Tuesday Jul, 16 2024 05:36:26 PM

MagSur employees undergo surprise drug test

HEALTH • 17:00 PM Tue Jul 9, 2024
224
By: 
Ruffa Mokalid/DXMS Radyo Bida

COTABATO CITY - BILANG PAGSUPORTA sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga, isinailalim kahapon sa surprise drug testing ang lahat ng mga kawani ng Maguindanao del Sur Provincial Government kabilang na ang Job Orders at Consultants nito.

Isinagawa ito upang mapanatili ang “Drug Free Workplace” na isinusulong ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu.

Mahalaga ang hakbang na ito ayon sa Provincial Government dahil ito ay pagpapakita na dapat maging halimbawa ang mga nanunungkulan sa kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot.

Kung may magpositibo, ipapasa ng IPHO Maguindanao ang mga pangalan sa PDEA-BARMM upang magkaroon ng confirmatory test.

Una nang sinabi ng PDEA-BARMM na isasailalim sa Rehabilitation Program ang sinumang magpositibo sa paggamit ng illicit drugs.

Sa pamamagitan nito, matutuldukan ang problema sa ilegal na droga at mabigyan ng premium rehabilitation ang mga drug users para na rin sa kapakanan ng kani-kanilang mga pamilya.

Batay sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ipinapatupad ang pagkakaroon ng random drug testing sa mga opisyal o empleyado ng mga pampubliko o pribadong opisina.

Maguindanao Sur now under state of calamity due to massive floods 

COTABATO CITY  – The Maguindanao del Sur provincial board approved has approved this afternoon a resolution putting the entire province under...

PRO-12 sends augmentation force for Tnalak in SoCot

GEN. SANTOS CITY - Brig. Gen. Percival Augustus Placer, PRPO-12 regional director, spearheaded on Monday the send-off ceremony of the 106 police...

PDEA-12 agents arrest couple together operating drug den

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P91,800 worth of shabu from a couple operating a drug den in Barangay Cabaruyan in Libungan, North...

Badminton player from Lanao Sur brings gold for BARMM in Palaro 2024

Jamal Rahmat Pandi of Lanao del Sur I has brought honor to the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) by winning another gold medal...

P1.2-M smuggled cigarettes recovered in Tawi-Tawi

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - In a coordinated effort on the night of July 13, 2024, law enforcement units successfully intercepted a...