Thursday Dec, 07 2023 06:11:20 PM

Kasamahan ng babaeng minor na nalunod sa T'boli, South Cotabato, kinasuhan ng PNP

Local News • 11:45 AM Wed Sep 20, 2023
371
By: 
DXOM Koronadal

KORONADAL CITY - Kasalukuyang nananatili sa kustodiya ng T'boli PNP ang dalawang kasama ng menor de edad na nalunod noong nakaraang linggo.

Ayon kay Lt. Col. Virlen Pampolina, hepe ng T'boli PNP, na nahaharap sa mga kasong Abandonment of Person in Danger at Reckless Imprudence Resulting to Homicide ang 25 anyos at 21 anyos na mga kasama ni alyas Mylene, matapos umano itong mahulog sa hanging bridge sa Brgy. New Dumangas.

Papunta sana ang mga ito sa Brgy. Halilan upang dumalo sa discohan noong Setyembre 15 ng gabi nang nawalan umano ng kontrol ang motorsiklo na kanilang sinasakyan at nahulog sa tulay ang 15 anyos na dalagita.

Dagdag ni Pampolina na batay sa salaysay ng mga kasama ng biktima, dalawang oras umano nilang hinanap si Mylene gamit ang flashlight ng kanilang mga cellphone ngunit nabigo ang mga ito.

Natagpuan na lamang kinaumagahan ang bangkay ng dalagita sa Alah River, mga isang kilometro ang layo mula sa tulay.

MP Dumama-Alba is new MILG-BARMM minister replacing lawyer Sinarimbo

COTABATO CITY – A member of parliament of the Bangsamoro Transition Authority (BTA) today assumed as the new minister of the Ministry of the Interior...

Tedurays oppose mining activities in Upi, South Upi

SOUTH UPI, Maguindanao del Sur – Around 500 Lambangian, Teduray Indigenous peoples, and migrant settlers expressed their opposition to the first...

BARMM turned over MILG building in Pigcawayan and Midsayap SGA clusters

The new Ministry of the Interior and Local Government Field Office opened on December 4, 2023, at Brgy Datu Binasing, Pigcawayan Cluster of the BARMM...

PNP tags 2 Dawlah Islamiyah members as suspects in MSU bombing

MANILA – The Philippine National Police (PNP) on Wednesday identified the two persons of interest (POI) allegedly linked to the Dec. 3 bombing...

SK gov offers P1-M for arrest of MSU bombers

KORONADAL CITY  – A P1 million reward will be given for any information on the identification, whereabouts, and eventual arrest of persons...