIT 50 mga bata sa Bangsa, SoCot, may foot and mouth disease

HEALTH • 07:45 AM Mon Jan 30, 2023
920
By: 
DXOM-AM RADYO BIDA

KORONADAL CITY - NAPIGILAN NA ng lokal na pamahalaan ang pagkalat ng hand, foot, and mouth disease o HFMD sa Banga, South Cotabato.

Sinabi ito sa Radyo Bida ni Banga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Joseph Franco.

Ayon kay Franco, apektado ng HFMD ang 15 sa 22 mga barangay sa Banga.

Binigyang diin nito na para mapigilan ang pagkalat ng nasabing sakit, nagsasagawa ng disinfection ang MDRRMO sa mga eskwelahan.

Paliwanag ni Franco ang 51 mga nagkasakit kasi ng HFMD sa banga ay mga nasa isa hanggang sampung taong gulang na karamihan ay mga elementary pupils.

Ayon kay Franco namimigay na rin ng hygiene kit sa mga bata ang integrated provincial health office o IPHO South.

Sinabi ni Franco na natuklasan nila ang HFMD cases matapos ireport ng mga private hospital sa Municipal health office ng Banga ang kanilang mga pasyente nagkasakit nito.

Hindi masabi ni Franco saan nagsimula ang sakit na ito.

New airline to fly across BARMM

COTABATO CITY — Bangsamoro Airways, a pioneering airline based in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), will begin flying...

PBBM to PNPA grads: Maximize technology to fight crime, serve

SILANG, CAVITE – President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday called on the new graduates of the Philippine National Police Academy (PNPA) to...

Picong ambush suspect falls during hot pursuit operation

PICONG, Lanao del Sur - After a thorough investigation and follow-up operation, operatives were able to identify the seven individuals involved in...

NDBC BIDA BALITA (April 19, 2024)

  HEADLINES 1   BABAE patay sa ambush sa Maguindanao del Sur; Pulis naman sugatan sa ambush sa Lanao del Sur 2  ...