Thursday Jun, 08 2023 04:12:05 PM

Isuzu Crosswind vs. Forward truck sa Isulan, dalawa malubhang nasugatan

Local News • 17:30 PM Mon Mar 27, 2023
234
By: 
DXOM-RADYO BIDA KORONADAL
Photos courtesy of Pogz Moto Vlog

ISULAN, Sultan Kudarat - Sugatan ang dalawa katao sa nangyaring banggaan ng Crosswind at Forward truck sa national highway ng Brgy. Bambad, Isulan, Sultan Kudarat kaninang alas 6 ng umaga.

Kinilala ang driver ng Crosswind na si Jeffrey Jalbona, 28 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Poblacion, President Quirino, Sultan Kudarat at kasama nitong si Jocine Luna, 25, na taga Norala, South Cotabato.

Sa panayam ng Radyo BIDA kay Police Chief Master Sergeant Larry Ducasi, hepe ng Isulan PNP Traffic, sinabi nito na mabilis umano ang takbo ng Crosswind papunta sa bayan ng Isulan habang papunta sa trabaho ang mga biktima.

Nag-overtake si Jalbona sa isang tricycle ngunit nawalan ng kontrol at nagpaikot-ikot kaya sumalpok sa kasalubong na forward truck na minamaneho ni Rene Camacho ng Brgy. Poblacion, Esperanza, Sultan Kudarat.

Dahil sa lakas ng impact ay tumilapon pa si Luna sa daan at nagtamo ng mga malalang sugat sa katawan.

Kaagad isinugod sa Sultan Kudarat Provincial Hospital ang mga biktima at patuloy na nagpapagaling.

Panawagan naman ni Ducasi sa mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho lalo na sa national highway upang hindi magresulta sa disgrasya.

May be an image of 3 people, people standing, car and outdoors

May be an image of car and outdoors

 

 

Comelec: No more extensions of SOCE filing deadline

MANILA — The Commission on Elections (Comelec) on Wednesday said it will no longer grant extensions on the deadline for the filing of statements...

BARMM governors launch `caucus' as peace, development platform

COTABATO CITY --- Five of the six provincial governors in the Bangsamoro region have agreed to work together for peace and sustainable development...

2 Abu Sayyaf dead in Basilan clash

COTABATO CITY - Soldiers shot dead two members of the Abu Sayyaf in a brief clash in a secluded barangay in Sumisip town in Basilan Tuesday....

Butch Galicia, ex-PNA regional bureau chief writes 30

MANILA – Roberto "Butch" Galicia, former chief of the Philippine News Agency (PNA) regional bureau based in Cotabato City, died in Scarborough,...

Ex-Sultan Kudarat governor named TESDA chief

MANILA – President Ferdinand R. Marcos Jr. has appointed former Sultan Kudarat governor Suharto Mangudadatu as Director General of the Technical...