Maguindanao Sur drug peddler falls in Pigcawayan anti-drug operation
Local News • 08:15 AM Fri Mar 24, 2023
374
By:
DXMS RADYO BIDA
PIGCAWAYAN, North Cotabato - Nagkakahalaga ng P320,000 na shabu ang nakumpiska mula sa isang High Level Individual na si Nonoy Abdullah Manguda, 33-anyos na taga Brgy. Kiladap, Talitay, Maguindanao del Sur matapos ang ginawang operasyon ng PNP kagabi sa Bagsakan Area, Poblacion 3, Pigcawayan, NOrth Cotabato.
Resulta ito ng ginawang drug buy-bust operation kung saan kumagat ang suspek sa nagpakilalang buyer ng PNP na bumili ng shabu sa kanya.
Tinatayang 50 gramo ng shabu ang nakumpiska mula sa suspek na ngayon ay naka kulong na sa custodial facility ng Pigcawayan PNP.