Isa pa binaril sa PIkit, ika-5 sa nakalipas na 3 araw
Local News • 15:15 PM Wed Sep 27, 2023
458
By:
DXMS
SUGATAN ang isang lalaking bumabiyahe at napadaan lang sa Barangay Takepan, Pikit North Cotbato nitong hapon ng September 27, 2023.
Hindi pa nakikilala ang nasabing indibidwal dahil wala itong dalang mga katibayan ng kaniyang pagkakakilanlan.
Agad naman itong tinulungan ng mga residente at ng Philippine Army na maisugod sa ospital at kasalukuyan nang nagpapagaling.
Nanawagan ngayon ang mga awtoridad sa kaanak ng nasabing biktima na makipagugnayan sa kanila.
Ito na ang ika-limang kaso ng pamamaril sa bayan sa loob lang ng tatlong araw.