Tuesday Aug, 09 2022 09:38:00 AM

Lalaking suspect sa pagpatay sa isang 13-year-old sa Banisilan, nakatakdang kasuhan

Local News • 16:30 PM Mon Jun 27, 2022
141
By: 
DXMS Radyo Bida Cotabato

BANISILAN, North Cotabato – INIHAHANDA na ng PNP ang pagsasampa ng kaso laban sa 20 taong gulang na lalaking suspect sa pagpatay sa isang 13 taong gulang na bata sa Barangay Putting bato.

Sinabi ni Banisilan police chief Major Elmier Parreño na isasampa ang kaso laban sa suspect nakinilala sa pangalang Renier Usman na taga Barangay Kadingilan, Wao, Lanao del Sur.

Biernes ng gabi ay dumalo sa isang birthday party si Mary at naglakad pauwi kasama ng kapatid at isa pang kamag-anak. 

Dumaan ang suspect na sakay ng motor at niyaya ang bata na sumakay.

Pero, hindi na ito nakauwi ng bahay at hinanap ng kapatid kasama ang kapamilya pero di nila nakita.

Maging ang suspect ay missing din sa barangay.

Sabado na nang madaling araw nang matagpuan ang bangkay ng batang babae sa isang bakanteng lote sa Barangay Puting Bato.

Ayon sa PNP, posibleng ginahasa muna ang bata bago pinatay.  Ito ay may sugat sa kanyang ulo.

Sa pinangyarihan, naiwan pa ng suspek ang kanyang ginamit na motorsiklo.

Nang maaresto si Usman, may dugo pa ito sa kanyang paa na pinaniniwalaang dugo ng biktima.

Inaalam ng PNP kung sangkot sa illegal drugs ang suspect.

 

Mindanao foreign-assisted business ventures takes off  

  COTABATO CITY --- An aquamarine and agriculture production tie-up between two multinational groups and the government has taken off in just...

No clues on shooting of BARMM HR exec's vehicle

COTABATO CITY --- Investigators are still clueless on who could have repeatedly shot the vehicle here on Saturday night of a government human...

Teachers’ training for Dec. 5 village, youth polls to start soon

MANILA – The Commission on Elections (Comelec) will soon start the training of teachers in connection with the holding of the Barangay and...

MOH turned over new health station in Carmen, North Cotabato

COTABATO CITY— Residents of Barangay Kitulaan in Carmen Cluster, Special Geographic Area (SGA) will now have better access to health care services...

Sox has 25 new COVID cases, BARMM has 18

MAY 25 KATAO ang nagpositibo sa COVID-19 sa Region 12 habang lima lang ang gumaling. Sa 25 bagong kaso, 9 ang mula Gen. Santos City at 9 din ang...