Friday Dec, 08 2023 12:42:55 AM

Islamic preacher, nasawi sa car accident sa Buluan, Maguindanao Sur

Local News • 08:30 AM Mon Sep 25, 2023
361
By: 
DXMS Radyo Bida
Photo courtesy of PNP Buluan

DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang Imam o Muslim Religious preacher nang aksidenteng mabangga ng silver Toyota Vios sa harap ng New market, National Highway, Barangay Poblacion, Buluan, Maguindanao Del Sur, magtatanghali kahapon.

Kinilala ni Buluan PNP Municipal Executive Senior Police Officer o MESPO Cixon Kasan ang biktima na si Ustadz Norodin Kalipapa, Imam ng Masjid Datu Samad Mangelen at residente ng nabanggit na bayan.

Habang kinilala naman ang driver ng kotse na si Maria Teresa Sustiger na taga Davao City.

Ayon kay Kasan, parehong nasa iisang lane sina Sustiger at Kalipapa sakay ng kanyang motorsiklo at paliko na sana nang maabutan ito ng Toyota Vios at aksidenteng nabundol.

Dahil dito nagtamo ng malubhang sugat si Kalipapa.

Agad itong dinala sa ospital ngunit agad ding binawian ng buhay.

Sinabi ni Kasan na idinaan na lamang sa amicable settlement ang insidente dahil hindi naman aniya sinadya ang pagkabangga.

MP Dumama-Alba is new MILG-BARMM minister replacing lawyer Sinarimbo

COTABATO CITY – A member of parliament of the Bangsamoro Transition Authority (BTA) today assumed as the new minister of the Ministry of the Interior...

Tedurays oppose mining activities in Upi, South Upi

SOUTH UPI, Maguindanao del Sur – Around 500 Lambangian, Teduray Indigenous peoples, and migrant settlers expressed their opposition to the first...

BARMM turned over MILG building in Pigcawayan and Midsayap SGA clusters

The new Ministry of the Interior and Local Government Field Office opened on December 4, 2023, at Brgy Datu Binasing, Pigcawayan Cluster of the BARMM...

PNP tags 2 Dawlah Islamiyah members as suspects in MSU bombing

MANILA – The Philippine National Police (PNP) on Wednesday identified the two persons of interest (POI) allegedly linked to the Dec. 3 bombing...

SK gov offers P1-M for arrest of MSU bombers

KORONADAL CITY  – A P1 million reward will be given for any information on the identification, whereabouts, and eventual arrest of persons...