Lanao Sur Barangay Kagawad at kasama, huli sa anti-drug operation; P3.4-M shabu nakumpiska
Local News • 19:00 PM Fri Jul 30, 2021
515
By:
RUFFA MOKALID/DXMS Radyo Bida Cotabato
SULTAN MASTURA, Maguindanao - ARESTADO ang dalawa katao sa isinagawang buy bust operation ng Sultan Mastura PNP at PDEA Maguindanao sa pangunguna ni Provincial Officer Anthony Naive sa Barangay Tambo, Sultan Mastura, Maguindanao pasado alas dos ngayong hapon.
Kinilala Director Naive ang mga nahuli na sina Alinor Taurac at Ibra Farhan, incumbent Barangay Kagawad of Barangay Guinaopan, Tamparan, Lanao del Sur.
Ayon kay Naive, sa Barangay Tambo, Sultan Mastura nangyari ang transaction sa pagitan ng mga suspek at mga otoridad.
Nagtangka pa sanang tumakas ang mga suspek gamit ang kanilang Toyota Revo (WHF 481) ngunit na-korner na ito ng nga otoridad.
Nakuha sa kanila ang kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 million pesos.