Hotel sa Koronadal nasunog, higit P1-M na damage
Local News • 16:45 PM Thu Jul 14, 2022
847
By:
DXOM Radyo Bida Koronadal
KORONADAL CITY - Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection-Koronadal kaugnay sa nangyaring sunog sa Prk. Ramos, Brgy. Sta. Cruz nitong lungsod.
Ayon kay SFO1 Alexander Alinsugay sa panayam ng Radyo Bida, nangyari ang sunog sa Elm Vine Hotel bandang alas 8:20 ng umaga kung saan idineklara itong fireout alas 8:50 ng umaga.
Ang nasabing hotel ay pagmamay-ari ni Erlinda Mcpherson, habang binabantayan naman ito ng receptionist na si Rosemarie Villan nang mangyari ang insidente.
Inihayag ni SFO1 Alinsugay na kasalukuyan pa nilang inaalam ang pinagmulan ng sunog ng naturang hotel.
Batay sa pagtaya, umaabot umano sa P800,000 ang pinsala ng sunog.