Tuesday Mar, 28 2023 05:14:48 AM

Magkapatid pinagbabaril sa Tupi, 1 patay, 1 sugatan, IED components na-recover

Peace and Order • 08:15 AM Thu Jan 5, 2023
402
By: 
DXOM Radyo Bida Koronadal

TUPIM, South Cotabato - Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng kapulisan matapos ang nangyaring pamamaril malapit sa barangay hall ng Barangay Palian pasado alas 2 kahapon.

Sa ulat na natanggap ni South Cotabto police provincial director Colonel Nathaniel Villegas mula sa Tupi PNP, nakilala ang nasawing biktima na si Eman Boris Kalamongi, 21 anyos habang sugatan ang kapatid nitong si Jayvee, 24 anyos kapwa may asawa at mga residente ng Lote, Sitio Abdul, Barangay Palian.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, pinagbabaril umano ng pinaniniwalaang riding-tandem suspects ang mga biktima na naghihintay sa waiting shed.

Dead on the spot si Boris dahil sa maraming tama ng bala sa katawan, habang nakahingi pa ng tulong si Jayvee na kaagad isinugod sa South Cotabato Provincial Hospital.

Nakita rin umano sa sling bag mula kay Eman ang mga component ng pinaniniwalaang ingredients ng improvised explosive devices.

Narekober sa crime scene ang 10 fired cartridge ng kalibre 45 at itim na Sinski 150cc motorcycle na gamit ng mga biktima.

Nabatid na may kinakaharap rin na kasong robbery with homicide si Eman na inisyu noong Nobyembre 18, 2022.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang motibo sa nasabing pamamaril.

Make time for charity work this Holy Week, faithful urged

MANILA – The social action and humanitarian arm of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) urged the faithful to take time to...

Marcos admin committed to fulfilling Bangsamoro peace deal

MANILA – The administration of President Ferdinand R. Marcos Jr. is committed to fulfilling all agreements under the Bangsamoro peace process...

Isuzu Crosswind vs. Forward truck sa Isulan, dalawa malubhang nasugatan

ISULAN, Sultan Kudarat - Sugatan ang dalawa katao sa nangyaring banggaan ng Crosswind at Forward truck sa national highway ng Brgy. Bambad, Isulan,...

AFP: 5 Dawlah Islamiyah killed, bombing plot foiled in North Cotabato, Maguindanao Sur

CAMP SIONGCO, Maguindanao Norte  – Military authorities here have claimed that it foiled bombing plots by Dawlah Islamiyah-Hassan Group members...

Bishop urges South Cotabato gov’t to defend open-pit mining ban

KORONADAL CITY - A Catholic bishop has challenged South Cotabato’s chief executive to defend the province’s ban on open-pit mining after an appeals...